21/09/2026
𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗹𝗶𝗺𝗼𝘁. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗵𝗶𝗺𝗶𝗸!
Hindi mawawaksi sa puso’t diwa ang mapangalipustang kamay at madugong diktaturya. Mananatiling buo sa alaala ng bawat isa ang dilim ng kahapong buhat ng nilagdaang proklamasyon.
Ngayong ika-21 ng Setyembre, nakikiisa ang UP Human Ecology Student Society sa paggunita ng 54 na taong anibersaryo ng isa sa walang kasingliwanag na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas — ang Martial Law. Inaalala sa araw na ito ang mga biktimang pinagkaitan ng karapatang mabuhay nang payapa at patas.
Naniniwala ang organisasyon na hindi kailanman mabubura ang pagdanak ng dugo sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior. At tumitindig na ang katotohanan ay hindi dapat mabaon sa limot, sapagkat ito ang natatanging sandata sa pagsugpo ng makamandag na korapsyon na nanatili pa rin hanggang ngayon.
𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗮𝗹𝗮𝗺, 𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗮𝘀-𝗸𝗮𝗺𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗸𝗮. ❤️✊🏻🇵🇭
🎨: Ruth
✍: Kate