30/09/2026
Napakalaking karangalan para kina Chair Rep. Jude Avorque Acidre, Princess Jordan, at Faith Santiago na ang Balitaktakan: TINIG ng Kinabukasan ay mapabilang sa mga finalist ng 48th The Catholic Mass Media Awards – Best Children and Youth Program.
Espesyal ang pagkilalang ito dahil ang Balitaktakan ay hindi lang isang programa. Isa itong pagkakataon para marinig ang kabataan—ang kanilang mga ideya, pananaw, pangarap, at kuwento.
Sa bawat episode, nakikita natin kung gaano kahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataan na maibahagi ang kanilang boses sa mga usaping mahalaga sa kanila.
Maraming salamat sa Catholic Mass Media Awards sa pagkilalang ito, at higit sa lahat, sa bawat kabataang naging bahagi ng Balitaktakan.
Dahil sa Balitaktakan, ang bawat boses ng kabataan ay mahalaga, at ang bawat argumento, may punto!