BFAR CALABARZON Region

BFAR CALABARZON Region "Tagapagtaguyod ng Malinis at Masaganang Katubigan"
(2)

05/09/2026

Sa Pilipinas, mahigit 700,000 kababaihan ang bahagi ng sektor ng pangisdaan — sa laot, palaisdaan, paglalako, pangangalap, pagproseso, at iba pang gawaing hanapbuhay at kabuhayan ng ating mga baybaying pamayanan.

Ngayong Setyembre, kasabay ng Fish Conservation Week, sama-sama nating kilalanin, pahalagahan, at suportahan ang kababaihang katuwang sa pangangalaga at pagpapaunlad ng pangisdaan.

Sa bawat hamon sa karagatan at kabuhayan, higit kailanman kailangan ang kanilang lakas, pamumuno, at pagkakaisa.

Halina’t makiisa sa kauna-unahang Women fiSHEr Congress sa bansa, na may temang: “𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻: 𝗟𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮𝗮𝗻!”

Kaisa ang DA-BFAR sa pagdiriwang ng 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐫𝐜𝐡𝐢𝐩𝐞𝐥𝐚𝐠𝐢𝐜 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 o 𝐌𝐀𝐍𝐀 𝐌𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 na may temang “Karap...
02/09/2026

Kaisa ang DA-BFAR sa pagdiriwang ng 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐫𝐜𝐡𝐢𝐩𝐞𝐥𝐚𝐠𝐢𝐜 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 o 𝐌𝐀𝐍𝐀 𝐌𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 na may temang “Karapatan sa Karagatan, Sama-sama Nating Alagaan.”

Patuloy ang BFAR sa pagsusulong ng responsableng pangangalaga at pamamahala sa ating yamang-dagat, pagpapanatili ng masaganang pangisdaan, at pagprotekta sa kabuhayan at kapakanan ng mga pamayanang umaasa sa karagatan.

29/08/2026

Ating suportahan ang entry ng REGION IV-A para sa MMK 2.0 Jingle making contest!

Huwag kakalimutan mag-like and share upang ipakita ang suporta! ❤️📲

Hanggang September 2, 5pm lamang ang pagboto—kaya ano pang hinihintay mo? Tara at maki-isa sa pagsuporta sa entry na pinamagatang “Tubig ay Buhay” na komposisyon ni Christoffer Manara.

Los Baños, Laguna | Isinagawa ang Regional Coaching on the Implementing Guidelines, Criteria and Scoring System at MMK W...
26/08/2026

Los Baños, Laguna | Isinagawa ang Regional Coaching on the Implementing Guidelines, Criteria and Scoring System at MMK Website Pilot Testing and System Walkthrough nitong Agosto 18–20, 2026 sa BFAR 4A Training Hall, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Malinis at Masaganang Katubigan (MMK) Program.

Dumalo ang mga kinatawan mula NCR, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region upang palakasin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagpapatupad ng programa sa kani-kanilang lugar. Tinalakay din ang mga gabay at pamantayan sa pagsusuri ng kalagayan ng ating mga katubigan, gayundin ang paggamit ng MMK Website para sa mas maayos na paglalagay, pamamahala, at pag-monitor ng mga impormasyon.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, pagbabahagi ng kaalaman, at pakikiisa ng iba't ibang rehiyon, patuloy nating mapagtitibay ang pangangalaga sa ating yamang tubig tungo sa masaganang kabuhayan, malinis na katubigan, at mas ligtas na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.






Lalawigan ng Cavite | Balikan ang isinagawang Mid-Term Review (MTR) Activity para sa MARLIN 2.1 at 2.3, na pinangunahan ...
26/08/2026

Lalawigan ng Cavite | Balikan ang isinagawang Mid-Term Review (MTR) Activity para sa MARLIN 2.1 at 2.3, na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A, katuwang ang National Project Management Office (NPMO) at mga consultant mula sa World Bank, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng FishCoRe Project.

Sa isinagawang pagsusuri, tinasa ang aktuwal na progreso ng implementasyon at tinukoy ang mga hamon, karanasan, at mabubuting pamamaraan na maaaring makatulong sa higit pang pagpapabuti ng programa. Nagsagawa rin ang NPMO at World Bank consultants ng field validation at panayam sa mga benepisyaryo ng FishCoRe upang malaman ang kanilang mga karanasan, pananaw, at naging epekto ng mga proyekto sa kanilang kabuhayan at komunidad.

Sa pamamagitan ng pakikinig sa karanasan ng mga benepisyaryo, pagsusuri sa aktuwal na kalagayan, at sama-samang pagkilos ng mga katuwang, patuloy nating mapagtitibay ang implementasyon ng MARLIN 2.1 at 2.3 at FishCoRe Project tungo sa mas epektibong programa at mas makabuluhang benepisyo para sa mga komunidad ng pangisdaan.


𝐁𝐅𝐀𝐑4𝐀 𝐚𝐭 𝐋𝐆𝐔 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲, 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚𝐚𝐧Taos-pusong nagpapasalamat ang Bureau of Fish...
25/08/2026

𝐁𝐅𝐀𝐑4𝐀 𝐚𝐭 𝐋𝐆𝐔 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲, 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚𝐚𝐧

Taos-pusong nagpapasalamat ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 4A sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay, Batangas sa bukas-palad nitong suporta at pagkakaloob ng 500-square-meter na lote para sa pagtatayo ng BFAR4A-Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station.

Agosto 24, 2026, pormal na nilagdaan ang Deeds of Donation sa pagitan ng BFAR4A at ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay.

Dahil dito mas mapapalakas ang paghahatid ng mga serbisyo, teknolohiya, at programa sa inland fisheries sa Talisay at mga karatig na lugar. Layunin nitong makatulong sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga lokal na mangingisda at fishery stakeholders, habang isinusulong ang responsableng paggamit at pangangalaga sa Lawa ng Taal at iba pang katubigan sa rehiyon.

Sama-sama para sa mas produktibo, matatag, at sustenableng pangisdaan! 🐟🌱

Los Baños, Laguna | Halina at ating balikan ang isinagawang roll-out at cascading ng BFAR Gender and Development (GAD) A...
25/08/2026

Los Baños, Laguna | Halina at ating balikan ang isinagawang roll-out at cascading ng BFAR Gender and Development (GAD) Agenda para sa mga miyembro ng Gender and Development Focal Point System (GFPS) ng BFAR Region IV-A.

Sa pamamagitan ng aktibidad, layunin na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng GFPS sa kanilang mga tungkulin, gayundin ang pagkakaroon ng iisang direksyon sa GAD planning, implementation, monitoring, at evaluation. Sa sama-samang pagkilos at pakikiisa, mas mapagtitibay ang pagsusulong ng gender-responsive na mga programa, proyekto, at aktibidad ng BFAR.

Patuloy nating isulong ang isang mas gender-responsive, inklusibo, at pantay na paglilingkod, alinsunod sa Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women at iba pang kaugnay na polisiya.

🌊🎶 𝑬𝑿𝑻𝑬𝑵𝑫𝑬𝑫!🎶🌊The MMK Jingle Making Contest has been extended until August 24, 2026. You still have time to create, comp...
18/08/2026

🌊🎶 𝑬𝑿𝑻𝑬𝑵𝑫𝑬𝑫!🎶🌊

The MMK Jingle Making Contest has been extended until August 24, 2026.

You still have time to create, compose, and make your entry heard. Don’t miss the chance to showcase your creativity and be part of MMK!

Get those creative juices flowing and submit your entry before the new deadline!

To submit, contact and visit the social media pages of the BFAR regional office covering your area.

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆!!! The Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A is looking for• Veterinari...
18/08/2026

𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆!!!
The Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A is looking for
• Veterinarian II
• (2) Fishing Regulations Officer I
• Watchman III

Interested and qualified applicants should signify their interest in writing. Attach the following documents to the application letter and send to the address below not later than August 26, 2026.

1. Application Letter;
2. Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with recent passport;
3. Performance rating in the last rating period (if applicable);
4. Photocopy of certificate of eligibility/rating/license;
5. Photocopy of Transcript of Records;

Submit an updated resume and application letter addressed to:
𝐒𝐀𝐌𝐌𝐘 𝐀. 𝐌𝐀𝐋𝐕𝐀𝐒, 𝐂𝐄𝐒𝐎 𝐕 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐁𝐅𝐀𝐑 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐕-𝐀
Submit your applications to the Human Resource Management Unit or via e-mail at [email protected]
DA-BFAR CALABARZON adheres to confidentiality and respects the Gender Equality, Disability, and Social Inclusion (GEDSI) Principle, which includes a policy of no discrimination based on age, gender identity, civil status, disabilities, religion, Indigenous group membership, or other similar factors in the implementation of its Human Resource Merit, Selection, and Promotion Plan.

Address

Purok 3, Brgy Bambang
Los Baños
4030

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BFAR CALABARZON Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BFAR CALABARZON Region:

Shortcuts

Share