Sakbayan CFNR

Sakbayan CFNR The widest party alliance in the whole UP System with a pro-student and pro-people orientation in College of Forestry and Natural Resources.

YOUR ALLIANCE

SAMAHAN NG KABATAAN PARA SA BAYAN (SAKBAYAN) was established by 25 student organizations, fraternities and sororities on July 1, 1996 as an alliance against commercialization of education and campus repression. Since its establishment the alliance unwaveringly stands to advance a pro-student and pro-people education. Currently, SAKBAYAN remains to be the WIDEST ALLIANCE of student o

rganizations, fraternities and sororities throughout the University of the Philippines System with 61 member-organizations and an affiliate alliance. HISTORY OF SELFLESS SERVICE

• Uniting the studentry in the advancement of their rights and welfare
• Promoting democratic rights of various sectors in the university
• Linking student causes to people’s causes

CONSISTENT AND UNCOMPROMISING LEADERSHIP

SAKBAYAN unites the broadest mass of students and other sectors to achieve their democratic aspirations. The dismal condition of education system calls us all to forge unity and SAKBAYAN unwaveringly allies itself even with its contenders in campus elections to stand together as one in front of challenges to our right to free and quality education. LINE WORKS

Leadership training and seminars, workshops on public speaking, writing for advocacy, finance and alliance work, etc. Socio-political issues
Fora, alternative classes, educational discussions and regular publication of the alliance’s newsletter SANGHAYA, outreach programs, benefit and advocacy concerts, etc. Student assemblies
All Leaders’ Meeting (ALM)—a weekly assembly of representatives of SAKBAYAN’s member-orgs, congresses, conventions, all student assemblies, etc.

Isang makakalikasang pagbati, manggugubat ng bayan! ❤️‍🔥Ngayong tumitindi ang krisis sa edukasyon, sa klima, at sa patul...
29/04/2025

Isang makakalikasang pagbati, manggugubat ng bayan! ❤️‍🔥

Ngayong tumitindi ang krisis sa edukasyon, sa klima, at sa patuloy na pagpapahirap sa sangkaestudyantehan bunga ng budget cuts at komersyalisasyon, nararapat lamang na tumindig ang malawak na hanay ng lider-estudyante upang mas lalo pang palakasin ang mga panawagan para sa libreng edukasyon at demokratikong karapatan nating lahat, higit lalo sa ating mga komunidad.

Sa papalapit na USC-CSC Elections 2025, nais ibahagi ng SAKBAYAN – Kolehiyo ng Paggugubat at Likas Yaman ang ating General and Plan of Action na nakaangkla upang harapin ang sa samu’t saring isyu at krisis sa loob at labas ng pamantasan. Bitbit ang panawagang isulong ang kolehiyong makaestudyante at makabayan, lakas loob nating ipaglaban ang bawat kampanyang ito.

UPLB, Labanan ang Budget Cuts! Itaguyod ang Pamantasang Maka-Estudyante at Makabayan Tungo sa Libreng Edukasyon at Demokratikong Karapatan!

Makibaka, Magtagumpay, Iskolar ng Bayan!



DUMALO. MAKILAHOK. KILATISIN.Ngayong araw, Abril 28, ilulunsad ang mga College Wide Student Council Miting de Avance bil...
28/04/2025

DUMALO. MAKILAHOK. KILATISIN.

Ngayong araw, Abril 28, ilulunsad ang mga College Wide Student Council Miting de Avance bilang bahagi ng USC-CSC Elections 2025 mula sa iba't ibang sulok ng ating pamantasan.

Iniimbitahan po namin ang lahat ng mag-aaral ng UPLB na dumalo, makilahok, at kilatisin ang mga kasalukuyang tumatakbo sa Konseho ng mga mag-aaral sa bawat kolehiyo na ating kinabibilangan upang ilatag ang presentasyon ng kanilang General Plan of Action. 📝

Narito ang listahan ng schedules at venues ng College Miting de Avance:

APRIL 28, 2025 📆

📌 College of Agriculture and Food Science (CAFSSC)
⏰ 7 PM, iCrops 100

📌 College of Arts and Sciences (CASSC)
⏰ 7 PM, NCAS GAL 2

📌 College of Development Communication (CDCSC)
⏰ 6 PM, CDC LR 1 & 2

📌 College of Forestry and Natural Resources (CFNRSC)
⏰ 4 PM, Rola Hall (CFNR Admin Building)

📌 College of Human Ecology (CHESC)
⏰ 6:30 PM, CHE Lobby

Makibaka, Magtagumpay, Iskolar ng bayan! ❤️‍🔥



Tuluy-tuloy ang militanteng pagkilos ng sangkaestudyantehan, kasama ang SAKBAYAN sa pagpapalawig ng mga panawagan ng mga...
28/04/2025

Tuluy-tuloy ang militanteng pagkilos ng sangkaestudyantehan, kasama ang SAKBAYAN sa pagpapalawig ng mga panawagan ng mga kapwa-mag-aaral at ng sambayanan. Kasabay nito, walang humpay na itinataguyod ng pinakamalawak na partido-alyansa ang isang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon, sining, at kultura, para sa mga manggugubat at para sa bayan!

Narito ang SAKBAYAN CFNR upang higit pang ipakilala sa sangkaestudyantehan ang hanay ng mga lider-estudyante mula sa Kolehiyo ng Paggugubat at Likas Yaman, mga lider na buong-tapang na humaharap sa hamon ng paglilingkod at pagbabago. Halina’t kilalanin natin ang mga kinatawan ng ating Kolehiyo na sina:

❤️‍🔥 Renzo Samuel S. Manguiat, Sakbayan CFNR SC Chairperson
❤️‍🔥 Gavriel Sheatiel Kenan Cobres, Sakbayan CFNR SC Vice Chairperson
❤️‍🔥 Datu Zahir L. Meditar, Sakbayan CFNR SC College Representative to the USC
❤️‍🔥 May Ann Tamonan, Sakbayan CFNR SC Councilor

Iniimbitahan namin ang lahat na dumalo at kilalanin pa nang higit ang ating mga kinatawan sa nalalapit na CFNR Student Council Miting de Avance sa Abril 28, 2025, 4 PM, Rola Hall (CFNR Admin Building).

Makibaka, Magtagumpay, Iskolar ng Bayan!



Ang Sakbayan CFNR ay buong-puso ang pagpapasya na tanggapin ang hamon ng paglilingkod upang isulong ang mga kampanyang m...
26/04/2025

Ang Sakbayan CFNR ay buong-puso ang pagpapasya na tanggapin ang hamon ng paglilingkod upang isulong ang mga kampanyang makaestudyante at makabayan para sa kapakanan at kagalingan ng mga estudyante at mamamayan.

Mula sa pinakamataas na kolehiyo, ang Kolehiyo ng Paggugubat at Likas Yaman – taas-kamaong ipinagmamalaki at ipinakikilala ng Sakbayan CFNR ang mga bumubuo sa Sakbayan College of Forestry and Natural Resources Student Council:

❤️‍🔥 Renzo Samuel S. Manguiat, Sakbayan CFNR SC Chairperson
❤️‍🔥 Gavriel Sheatiel Kenan Cobres, Sakbayan CFNR SC Vice Chairperson
❤️‍🔥 Datu Zahir L. Meditar, Sakbayan CFNR SC College Representative to the USC
❤️‍🔥 May Ann Tamonan, Sakbayan CFNR SC Councilor

Bilang bahagi ng UPLB USC-CSC Elections 2025, iniimbitahan ang lahat na dumalo at lumahok sa gaganaping CFNR Student Council Miting de Avance sa darating na 📌 April 28, 2025.

Makibaka, Magtagumpay, Iskolar ng bayan!



25/01/2025

Pwede pala 'yan maa 😩

Sa unang araw ng klase, sama-sama nating itaas ang ating mga kamao ✊🏼 at ipanawagan ang karapatan at kalayaan sa edukasyon tungo sa malayang pamantasan! ‼️

WEAR RED! 🔻
SUMAMA SA FIRST DAY RAGE! 🔥



😥🙏🏼
23/01/2025

😥🙏🏼

Parusa maaa 😥😥😥

Nakakagalit ang sitwasyon ng sangkaestudyantehan ng UPLB sa ganitong bulok na estado ng edukasyon sa Pilipinas.

2025 na ngunit barat, tago, at binubulsa pa rin ng gobyerno ang pondo sa sektor ng edukasyon na para sana sa kabutihan at kagalingan ng mga kabataang Pilipino.

Ilanman ang nakuhang units ngayong semestre, full units o hindi, biktima ang bawat estudyante ng isang kolonyal, komersyalisado, at pasistang tipo ng edukasyon.

Magkita-kita tayo sa lansangan✊🏼
Sumama sa First day Rage 2025 🔥



🔥 CALLING ALL INDIVIDUALS, ORGANIZATIONS & FORMATIONS 🔥Sa papalapit na pagsisimula na naman ng isang bagong semestre, ti...
22/01/2025

🔥 CALLING ALL INDIVIDUALS, ORGANIZATIONS & FORMATIONS 🔥

Sa papalapit na pagsisimula na naman ng isang bagong semestre, tinatawagan ang lahat ng indibidwal, organisasyon, fraternities, at sororities ng UPLB ay iniimbitahan na dumalo sa gaganaping SAKBAYAN All Leaders' Meeting (ALM) ngayong January 24, 2025, 7:00 PM, Online.

AGENDA:
I. Registration Concerns
II. SAKBAYAN Assessment
III. ALAB 2025
IV. Election Sensing
V. Member-organization Reactivation
VI. Other Matters


🔥

Address

UPLB College Of Forestry And Natural Resources
Los Baños
4030

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sakbayan CFNR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share