Anakbayan-CAS UPLB

Anakbayan-CAS UPLB This is the official page of Anakbayan-College of Arts and Sciences. Anakbayan-CAS is one of the college-based chapters of Anakbayan in UPLB.

Officially established on October 26, 2016, Anakbayan-College of Arts and Sciences is one of the college-based chapters of Anakbayan in the University of the Philippines Los Baños.

30/11/2020

Pahayag sa ika-22 na anibersaryo ng Anakbayan
Southern Tagalog Chapter

Nov 30 2020

MAPULANG PAGBATI SA LAHAT NA ANAK NG BAYAN!

Taas-kamaong pinagdiriwang ng mga kabataang lumalaban ang ika-22 na anibersaryo ng Anakbayan kasabay ng ika-157 na araw ng kapanganakan ni Bonifacio at makasaysayang Kabataang Makabayan.

Mula pa noong unang beses na maitatag ang pangrehiyon na balangay ng Anakbayan sa Timog Katagalugan sa pamumuno ni Rowan Labo noong 2000s, buong-puso nitong isinasabuhay ang rebolusyonaryong tradisyon ni Bonifacio at inilalapat ito sa panibagong tipo na hamon ng pagbabago ng mundo.

Noong 2010, pinagpatuloy ng mga miyembro ng Anakbayan-UPLB ang diwang ito sa pamamagitan ng pag-organisa sa mga komunidad na malapit sa UPLB katulad ng Brgy. Putho at Brgy. Mayondon. Noong 2016, nagsimulang kumilos kasama ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan ng CALABARZON ang Anakbayan Southern Tagalog upang bitbitin ang mga kampanya hinggil sa libreng edukasyon. Noong panahong ito, nakiisa ang Anakbayan sa panawagan ng mga kabataan sa Timog Katagalugan para sa libre at dekalidad na edukasyon. Kasabay nito ay nabuo rin ang iba't ibang mga balangay sa mga komunidad ng mga magsasaka, maralitang pamayanan at mga pamantasan sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Mindoro at Romblon. Ilan sa mga ito ay ang mga balangay sa Sitio Kabute sa Calamba, Talisay City sa Batangas, at Dasmariñas sa Cavite.

Bago ang ika-20 na anibersaryo ng Anakbayan noong 2018, ang Anakbayan Southern Tagalog ay naglunsad ng kampanyang pagpapalawak sa rehiyon. Masinsin na binibit nito ang sunud-sunod na paglunsad ng mga kampanya para sa trabaho, lupa, edukasyon, karapatan, at serbisyong panlipunan ng mga mamamayan. Sa probinsya ng Cavite ay sinulong ng Anakbayan ang kampanya para sa karapatan ng mga estudyante mag-organisa at sapat na kabuhayan para sa mga magsasaka. Sa Laguna, ipinaglaban ng Anakbayan ang karapatan ng mga kabataang manggagawa. Sa Rizal, isinanib ang lakas ng mga kabataan sa pakikibaka ng mga maralitang tagalungsod para sa demokratikong pabahay. Sa Quezon, Batangas, Palawan, at Mindoro ay isinulong ng Anakbayan ang karapatan ng mga kabataang magsasaka at katutubo laban sa kawalan ng lupa, kabuhayan, at pang-aapi.

Dahil sa mga matagumpay na kampanya ng masa, nabuo ang mga balangay ng Anakbayan sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Quezon na pinangunahan ng mga estudyante ng UP Los Baños, Cavite State University, De La Salle University - Dasmariñas, Malayan Colleges Laguna, Santa Rosa Science and Technology High School, Southern Luzon State University, at marami pang iba.

Habang bitbit ang wastong linya ng pagpapatalsik sa papet, pahirap, at pasistang si Duterte at pakikibaka para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba, patuloy na lumawak ang Anakbayan sa Timog Katagalugan. Taong 2018 ay pormal na naibuo ang Anakbayan-Laguna sa kanilang kongreso. Noong 2019, patuloy na lumawak ang Anakbayan at binuo ng mga lokal ang Anakbayan sa mga probinsya ng Batangas at Rizal. Sa kasalukuyan, bawat probinsya ng CALABARZON at MIMAROPA ay mayroong mga miyembro ng Anakbayan na may kakayahan na makabuo ng mga balangay sa kani-kanilang mga lalalwigan. Ngayong taon, sa diwa ng ika-22 anibersaryo ng Anakbayan at pagpapalakas ng kilusang kabataan ay pinahigpit ng Anakbayan Cavite sa pamamagitan ng ikalawang kongreso ang tungkulin para makamit ang tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, at kalayaan mula sa dayuhan.

Patunay ang kasaysayan ng Timog Katagalugan na ang pakikibaka ng mga kabataan sa rehiyon ay buhay na buhay at hinding-hindi matitinag. Sa patuloy na pagkilos ng mga ito sa mga komunidad, pagawaan, maralitang pamayanan, at sakahan kasama ang batayang masa, lalong tumibay ang hanay ng mga kabataan at lalong pinanday ng mga ito kagalingan ng kabataan laluna sa pagsasapraktika ng mga rebolusyonaryong teorya.

Ngayong ika-22 na taon ng Anakbayan, binabalikan natin ang makasaysayang paglago ng pakikibaka ng mga kabataan sa Timog Katagalugan kasabay ng pagtanaw sa tagumpay na dala ng hinaharap. Sa patuloy na pakikipagkaisa sa malawak na hanay ng masa, tiyak na maipapanalo ng mga mamamayang api ang kanilang paglaban!

Sa ika-22 anibersaryo, idinidiin ng Anakbayan Southern Tagalog ang pagtahak nito sa mas masikhay na pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos bilang paraan para sa isang lipunang may tunay na demokrasya, kalayaan, makataong kaunlaran, at matagalang kapayapaan.

Sa kasalukuyan, humaharap pa rin tayong mga kabataan sa malalang mga krisis tulad ng pagpapatupad ng Terror Law, malawakang kahirapan dulot ng pandemya, at todo-todong korapsyon at militarisasyon. Dahil dito, hangga't nakaupo si Duterte sa kaniyang pwesto, patuloy na lalaban at lalawak ang mga kabataang makabayan at magpupunyagi para mapatalsik ang kanyang pasistang rehimen at makibaka para sa sosyalismo!

KABATAAN NG TIMOG KATAGALUGAN,
TULOY-TULOY ANG LABAN!



Matapos hindi siputin ng Bacoor LGU sa dialogue ang mga nasunugan sa Sinegualasan, hinikayat ng Anakbayan-ST ang mga kab...
26/11/2020

Matapos hindi siputin ng Bacoor LGU sa dialogue ang mga nasunugan sa Sinegualasan, hinikayat ng Anakbayan-ST ang mga kabataan na kumilos sa Urban Poor Day sa Lunes, ika-30 ng Nobyembre upang igiit ang karapatan ng mga maralitang inaagawan ng tirahan sa buong Timog Katagalugan.

Basahin ang buong pahayag: bit.ly/2JaQLOa

Anakbayan Southern Tagalog: "Halang ang sikmura ng pamahalaan sa mga mamamayan ng Timog Katagalugan."

Hinggil sa sunud-sunod na demolisyon, ebiksyon, at pagpapalayas sa mga komunidad sa Timog Katagalugan

For Immediate Release
11/26/2020

Kahapon, ika-25 ng Nobyembre, dahil sa hindi pagharap ni Lani Mercado-Revilla sa mga mamamayan ay kinasa ng mga nagkakaisang mamamayan sa Bacoor ang isang kilos-protesta sa harap ng Bacoor City Hall upang kundenahin ang kabi-kabilang ebiksyon, demolisyon, at pagpapahirap sa gitna ng pandemya.

Sa gitna ng pandemya, tuluy-tuloy pa rin ang panggigipit at pangha-harass sa maralitang lungsod ng Bacoor. Halimbawa na lamang nito ay sa gitna ng rumaragasang bagyo nagkasunog sa Brgy. Alima at Sinegualasan matapos ang ilang buwang harasment at tangkang pagpapalayas sa komunidad. Hanggang ngayon ay wala pa ring naihahatid na makatarungang tulong ang LGU sa daan-daang pamilyang nawalan ng tirahan at kagamitan.

Bago pa man magtungo ang mga mamamayan sa harap ng City Hall, nakatanggap na ang LGU ng isang request letter for dialogue at pinangakuan na mismo ng kanilang tanggapan ang mga mamamayan ng isang dayalogo.

Ngunit nang puntahan ng mga mamamayan ang City Hall, hindi sila hinarap ng LGU. Sa lawak at laki ng City Hall ng Bacoor, walang kahit isang mukha na naiharap ang LGU sa nagkakaisang mamamayan ng Bacoor.

"Makatwiran ang laban ng mga maralita para sa kanilang karapatan sa lupang panirikan." ani ni Kobi Tolentino, tagapagsalita ng Anakbayan Southern Tagalog. "Ang hindi pagharap ng LGU sa kaniyang mga mamamayan ang patunay na halang ang sikmura nito sa hirap na kanilang dinaranas."

Ang kabi-kabilang pagpapalayas na nararanasan ng maralitang lungsod sa Bacoor ay sanhi ng mga neoliberal na proyektong reklamasyon at "pagpapaganda" sa lungsod upang maging kaakit-akit sa mga dayuhang negosyo.

"Ang laban ng maralitang lungsod ng Bacoor ay laban din ng maralitang lungsod ng buong Timog Katagalugan." pagdeklara ni Tolentino.

Ang mga demolisyon at pagtapak sa karapatan ng mga maralita para sa kanilang lupang panirikan ay danas ng mga mamamayan ng Timog Katagalugan.

Bukod sa Bacoor, nariyan din ang patuloy na pagmimilitarisa sa mga kabahayan sa Rizal, patuloy na pangangamkam ng lupa sa mga magsasaka ng Lupang Ramos, Cavite at ang mga mangingisda na naagawan ng kabuhayan sa Batangas dahil sa anti-mamamayang Build-Build-Build project at iba-iba pang mga proyekto na tinatapakan ang mga karapatan ng karaniwang mamamayan dito sa rehiyon.

"Patuloy na titindig at lalaban para kanilang mga karapatan ang mga mamamayan ng Timog Katagalugan." ani ni Tolentino. "Mula sa Bacoor hanggang sa buong rehiyon, hinding-hindi papayag ang mga mamamayan na mapalayas sila sa kanilang mga sariling lupa!" panapos nito.

Sa ika-30 ng Nobyembre, ipapakita ng nagkakaisang mamamayan ng Timog Katagalugan ang kanilang paglaban para kanilang mga karapatan. Hinihimok ng rehiyon ang lahat ng mamamayan na nakikita ang kainutilan ng pamahalaan upang sumama sa gaganaping pagkilos!

ANAKBAYAN-Southern Tagalog: Parlade at AFP, mukha ng terorismo at pahirap sa mamamayan!Basahin ang sagot ng ANAKBAYAN-ST...
23/10/2020

ANAKBAYAN-Southern Tagalog: Parlade at AFP, mukha ng terorismo at pahirap sa mamamayan!

Basahin ang sagot ng ANAKBAYAN-ST hinggil sa pagsusupil at pananakot ni Lt. Gen. Parlade sa mga progresibong mamamayan

"Parlade at AFP: Mukha ng terorismo at pahirap sa mamamayan!" - ANAKBAYAN-Southern Tagalog

Hinggil sa pagsusupil at pananakot ni Lt. Gen. Parlade sa mga progresibong mamamayan

Walang araw na pinapalipas ng rehimeng Duterte na pahiyain nito ang sarili sa taumbayan gamit ang sarili nitong mga salita. Ngayon, sa kabila ng kinakaharap na krisis ng Pilipino, walang ginawa ang asong ulol at bata ni Duterte na si Lieutenant General Antonio Parlade Jr. kundi ilagay ang mga mamamayan sa kapamahakan sa ginagawa niyang redtagging.

Bukod sa akusasyon laban kina Liza Soberano, sunud-sunod ang red-tagging at harassment ni Parlade at ng Southern Luzon Command (SOLCOM) sa mga human rights defenders at aktibista sa Timog Katagalugan.

Sa isang post ng Anakbayan-Quezon laban sa Anti-Terror Law, sumagot si Parlade na handa umano ang SOLCOM makipag-diyalogo upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing. Ito ay matapos ang serye ng pagbisita sa bahay at panliligalig ng militar sa mga miyembro ng Anakbayan Quezon at Q***r Quezon.

Hungkag at mapagbalatkayo si Parlade at ang AFP sa sinasabi nilang dayalogo. Wala sa poder at lalong walang kredibilidad si Parlade at AFP na pumosisyon bilang 'tagapagtanggol' ng karapatang tao. Magpapatunay rito ang sunod-sunod na paniniktik, redtagging, harassment, pagsampa ng gawa-gawang kaso, at pamamaslang na nararanasan ng mamamayan ng Timog Katagalugan.

Kung mayroon man ipinagtatanggol at pinoprotektahan ang AFP, ito ay ang interes ng mga mayayamang negosyante pati na ang mga dayuhan nanghuhuthot sa ating mga Pilipino.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maintindihan ni Parlade ang rason ng patuloy na pagbalikwas ng mamamayan ay dahil sa lumalalang kahirapan at kagutuman laluna sa mga lalawigang kanilang minimilitarisa. Kung sinsero si Parlade at ang rehimeng Duterte sa kapayapaan, ang nararapat nilang gawin ay bumaba sa pwesto at ituloy ang demokratikong usapang pangkapayapaan at hindi ang huwad na Local Peace Engagement.

Kung labag ito sa loob ni Parlade ay malamang labag din sa loob niya na matamasa ng masang anakpawis ang tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, at kalayaan mula sa mga diktador at dayuhan. Imbes na tugunan ang kahirapan ng mga mamamayan, 19.3 bilyong piso ang ginagastos ng rehimeng Duterte sa mga pasistang institusyon kagaya ng AFP at NTF-ELCAC na siya namang binubulsa ng mga berdugong militar.

Kung akala ni Parlade na mapapatahimik niya ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pananakot at red-tagging, nagkakamali siya. Higit na namumulat ang sambayanan sa katotohanan ng atrasadong lipunan. Kung kaya, hindi natin maitatanggi ang pagdami ng mga nakikiisa at lumalahok sa pakikibaka ng mamamayan.

Haharapin nila Parlade ang galit ng sambayanan at mabibingi sila sa mga umaalingawngaw na panawagan. Higit na magpupursigi ang masang-api para sa makataong kapayapaan, kalayaan, at pambansang demokrasya.







# # #

REFERENCE PERSON
Kobi Tolentino
Spokesperson
Anakbayan-Southern Tagalog

21/10/2020

📽️ PANOORIN: Kanina ay nagprotesta ang mga magsasaka at ibang sektor ng Timog Katagalugan upang igiit ang karapatan ng mga magsasaka at ipanawagan ang pagpapatalsik sa Rehimeng Duterte na nagpapahirap at pumapatay sa kanila araw-araw.

🧑‍🌾

ALERT! Tuluy-tuloy ang harassment sa mga residente ng Sitio Silangan nang tutukan sila ng baril ng mga armadong indibidw...
27/09/2020

ALERT! Tuluy-tuloy ang harassment sa mga residente ng Sitio Silangan nang tutukan sila ng baril ng mga armadong indibidwal kaninang madaling araw. Sinira rin ang protest camp ng mga lokal dagdag sa pananakot ng mga kapulisan.

NEVER FORGET.Ngunit paano kami makakalimot kung hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpaslang at pagpatay sa demo...
21/09/2020

NEVER FORGET.

Ngunit paano kami makakalimot kung hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpaslang at pagpatay sa demokrasya?
Ngayong ika-21 ng Setiyembre, ating alalahanin ang mga inhustisya ng Batas Militar na ipinataw ng pasistang Marcos at sabay-sabay natin ipanawagan: NEVER AGAIN!

Sumama sa protesta sa Timog katagalugan!
9am - Dasmariñas, Cavite
1pm - UP Los Baños, Laguna
4pm - Sta. Rosa Laguna




NEVER FORGET.

Ngunit paano kami makakalimot kung hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpaslang at pagpatay sa demokrasya? Noong panahon ng Batas Militar ni Marcos, napakaraming buhay ng mga magigiting na kabataang makabayan ang kinuha ng berdugong si Marcos sa pamamagitan ng pagpatay, pagkidnap, pagtortyur, at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

At sa totoo lang, walang pagbabago sa ilalim ni Rodrigo. Kian delos Santos, Carl Arnaiz, Danica May Garcia—sila ang mga iilang pangalan ng mga inosenteng kabataan na inagawan ng buhay ng rehimeng Duterte sa pamamagitan ng madugong giyera kontra droga. Sa mga nakaraang balita, kaliwa't kanan ang pagaaresto at pangharass ng AFP sa mga kabataang lumalaban para sa karapatang pantao. Malinaw na hindi ligtas ang kabataan sa ilalim ng pamamasista ni Duterte tulad ng noong panahon ni Marcos.

Unti-unting itinatayo ni Duterte ang kaniyang diktadurya tulad ni Marcos. Wag natin kalimutan na sa gitna ng isang pandemya ay tinulak nila ang pagpapatupad ng Terror Law, na nagbabansag sa aktibismo bilang terorismo. Niraratsada rin nila ang Charter Change, at pinapasara nila ang mga malalaking media companies sa bansa.

Kasaysayan na ang nagpapakita na isang madilim at lugmok na kapalaran ang naghihintay sa ating mga Pilipino kung hahayaan nating magpatuloy si Duterte sa kaniyang pwesto.

Ngayong ika-21 ng Setiyembre, ating alalahanin ang mga inhustisya ng Batas Militar na ipinataw ng pasistang Marcos at sabay-sabay natin ipanawagan... NEVER AGAIN. Hindi natin hahayaan maulit muli ang pagpapatay at pagpapatahimik. Magpanawgan tayo ng pagpapatalsik sa diktaduryang Duterte at sama-samang magkamit ng hustisya para sa mamamayang Pilipino!

Sumama sa protesta sa Timog katagalugan!

9am - Dasmariñas, Cavite
1pm - UP Los Baños, Laguna
4pm - Sta. Rosa Laguna




08/09/2020

Cavite’s progressive youth clamor for inclusive, democratic education amidst pandemic

September 07, 2020

INDANG, CAVITE—Progressive youth organizations based in Cavite stage a student protest on the first day of classes of most schools in the province at Cavite State University (CvSU) Don Severino delas Alas campus. This mobilization is a show of indignation of the youth’s fight for a safe, quality, accessible, and democratic right to education.

The groups asserted comprehensive calls directed at school administrations and the national government aiming to create dialogue and inspire action to ensure that no student nor teacher and non-teaching personnel is left behind as resumption of classes is looming. Speakers from these youth organizations stressed the current condition of the education sector and its underlying issues.

“Sa CvSU, nanghihingi kami ng accountability mula sa aming administration. Until now, students are at loss for guidelines and worst, at loss for resources needed to sustain their education,” Jane Krisha, Vice President of Central Student Government of Cavite State University explained. She believes that beyond school administrations, all fingers shall be pointed at the Department of Education (DepEd) and Commission on Higher Education (CHED) for their inaction and lack of concrete planning to give light on how the education sector will move forward from the COVID-19 health crisis.

One chief motivation of the students’ march to the streets is to express collective condemnation of the apparent unreadiness of educational institutions, especially that of the national government, to provide for the needs this upcoming academic year and the proposed distance learning. In support of this, EJ from Rise for Education - CvSU uncovers President Rodrigo Duterte as the primary contradiction to the crisis the sector is facing. “Six months into the lockdown, ay tuluyan nang tinalikuran ni Duterte ang pagtugon sa solusyong medikal! We have yet to accomplish extensive contact tracing, development of isolation centers, and even mass testing,” EJ added. "This, in hindsight, is the primary reason for the crisis in education we are faced with."

Another youth leader, Jocel, from Anakbayan - Cavite believes that the growing frustration of the youth in social media and the virtual world is starting to translate on the streets, the default venue of the continuous and long-enduring fight for education. “Hindi natitigil ang laban ng kabataan sa pakikipaglaban sa ligtas, abotkaya, dekalidad, at demokratikong edukasyon dahil hangga't may tuta ng US-China at diktador sa Malacañang hinding-hindi matatapos ang pagpapahirap at pamamasismo,” she iterated. She compares online classes as students being confined in the four corners of a screen, just as back in the day, they were confined in the four corners of a classroom.

Thus, ANAKBAYAN-Southern Tagalog with the CvSU mobilization group, in behalf of the progressive youth, calls on the rest of the education sector to take on the challenge of molding the “new normal” of education that is oriented towards revamping it to become nationalist, mass-oriented, and scientific—one that is inclusive and loyal to the interests of the people.
---

Reference Person:

Kobi Tolentino
Spokesperson
Anakbayan Southern Tagalog

Mas matimbang pa kay Duterte ang buhay ng isang mamamatay-tao na kano kaysa sa ating kababayang transgender.
07/09/2020

Mas matimbang pa kay Duterte ang buhay ng isang mamamatay-tao na kano kaysa sa ating kababayang transgender.





DUTERTE, PASISTA, TUTA NG KANO!

Sa pagbigay ni Duterte ng 'absolute pardon' kay Joseph Scott Pemberton ngayong araw, ibinasura ng rehimen na ito ang karumal-dumal na pagpatay ng tropang kano kay Jennifer Laude, isang kababayan. Si Pemberton ay nasa bansa sa ilalim ng Visiting Forces Agreement nang patayin niya si Laude dahil sa pagiging transgender niya. Kitang kita na mas matimbang pa kay Duterte ang buhay ng isang mamamatay-tao na kano kaysa sa ating kababayang transgender.

Pinapakita lang ng desisyon na ito na hindi hawak ni Duterte ang interes ng Pilipino at ang taumbayan. Isa siyang traydor na paulit-ulit na tinatalikuran ang kapakanan ng mga Pilipino upang magpakatuta sa Estados Unidos at Tsina.

Ang Visiting Forces Agreement o VFA ay isa sa mga hindi pantay na tratado ng Estados Unidos na pumapayag gamitin ang ating lupa para sa balikatan at paggiyera. Protektado ang mga tropang kano sa ilalim ng batas na ito kung kaya ay naging madali para kay Pemberton na makatakas sa kaniyang pagpatay kay Jennifer.

Kung maalala, ang VFA ay ipinatupad ng rehimeng Aquino dahil sa tambak na utang nito sa US dulot ng krisis ng bagyong Yolanda. Hanggang sa rehimen ni Duterte, hindi niya mabitawan ang Visiting Forces Agreement sapagkat ngayong krisis naman ng COVID-19, tuluy-tuloy pa rin ang pag-utang ni Duterte sa World Bank, International Monetary Fund, at iba pang US-controlled na banko dahil sa kainutilan at korapsyon nito.

Bukod pa rito, hindi kayang labanan ni Duterte ang krimen ng Estados Unidos laban sa ating bansa sapagkat nakadepende siya sa kanila upang pondohan ang kaniyang mga counter-terrorism programs tulad ng Executive Order 70 at Anti-Terrorism Law.

Sa pagbabasura ng krimen ni Pemberton, hinahayaan ni Duterte ang pag-abuso at panloloko ng mga imperyalistang bansa tulad ng Estados Unidos sa ating bansa. Dahil dito, siya ay isang tuta at kalaban ng mga mamamayang Pilipino. Upang makamit ang hustisya para kay Jennifer, nananawagan ang ANAKBAYAN-Timog Katagalugan ng pagpapatalsik sa rehimeng Duterte!

Tama na ang pagsuko ng kapakanan at karapatan ng ating mga kababayan para lamang sa interes ng mga gahaman at imperyalista!





23/08/2020

Sa inilunsad na HATOL KABATAAN ng Timog Katagalugan, binagsak ng ANAKBAYAN-Southern Tagalog ang rehimeng Duterte sa kaniyang pagtugon sa kasalukuyang krisis pang-edukasyon.

"Napakahalaga na masigurado ang karapatan ng mga kabataan sa edukasyon sapagkat sa bawat araw na pinapabayaan ng rehimeng ito ang edukasyon ay isa nanamang araw na ipinagkakait sa libu-libong mga kabataan ang kanilang karapatan," sabi ni Tolenino, tagapagsalita ng ANAKBAYAN-Southern Tagalog.

Iginiit ni Tolentino na hindi imposible ang ligtas, dekalidad, at abot-kayang edukasyon sa panahon ng pandemya. Ngunit, imbes na tiyakin ito ng rehimeng Duterte ay inuuna niya ang mga militaristang aksyon, paghasik ng lagim, at pagpapapatay sa mga kritiko at aktibista.

Sa naganap na Hatol Kabataan, inilahad ng iba't ibang youth organizations sa Region IV ang kawalan ng kahandaan ng mga estudyante, g**o, at mga paaralan sa itinutulak na plano ng rehimen hinggil sa edukasyon.

"Naniniwala ang Anakbayan na upang matiyak ang kaligtasan, kagalingan, at karapatan ng mga Pilipino sa krisis na ito, kailangan natin magkaisa upang patalsikin ang inutil na rehimeng Duterte," iginiit ni Tolentino.

# # #

Ipaglaban ang ligtas, abot-kaya, demokratiko, at dekalidad na edukasyon!

HINGGIL SA PAGBABALIK-ESKWELA: Hangga’t nananatili ang inutil na rehimeng Duterte, walang mangyayaring makatotohanang ba...
15/08/2020

HINGGIL SA PAGBABALIK-ESKWELA: Hangga’t nananatili ang inutil na rehimeng Duterte, walang mangyayaring makatotohanang balik-eskwela na ligtas, abot-kaya, de-kalidad at demokratiko—Kobi Tolentino, tagapagsalita ng Anakbayan-Southern Tagalog

For immediate release
August 15, 2015

HINGGIL SA PAGBABALIK-ESKWELA: Hangga’t nananatili ang inutil na rehimeng Duterte, walang mangyayaring makatotohanang balik-eskwela na ligtas, abot-kaya, de-kalidad at demokratiko—Kobi Tolentino, tagapagsalita ng Anakbayan-Southern Tagalog

For immediate release
August 15, 2020

Napatunayan na hindi totoo ang ipinagyayabang ng DepEd na kahandaan sa balik-eskwela noong nakaraang buwan nang pinostpone ang resumption of classes mula Agosto patungong Oktubre. Paano nga ba naman magbabalik eskwela kung patuloy pa rin ang pagkalat ng CoViD-19 sa bansa at wala pa ring malinaw na suporta para sa mga estudyante at kaguruan.

Ukol sa pagbabalik eskwela sa bansa, nililinaw ng tagapagsalita ng Anakbayan-Southern Tagalog: "Yes, we want to resume classes as soon as possible. No, we don’t want it to resume without safety, accessibility, quality and democracy."

Nang isinailalim ang buong Luzon sa ECQ, dalawa ang naging reaksyon natin. Sa isang banda, alam nating kailangan ng quarantine protocols -- sampu ng mass testing, assiduous conact tracing, isolation and treatment -- para makatulong sa pagpapatag ng kurba ng CoViD-19. Pero, sa kabilang banda, hindi tayo sumang-ayon sa militaristang tugon ng rehimeng US-China-Duterte. Nagpabalik-balik na ang maraming syudad at lalawigan sa iba-ibang antas ng “quarantine protocols”, pero wala pa ring kagyat, komprehensibo, syentipiko at makataong pagresponde sa pandemya ang pambansang pamahalaan.
Alam nating marangal ang paggawa, at napakahalaga na manumbalik ang trabaho ng mga naghahanapbuhay. Subalit, nang maramihan nang binuksan ang mga empresa para diumano makapanumbalik ang ekonomya, mariin tayong tumutol sa pagpapahamak sa mga manggagawa. Ipinabalikat sa kanila ang paggastos para sa kani-kanilang rapid testing, at araw-araw silang namomroblema dahil sa kawalan ng episyenteng mass transport.

Ngayon, nahaharap ang mga mag-aaral, magulang at g**o sa katulad na usapin. Wasto bang manumbalik agad ang eskwela? Tunghayan natin ang mga datos.

Bago pa man ang pandemya ay milyon-milyon nang kabataan ang wala sa paaralan dahil sa matinding kahirapan, , patuloy na pagbawas ng pondo ng sektor ng edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan, at mga neoliberal na patakaran sa edukasyon. Ngayong tumama ang pandemya, mahigit 25% ang ibinababa ng enrollment para sa taong 2020-2021 kumpara noong nakaraang taon, ayon mismo sa konserbatibong taya DepEd. Dagdag pa, kanilang iniulat na mahigit 300,000 estudyante ang lumipat mula sa pribadong paaralan tungo sa pampublikong paaralan. Samantala, ilang libong maliliit na pribadong eskwelahan na mapipilitang magsara. Ganito rin ang kinahaharap ng higher education.

Sa ganitong kalagayan, ano ang ating panawagan?

Ang sagot ni Tolentino, "kailangan nating sariwain ang obhetibong interes ng mga kabataan na batayan ng ating mga panawagan: ito ay ang karapatan sa edukasyon. Sa bawat araw na hindi nakakabalik-eskwela ang mga mag-aaral ay isang araw na ipinagkakait ang kanilang karapatan. Ito ang dahilan kung bakit nananawagan tayo ng kagyat na balik-eskwela."

Subalit ang karapatan sa edukasyon ay hindi katumbas ng simpleng balik-eskwela. Kung hindi makayanan ng mga mag-aaral at ng kanyang mga magulang ang gastusin sa edukasyon, kung kapos sa mga pasilidad at materyales ang mga estudyante at kanilang mga g**o, at walang demokratikong proseso ng konsultasyon hinggil sa edukasyon, ang karapatan sa edukasyon ay isang pormalidad lamang. Upang matamasa, upang maging makatotohanan, ang karapatang ito, dapat ay abot-kaya, de-kalidad at demokratiko ang sistema ng edukasyon.

Hindi pa riyan natatapos. Isang saligang prinsipyo ng mga karapatang pantao ang pagiging interdependent ng mga ito. Kapag pinagkait ang isa, nalabag na ang lahat. Samakatwid, ang edukasyon ay hindi nakahiwalay sa iba pang mga karapatan. Nakaugat ito sa saligang karapatan sa buhay. Kaya tayo nag-aaral, dahil nais nating matamasa ang malaya at maginhawang buhay.

"Malalagay lamang sa peligro ang ating buhay kung hindi pa rin resolbado ang krisis at pandemya ng CoViD-19," pahayag ni Tolentino. Nilalabag ng balik-eskwela ang sarili nitong layunin kung hindi ito ligtas.
Kung gayon, ang ating panawagan ay: Ipaglaban ang karapatan sa ligtas, dekalidad, demokratiko, at abot-kayang edukasyon!

Ang kasunod na tanong: Posible ba ito ngayon? Bago natin sagutin ito, kailangan muna natin ilinaw na kapag kailangan at kapaki-pakinabang, tungkulin natin na likhain ang posiblidad.

Nailahad na natin kung bakit ito kailangan at kapaki-pakinabang, pero meron ba tayong kakayanan para sa kagyat na ligtas, abot-kaya, de-kalidad at demokratikong edukasyon?

Ang sagot ni Tolentino, "I dare say yes. All the necessary science, technology and funds are already there. Alam na natin sa pangkalahatan kung ano ang mga kailangang gawin." Subalit, ang agham at kalinangan ay tinakwil para maghasik ng pasistang kasinungalingan at itaguyod ang kamangmangan. Nariyan ang pondo, pero mali ang alokasyon.

Kagaya sa usapin ng medical response sa pandemya, sa usapin ng humanitarian approach sa pagpapanumbalik ng ekonomiya, walang political will ang kasalukuyang rehimen upang itaguyod ang kapakanan at karapatan ng mga estudyante. Sa halip, ginagamit pa nga nito ang pandemya para higit na makapandambong, makapaghasik ng lagim, at maibenta ang pamana ng bansa sa mga dayuhan.

Ang iskema ng balik-eskwela ng IATF ay isa lamang malaking palabas. Hindi ito nagmula sa kanilang malasakit sa atin, kundi sa pangangailangang magmukhang meron silang ginagawa. Higit sa lahat, ang huwad na balik-eskwela ng IATF ay nagsisilbi upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang tubo ng mga kapitalista-edukador, at ang kurakot ng mga burukrata-kapitalista sa DepEd at CHED. Alalahaning ang DepEd ay isa sa pinakatiwaling ahensya ng gubyerno, kahit bago pa dumating ang pandemya ng CoViD-19. Bukod pa, magsisilbi ang huwad na balik-eskwela para sa patuloy na saywar ng sibil-militaristang junta ni Duterte na siyang nagpapatakbo ngayon sa estado. Bago pa ang pandemya, sangkatutak na pulis at militar na ang nagtangkang pasukin ang mga paaralan, ligaligin ang kabataan, at pagbantaan ang mga nakikibaka at lumalaban. Tiyak na sa sariling “balik-eskwela” ng Deped at CHED, isusulong pa rin nila ang pasismo at pasisasyon ng mga kurikulum.

Sa madaling sabi, hanggat nananatili ang inutil na rehimeng Duterte, walang mangyayaring makatotohanang balik-eskwela na ligtas, abot-kaya, de-kalidad at demokratiko.

Dahil sa pag-abandona at pagpapahirap sa mga kabataan at mamamayan, nasa balikat natin ngayon ang tungkuling likhain ang posibilidad ng ating panawagan. Kailangang wakasan na, patalsikin na natin sa kapangyarihan ang rehimeng US-China-Duterte. Ito ang magbibigay-daan para maabot natin ang ligtas, abot-kaya, de-kalidad at demokratikong edukasyon.

# # #

REFERENCE PERSON
Kobi Tolentino
Spokesperson
Anakbayan-Southern Taglaog

Ano na nga ba ang nangyayari sa ating bansa?!Iniimbitahan kayo ng Anakbayan-Southern Tagalog sa PAARALANG ROWAN LABO: A ...
10/06/2020

Ano na nga ba ang nangyayari sa ating bansa?!

Iniimbitahan kayo ng Anakbayan-Southern Tagalog sa PAARALANG ROWAN LABO: A series of educational discussions. Ngayong linggo, sama-sama tayong mamulat habang tinatalakay ang mga isyung panlipunan sa ating bansa.

Maari kami i-message para sa karagdagang detalye.

08/06/2020

UPDATE: 2 MORE WITHDREW, 8 VOTES LEFT TO LOST MAJORITY SUPPORT! - 4PM

BREAKING: Quezon Rep. Tan and Tarlac Rep. Montales withdraws 'Yes' vote to the Anti-Terror Bill. CONTINUE THE E-MAIL PROTEST TO . Contact your local representatives now!

We only need 10 more withdrawals for the bill to lose majority support in the House!

Steps to join the email protest:

1. Access http://junkterrorbill.netlify.app to email your reps
2. Upload a screenshot of your email on Twitter or Facebook and tag Anakbayan Southern Tagalog () and use the hashtag
3. Tag 5 other friends to join!

Check our stand on the terror bill here: bit.ly/terrorbillprimer

Address

University Of The Philippines Los Baños
Los Baños

Telephone

+639065822105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan-CAS UPLB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan-CAS UPLB:

Share