25/07/2026
🎉 Nutrition and Wellness Fair & Cooking Contest 2026 🎉
Bilang bahagi ng Nutrition Month Culminating Activity, matagumpay na lumahok ang Barangay Putho-Tuntungin sa Nutrition and Wellness Fair & Cooking Contest 2026 na ginanap noong Hulyo 23, 2026 sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center.
🏆 Mga Natamong Karangalan
🥈 Barangay Nutri-Booths – 2nd Place
🥇 Cooking Contest – 1st Place
👨🍳 John Rey F. Rangel & Khen Harvey R. Millanes
🥉 Cooking Contest – 3rd Place
👩🍳 Joehanna Cassidy Desalesa & Xrisha Isobelle Hon
🥉 Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC) – 3rd Place
🥇 Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) – Ms. Vanessa N. Tamban- First Place
🥇Webby Award
Lubos din naming ikinararangal ang pagkilala sa mga tumanggap ng Certificates of Recognition bilang Outstanding Barangay Nutrition Committees at Outstanding Barangay Nutrition Scholars. Nagbahagi rin ng isang makahulugang mensahe si Ms. Vanessa N. Tamban, na nagbigay-inspirasyon sa lahat na patuloy na isulong ang wastong nutrisyon at mabuting kalusugan sa ating komunidad.
Bilang pagtatapos ng programa, binigyang-pagkilala ang mga katuwang ng MGLB-MNAO bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta at mahalagang ambag sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa ating bayan.
Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng pagkakaisa, dedikasyon, at pagtutulungan ng buong Barangay Putho-Tuntungin.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa atin pong Punong Barangay Francisco O. Torres Jr., kay Kagawad John Andrei P. Atole, Chairperson ng Committee on Health and Nutrition, sa ating mga Barangay Kagawad, (Kgg. Ronaldo N. Oñate, Kgg. Elmer Garcia, Kagg. Elena Ramos, Kagg. Ervim Malabanan, Kagg. Estelita L. Jacobo, Kgg. Manny Alborida) Sannguniang Kabataan- SK Chairman Joemely Delarosa sa mga BPSO sa pangunguna ni Hepe Ernesto Ondoy, sa Brgy. Health Station, sa BFSG, Ate Marivic at Ate Love, sa ating masisipag na volunteers, at sa lahat ng sponsors ng Barangay Putho-Tuntungin Nutri-Booth. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at malasakit.
Ang bawat parangal na aming natanggap ay tagumpay ng buong Barangay Putho-Tuntungin. Patuloy nating pagtibayin ang ating pagkakaisa sa pagtataguyod ng wastong nutrisyon, mabuting kalusugan, at tapat na paglilingkod sa ating komunidad.
💚 Maraming salamat sa inyong lahat! Muli, taos-pusong pagbati sa ating mga nagwagi at sa buong Barangay Putho-Tuntungin! 🎉👏