Barangay Baybayin Updates

Barangay Baybayin Updates Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Baybayin Updates, Government Organization, Brgy. Baybayin, Los Baños.

🐾💉 PROTEKTADO ANG PAMILYA, PROTEKTADO ANG ATING MGA ALAGA! ❤️Nakipagtulungan ang Barangay Baybayin, sa pangunguna ni Kap...
20/09/2026

🐾💉 PROTEKTADO ANG PAMILYA, PROTEKTADO ANG ATING MGA ALAGA! ❤️

Nakipagtulungan ang Barangay Baybayin, sa pangunguna ni Kapitan Rading Lanuzo at ng Sangguniang Barangay, sa MOM’S Animal Bite Center para sa FREE HUMAN ANTI-RABIES VACCINE para sa mga residente ng Barangay Baybayin.

Para sa mga nakagat o nakalmot ng a*o, pusa, daga, at iba pang hayop, maaaring magpa-assess at magpabakuna nang LIBRE. 🐶🐱

📌 KAILANGAN LANG:
• Referral mula sa Barangay na may pirma ng Kapitan
• PhilHealth ID o MDR

Mangyari lang na pumunta sa opisina ng ating Kapitan Rading Lanuzo sa barangay hall.

🛡️ Ligtas na Komunidad, Walang Rabies!
Protektado ka, pamilya mo, kaya natin! 🐾❤️







🌭 LIVELIHOOD PROGRAM | LONGGANISA & TOCINO MAKING 🌭Kasanayan para sa Kabuhayan! 💪✨Noong September 16, 2026, matagumpay n...
19/09/2026

🌭 LIVELIHOOD PROGRAM | LONGGANISA & TOCINO MAKING 🌭

Kasanayan para sa Kabuhayan! 💪✨

Noong September 16, 2026, matagumpay na isinagawa ng Barangay Baybayin ang Livelihood Training on Longganisa and Tocino Making, na pinangunahan ng Committee on Livelihood, sa buong suporta ni Kapitan Rading Lanuzo at ng Sangguniang Barangay.

Maraming salamat sa ating mga trainors na sina Jevarie A. De Villa at Arlene Gonzales sa kanilang oras, kaalaman, at pagbabahagi ng kanilang mga kasanayan sa ating mga kabarangay. ❤️

Layunin ng programang ito na mabigyan ang ating mga residente ng praktikal na kaalaman at dagdag na oportunidad para sa pagkakakitaan at kabuhayan.

Patuloy ang Barangay Baybayin sa pagbuo ng mga programang may konkretong pakinabang para sa bawat kabarangay. 🤝

Kasanayan para sa Kabuhayan, Serbisyo para sa Baybayin! 💙

🌊 BAÑAMOS FESTIVAL | BARANGAY BOOTH FAIR 🌊September 17, 2026 | Thursday✨ Aim High Baybayin! ✨Sa pangunguna ni Kapitan Ra...
17/09/2026

🌊 BAÑAMOS FESTIVAL | BARANGAY BOOTH FAIR 🌊
September 17, 2026 | Thursday

✨ Aim High Baybayin! ✨

Sa pangunguna ni Kapitan Rading Lanuzo, buong pagmamalaking ipinakita ng Barangay Baybayin ang ating mga likhang produkto na nagtatampok ng “Waste to Essential”—mga patapong babasaging bote na ginawang lalagyan ng asukal, kape at iba pang gamit, reusable dustpan, recycled pot holders, at door mats. ♻️

Tampok din ang dishwashing liquid, fabric conditioner, liquid detergent na produkto ng ating Samahan ng mga Kababaihan, bilang patunay ng kanilang sipag at pagkamalikhain. 👩‍🍳💪

Bukod sa mga produkto, ipinakita rin natin ang mga sinaunang larawan at makasaysayang alaala na nagsasalaysay ng pinagmulan at kasaysayan ng Barangay Baybayin. 📜🏘️

Mula sa ating kasaysayan, para sa mas makulay na kinabukasan. 💙

Barangay Baybayin joins the 25th Bañamos Festival Civic Parade! ☺️
17/09/2026

Barangay Baybayin joins the 25th Bañamos Festival Civic Parade! ☺️

MATUTO, MAGNEGOSYO, PARA UMASENSO! 🥩🌭Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Baybayin na dumalo at makilahok ...
14/09/2026

MATUTO, MAGNEGOSYO, PARA UMASENSO! 🥩🌭

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Baybayin na dumalo at makilahok sa ating Tocino and Longganisa Making Training.

Isang magandang pagkakataon po ito upang matuto ng bagong kasanayan sa paggawa ng tocino at longganisa, kabilang ang wastong paghahanda, Food Safety, at mga simpleng kaalaman na maaaring makatulong bilang dagdag na pagkakakitaan.

📅 September 16, 2026 (Wednesday)
⏰ 9:00 AM – 11:00 AM
📍 Barangay Hall, Barangay Baybayin, Los Baños, Laguna

Makilahok, matuto, at sama-sama nating palakasin ang kabuhayan ng ating komunidad! 💚

Suporta sa Kabuhayan, Lakas ng Baybayin ❤️

08/09/2026

📣 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦! ❤️🩺

Alamin natin kung paano maiiwasan, makokontrol, at mapapangalagaan ang ating kalusugan laban sa hypertension o altapresyon!

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang panayam tungkol sa altapresyon o mataas na presyon ng dugo kasama si Dr. Marc Denver Tiongson sa 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗥𝗛𝗨 𝟭 sa darating na 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝟴:𝟬𝟬𝗮𝗺, kung saan maaari tayong matuto ng mahahalagang impormasyon tungkol sa altapresyon at kung paano ito mapapangasiwaan nang maayos.

📌 WALK-IN BASIS!
Walang kinakailangang pre-registration, ngunit ang panayam ay may 𝟰𝟬 𝘀𝗹𝗼𝘁𝘀 lamang. Bukas ang lecture sa lahat ng residente ng Los Baños—makiisa, makinig, at huwag mag-atubiling magtanong kay Dr. Tiongson! 🩺❤️

💬 May mga tanong tungkol sa altapresyon? Huwag mahiyang magtanong! Maaari kayong magbigay ng inyong mga katanungan at concerns upang direktang masagot ng ating eksperto.

Sama-sama nating gawing mas malusog ang ating komunidad! 💚

mga kabarangay, suportahan po natin ang pambato ng ating barangay para sa nalalapit na Mr and Ms Los Baños sa pagccelebr...
02/09/2026

mga kabarangay, suportahan po natin ang pambato ng ating barangay para sa nalalapit na Mr and Ms Los Baños sa pagccelebrate ng ating Bañamos Festival 😇

#7- Cristina Dizon- Baybayin

invited po kayo mga kabataan ng barangay baybayin! tara na mag fill out na ng form 🍁
16/08/2026

invited po kayo mga kabataan ng barangay baybayin! tara na mag fill out na ng form 🍁

Halina’t maging bahagi ng kapanapanabik na Youth Empowerment Camp 2026! ✨

Yes, you read that right, ihanda ang sarili para sa 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐄𝐦𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐚𝐦𝐩 (𝐘𝐄𝐂), 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐭𝐰𝐢𝐬𝐭! 👀

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, hatid sa inyo ang isang collaborative project ng Sangguniang Kabataan ng Anos, Baybayin, San Antonio, at Tuntungin-Putho — isang proyektong magbibigay ng mas makabuluhan, mas masaya, at mas empowering na karanasan para sa kabataan.

Maghanda para sa tatlong araw na puno ng kaalaman, bagong karanasan, at masayang pagsasama-sama ng kabataan sa darating na 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 21–23, 2026.

𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒆𝒕𝒂𝒍𝒚𝒆 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒍𝒊:

-Tanging mga taga Baybayin lamang ang maaaring makasali na may edad na 18-30.

-Ito ay 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕 𝒄𝒐𝒎𝒆, 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆𝒅 𝒃𝒂𝒔𝒊𝒔. Ang unang 30 na kabataan na makapag sagot sa google forms sa kalakip ng post na ito ay ang itatalagang opisyal na kalahok para sa gaganaping Youth Empowerment Camp.

Abangan ang susunod na anunsiyo!
Maglalabas ang konseho ng karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang mahahalagang detalye.

Kaya ano pang hinihintay mo, sali kana!





Taos-pusong pakikiramay mula sa Barangay Baybayin sa pamumuno ni Kapitan Rading Lanuzo at sa buong Sangguniang Barangay ...
14/08/2026

Taos-pusong pakikiramay mula sa Barangay Baybayin sa pamumuno ni Kapitan Rading Lanuzo at sa buong Sangguniang Barangay para sa pagpanaw ni Hon. Gaudencio Macatangay.

Ang kanyang tapat at dedikadong paglilingkod bilang bilang Punong Barangay at ABC President ng Los Baños ay hindi malilimutan.

Panalangin namin ang kapayapaan para sa kanyang kaluluwa at lakas para sa kanyang pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati.

📢 PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY!Maging bahagi po tayo ng isang mahalagang Public Consultation para sa panukalang ordin...
13/08/2026

📢 PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY!

Maging bahagi po tayo ng isang mahalagang Public Consultation para sa panukalang ordinansang isinusulong ni Kgg. Robert “Bobby” Palacpac, na may pamagat na:

🐶🐱 “BARANGAY RESPONSIBLE FEEDING ORDINANCE”
o
“ORDINANSA SA WASTONG PAGPAPAKAIN SA MGA A*O AT PUSANG GALA.”

Layunin ng panukalang ordinansa na magkaroon ng wastong pamamaraan sa pagpapakain at pag-aalaga sa mga a*ong at pusang gala, habang isinusulong ang kalinisan, kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga hayop at komunidad.

💚 Hinihikayat po namin lalo na ang ating mga Responsible Pet Owners, animal lovers, at lahat ng interesadong kabarangay na dumalo, makiisa, magbigay ng suhestiyon, at magbahagi ng inyong mga pananaw.

📅 August 18, 2026 (Martes)
🕐 1:00 PM
📍 Barangay Session Hall, Barangay Baybayin

Ang bawat opinyon ay mahalaga.
Magpahayag. Magbahagi. Magkaisa.
Para sa isang mas malinis, maayos, ligtas at makataong Barangay Baybayin. 🐾💚

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa!

Address

Brgy. Baybayin
Los Baños
4030

Telephone

+63498319175

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Baybayin Updates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share