01/10/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
โ๐๐๐ ๐ฅ๐ค๐ค๐ง ๐ฅ๐๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ซ๐๐ง๐ฌ๐๐๐ก๐ข๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ค๐ง๐๐ฉ๐ฎ ๐ค๐ ๐จ๐๐ข๐-๐ค๐ฌ๐ฃ๐๐ง ๐ฅ๐๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐จ ๐๐ค๐ฃ๐จ๐ฉ๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐๐จ๐ฉ ๐ข๐ค๐ฉ๐๐ซ๐ ๐๐ค๐ง๐๐ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ซ๐ค๐ก๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ.โ โ ๐
๐ค๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐จ๐ค๐ฃ
Taas kamaong pugay nating ginugunita ngayong Oktubre ang Buwan ng mga Pesante, kung saan kinikilala natin ang mga magsasaka bilang pangunahing pwersa ng lipunan na bumubuo sa 75% ng ating populasyon sa bansa. Atin silang sinasamahan sa panawagang maibalik ang pinagkakait na lupang kanilang binubungkal habang patuloy silang binabaon ng estado sa matinding kahirapan.
Unang idineklara ang Araw ng mga Pesante ni Ferdinand Marcos Sr. noong 1973 bilang selebrasyon ng Presidential Decree No. 27 na nangakong magbabalik sa mga magsasaka ng kanilang lupain, ngunit lalo lamang nagbaon sa kanila sa utang. Kalaunang nireklama ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Oktubre bilang buwan ng pagpapatampok sa pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa noong dekada โ80.
Patuloy ang paglaban ng mga pesante sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr. at mga regresibong polisiya tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), na matapos ang mahigit tatlong dekada ay nag-iiwan pa rin ng 7 sa bawat 10 magsasaka na walang sariling lupa. Nananatili ang Agribusiness Venture Arrangements (AVAs) at land-use conversion na nagtutulak sa mga kasunduang nagpapahintulot sa panginoong maylupa na kontrolin ang mga sakahan. Dagdag pa rito ang pasismo sa kanayunan sa pamamagitan ng AFP-PNP, na nagdudulot ng iligal na pag-aresto at pagpatayโ332 kaso mula 2016 hanggang 2021 sa ilalim ng rehimen ni Rodrigo Duterte. Nagpapatuloy ito ngayon sa mga kaso ng pesanteng organisador, gaya ng pagbaril kay Warlita Jimenez noong Disyembre 2025 at pag-intimida kay Danilo โKa Daningโ Ramos ng anim na unidentified persons nitong Setyembre lamang.
Lalong nasa masalimuot na lagay ng mga pesante sa ilalim ng pasistang estado dahil sa pagpirma ni Marcos Jr. sa kasunduang Pax Silica, isang proyektong nakatuon sa interes ng Estados Unidos. Upang maguna ang US kaysa sa Tsina sa produksyon ng semiconductors sa katunayan, 1,620 na ektaryang lupang sakahan sa New Clark City, Tarlac, Capas ang masasakop ng pagpapatayo ng AI-native industrial acceleration hub. Ipinangakong magbibigay ito ng 200,000 na trabaho at milyun-milyong foreign investments, ngunit nasa 15,200 na magsasaka ang mapapalayas. Nitong Hulyo lamang, 92 na magsasaka na ang pinalayas ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ayon kay Jose Maria โKa Jomaโ Sison, isang aktibista at manunulat na nanguna sa armadong pakikibaka noong panahon ni Marcos Sr., nasa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na sistema ang Pilipinas. Ang bansa ay malakolonyal sapagkat sunud-sunuran ang estado sa mga kasunduang ipinapataw ng US, gaya ng Pax Silica na sumisira sa ating kabuhayan at lupa, at ginagamit ang AFP-PNP upang mapalakas ang dominasyong ito. Malapyudal naman ang lipunan dahil kontrolado pa rin ng mga panginoong maylupa ang mga sakahan, at patuloy na kinukumberta ang mga lupain upang pigilan ang tunay na pag-unlad ng agraryo, dahilan upang manatili ang bansa bilang reserba ng murang lakas-paggawa.
Sa gitna ng pang-aabuso ng rehimeng US-Marcos-Duterte, buong pwersang nakikiisa ang UPLB Sociology Society sa pagpapatambol ng mga sumusunod na panawagan:
๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ซ๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ sa pamamagitan ng libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, pagbuwag sa mga mapang-aping lease agreements, at pagwawakas sa land-use conversion.
๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ฌ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐
๐-๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐๐ง na siyang pangunahing instrumento ng estado sa pasismo na nagdudulot ng sistematikong pang-aabuso, red-tagging, pang-aaresto, at pagpatay laban sa mga magbubukid.
๐๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐๐ฎ๐๐ง๐ ๐๐๐ฑ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐๐ na mapanirang magnanakaw ng libu-libong ektarya ng lupa mula sa mga pesante.
๐๐จ๐ฃ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐, ๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐จ๐ฃ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐ช๐๐ฅ๐ฆ๐!
UPLB Sociology Society ๐๐
CRITICAL | DYNAMIC | HOLISTIC โจ
Since 1975 ๐ป
Mga Sanggunian
peasantmovtph. (2023, June 10). 35 years of deception and disgrace: Whither to after CARP? Updates from the Peasant Movement of the Philippines. https://peasantmovementph.com/2023/06/10/35-years-of-deception-and-disgrace-whither-to-after-carp/
Peรฑa, K. D. (2022, March 31). Day of the Landless: The failed promises of land reform in PH. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1576211/day-of-the-landless-the-failed-promises-of-land-reform-in-ph
Reparejo, A. J. (2026, August 10). BCDA clarifies misconceptions on Pax Silica project in New Clark City. https://pia.gov.ph/news/bcda-clarifies-misconceptions-on-pax-silica-project-in-new-clark-city/
Sampang, D. (2026, September). DA assessing impact of proposed Pax Silica project on Tarlac farmers. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2296790/da-assessing-impact-of-proposed-pax-silica-project-on-tarlac-farmers
Santos, P. (2026, July 31). 92 magsasaka sa Capas, Tarlac, pinayuhan umanong bakantehin ang sakahan dahil sa proyekto ng BCDA. CLTV36. https://cltv36.tv/92-magsasaka-sa-capas-tarlac-pinayuhan-umanong-bakantehin-ang-sakahan-dahil-sa-proyekto-ng-bcda/
Villa, K. de. (2025, December). Probe sought into killing of Negros peasant leader. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2160333/probe-sought-on-murder-of-negros-peasant-leader