26/09/2026
𝐀𝐥𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐝𝐲𝐚, 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧; 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐦𝐨𝐧! ❤️🔥
Sa gitna ng tumitinding krisis sa edukasyon at sa ekonomya, ngayon higit kailanman kinakailangan ang mga kabataan-estudyanteng handang tanganan ang hamon na paglingkuran ang sangkaestudyantehan at ang malawak na hanay ng mamamayan.
Malinaw sa atin ang patuloy na pagsupil sa ating pang-akademikong kalayaan, hitik na hitik sa mga hindi makaestudyanteng polisiya, at ginigipit tayong mga kabataan sa ating mga batayang karapatan. Dagdag pa rito ang multisektoral na laban na kinahaharap ng mga mamamayang Pilipino sa labas ng pamantasan na hindi hiwalay sa laban nating mga kabataan. Hindi natin maitatanggi na ang mga krisis na ito ay mauugat sa Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata Kapitalismo.
Sa ilalim ng 𝐢𝐦𝐩𝐞𝐫𝐲𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦𝐨, nananatiling kontrolado ng dayuhang interes ang ating politika, kultura, at ekonomiya, hanggang sa edukasyon, kung saan ang karapatang makapag-aral ay ginagawang kalakal. Kasabay nito ay pinatitindi naman ng 𝐩𝐲𝐮𝐝𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦𝐨 ang malawak na kahirapan at kawalan ng tunay na reporma sa lupa, dahilan upang maraming pamilyang Pilipino ang manatiling salat at limitado ang akses sa edukasyon. Samantala, pinaiiral ng 𝐛𝐮𝐫𝐮𝐤𝐫𝐚𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦𝐨 ang sistemang inuuna ang interes ng iilan sa kapangyarihan, habang pinapabayaan ang serbisyong panlipunan at ang kapakanan ng mamamayan.
Sa harap ng mga ito, nananawagan ang Samahan ng Kabataan para sa Bayan CDC (SAKBAYAN CDC), ang pinakamalawak na partido alyansa sa buong UP System, sa lahat ng estudyanteng may diwang makabayan at handang tumindig at lumaban—𝐬𝐮𝐦𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐢𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐲𝐚.
𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝, 𝐦𝐚𝐠-𝐨𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧. ✊🏻❤️🔥
𝐒𝐚𝐠𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫𝐦 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚𝐛𝐚:
🔗 https://tinyurl.com/2uhfwud3
🔗 https://tinyurl.com/2uhfwud3
🔗 https://tinyurl.com/2uhfwud3
𝗟𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀, 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸, 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 — 𝗦𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡!
𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗱𝘆𝗮, 𝗠𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝗵𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗸𝗮! 🎙️✊🏻🔻