Myla Alinsunurin

Myla Alinsunurin Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Myla Alinsunurin, Public Service, Los Baños.
(1)

📢 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 I 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔Nakaranas ang Bayan ng Los Baños ng Intensity 2 na lindol.Bagama't mahina ang pagy...
07/08/2026

📢 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 I 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Nakaranas ang Bayan ng Los Baños ng Intensity 2 na lindol.

Bagama't mahina ang pagyanig sa antas na ito, hinihikayat pa rin ang lahat na manatiling alerto at maging handa.

Stay safe po, mga ka-LB!


📢 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔Maulang gabi, mga ka-LB!Dahil sa epekto ng 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗺𝗮𝘆 at 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝘄𝗲𝘀𝘁 𝗠𝗼𝗻𝘀𝗼𝗼𝗻 (𝗛𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁),...
05/08/2026

📢 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Maulang gabi, mga ka-LB!

Dahil sa epekto ng 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗺𝗮𝘆 at 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝘄𝗲𝘀𝘁 𝗠𝗼𝗻𝘀𝗼𝗼𝗻 (𝗛𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁), walang pasok bukas, Agosto 6, 2026, para sa lahat ng antas mula Preschool hanggang College sa lalawigan ng Laguna.

Hinihikayat ang lahat na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo at balita para sa mga susunod na update at upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Mag-ingat po tayong lahat, mga ka-LB!

Source: Gov. Sol Aragones


Patuloy po ang ating suporta para sa ating mga mag-aaral. Ang tanging hangarin ng inyong lingkod ay makatulong upang pat...
05/08/2026

Patuloy po ang ating suporta para sa ating mga mag-aaral. Ang tanging hangarin ng inyong lingkod ay makatulong upang patuloy nilang maisakatuparan ang kanilang mga pangarap.

Tuloy-tuloy po nating hawakan ang kamay ng ating mga kabataan at samahan sila sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay. SA ATING PAGKAKAISA, WALANG PANGARAP NA HINDI MAAABOT.

Mabuhay ang Bayan ng Los Baños at Isang Makakalikasang Araw po sa ating lahat!


05/08/2026

Tuwing Lunes, bago magsimula ang ating regular na session sa Sangguniang Bayan, naglalaan tayo ng kaunting oras para makumusta ang ating mga kababayan na maagang pumipila sa Botika ni Gob Sol para sa kanilang libreng gamot at maintenance.

Maraming salamat po kay Gobernadora Sol Aragones sa programang tunay na malaking ginhawa, lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga gamot.

Sa ating munting paraan, habang naghihintay ang ating mga lolo at lola, nag-aabot din tayo ng kaunting merienda para hindi sila mainip at higit sa lahat, hindi sila malipasan ng gutom.
Ang pinakanakakatuwang bahagi? Sabi ni Lola,
"Konsehala, wala bang panulak?". Oo nga naman😅

I-komento kung ano po ang gusto niyong panulak, 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 o 𝗞𝗔𝗣𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗞𝗢?

Mabuhay ang Bayan ng Los Banos at Isang Makakalikasang Araw po sa ating lahat!


05/08/2026

In line with the directive of Mayor Neil Nocon, the Municipality is conducting the cleaning, clearing, and declogging of the major canal connecting Barangays Mayondon and Malinta. With the invaluable assistance of Engr. Maningas, who generously provided heavy equipment, this initiative aims to keep our waterways clean, prevent garbage and debris from reaching Laguna Lake, and mitigate flooding in the area. Together, we continue to build a cleaner, safer, and more resilient community.

𝟓𝟏𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻Hello mga ka-LB! Narito po ang ilan sa mga...
04/08/2026

𝟓𝟏𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲

𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻

Hello mga ka-LB! Narito po ang ilan sa mga mahahalagang naaprubahan sa ating Regular Session sa Sangguniang Bayan.

Supplemental Budgets Approved
Naaprubahan ang karagdagang pondo para sa:
-𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗻𝘁𝗮 – ₱𝟭𝟯𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬
-𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 – ₱𝟮𝟮𝟵,𝟯𝟮𝟮.𝟭𝟰
-𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗻𝗱𝗼𝗻 – ₱𝟭𝟲𝟱,𝟰𝟴𝟬.𝟬𝟬

𝘛𝘦𝘮𝘱𝘰𝘳𝘢𝘳𝘺 𝘙𝘰𝘢𝘥 𝘊𝘭𝘰𝘴𝘶𝘳𝘦
Naaprubahan din po ang pansamantalang pagsasara ng service road sa Barangay Malinta sa Agosto 9, 2026 (1:00 PM–6:00 PM) bilang bahagi ng kanilang nakatakdang pagdiriwang.

Marami pa po tayong kailangang gawin, ngunit sa bawat session ay patuloy tayong kumikilos para sa mas maayos at mas maunlad na Bayan ng Los Baños.

Mabuhay ang Bayan ng Los Banos at Isang Makakalikasang at Isang Makatarungang Araw po sa ating lahat!


𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡Buong puso po nating sinusuportahan ang pagdiriwang ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻...
04/08/2026

𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓
𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡

Buong puso po nating sinusuportahan ang pagdiriwang ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 upang maipalaganap ang kahalagahan ng pagpapasuso ng mga ina para sa kalusugan ng ating mga sanggol. Higit pa rito, pinatitibay nito ang natatanging ugnayan ng isang ina at kanyang anak, na nagsisilbing mahalagang pundasyon sa maayos na paghubog ng bata.

Bilang isang ina, kaisa ninyo po ako sa pagsusulong ng pagpapasuso. Nawa'y sama-sama nating maipalaganap ang kamalayang ito sa bawat tahanan upang mas maraming batang Pilipino ang lumaking malusog at matatag.

Muli, Isang Makakalikasan at Isang Makatarungang Araw po sa ating lahat at Mabuhay ang Bayan ng Los Baños!


𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐩𝐨, 𝐂𝐚𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 "𝐓𝐢𝐭𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐢 𝐌𝐢𝐤𝐞" 𝐋𝐚𝐧𝐮𝐚𝐧𝐠!Maligayang kaarawan po sa inyo! Hindi lamang po ngayon, sa inyong e...
04/08/2026

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐩𝐨, 𝐂𝐚𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 "𝐓𝐢𝐭𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐢 𝐌𝐢𝐤𝐞" 𝐋𝐚𝐧𝐮𝐚𝐧𝐠!

Maligayang kaarawan po sa inyo! Hindi lamang po ngayon, sa inyong espesyal na araw, kundi araw-araw ay ipinagdiriwang namin ang inyong walang sawang paghahatid ng tapat at malasakit na serbisyo sa inyong nasasakupan.

Nagsisilbi kayong inspirasyon sa marami dahil sa inyong dedikasyon, sipag, at taos-pusong pagmamalasakit sa ating mga kababayan. Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan at lakas upang maipagpatuloy ang inyong paglilingkod.

Isang Makakalikasan at Isang Makatarungang Araw po sa ating lahat at Mabuhay ang Bayan ng Los Baños!


𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦, 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦! 🩺💉Ang mga Barangay Councilors for Health ay nagsama-sama sa isinagawang orie...
03/08/2026

𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦, 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦! 🩺💉

Ang mga Barangay Councilors for Health ay nagsama-sama sa isinagawang orientation na ginanap sa Los Baños Rural Health Unit I noong July 23, 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa darating na August 10-28, 2026.

Mahalaga ang kanilang papel sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at paghikayat sa kanilang mga nasasakupan upang matiyak na mas maraming batang mababakunahan at mapoprotektahan laban sa tigdas at tigdas hangin.

Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, malusog, at protektadong komunidad!

03/08/2026

First Monday of August.


Address

Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Myla Alinsunurin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category