18/08/2026
⚠️ FORCED EVACUATION ANNOUNCEMENT | BARANGAY LALAKAY
📢 MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY LALAKAY
Dahil sa patuloy na pagtaas ng water level ng Laguna de Bay, ang lahat ng residente sa mga low-lying at flood-prone areas ay inaatasang LUMIKAS AGAD bilang pag-iingat sa posibleng pagbaha at iba pang panganib.
🚨 ITO AY FORCED EVACUATION.
Hinihiling sa lahat na makipagtulungan sa mga barangay officials, rescue personnel, at iba pang awtoridad. Huwag nang hintayin na tumaas pa ang tubig bago lumikas.
Dalhin ang mahahalagang gamit tulad ng:
• Personal na dokumento
• Gamot at basic necessities
• Damit at pagkain
• Cellphone at charger
• Mga gamit para sa mga bata, matatanda, at PWD
👨👩👧👦 Unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya.
Para sa mga nangangailangan ng assistance sa paglikas, makipag-ugnayan agad sa Barangay Lalakay at sa mga nakatalagang rescue personnel.
Maging alerto. Makipagtulungan. Lumikas para sa kaligtasan.
📍 Barangay Lalakay, Los Baños, Laguna