29/09/2026
𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡: 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗟𝗔𝗡 (𝗕𝗡𝗔𝗣) 𝗥𝗘𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗛𝗔𝗥𝗠𝗢𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
Pinagtuunan ng pansin ang pagpapahusay at pagtutugma ng mga plano at programa para sa nutrisyon sa isinagawang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗹𝗮𝗻 (𝗕𝗡𝗔𝗣) 𝗥𝗲𝗽𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 nitong Setyembre 29, 2026 (Martes) sa Municipal Multipurpose Hall. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) na pinangungunahan ni Ms. Madeleine M. Alforja, RND, katuwang si Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Committee Chair on Health, Nutrition and Sanitation.
Kabilang sa aktibidad ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗹𝗮𝗻 (𝗕𝗡𝗔𝗣) 𝗥𝗲𝗽𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴, na pinangasiwaan nina Ms. Pamela A. Gonzales, BIDA Project Leader; Ms. Katrina F. Baluyot, BMIS Project Leader; at Ms. Jomaica Yvonne R. De Joya, PNEA staff. Tinalakay sa bahaging ito ang pagrerepaso at pag-aangkop ng mga nakalatag na plano at aktibidad sa nutrisyon, bago isinagawa ang workshop sa pangunguna ni Mr. King Niño B. Manzano, DCO Specialist, kung saan naging bahagi ang aktuwal na pagbuo at pag-aayos ng mga kinakailangang output para sa BNAP.
Isinagawa rin ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗹𝗮𝗻 (𝗕𝗡𝗔𝗣) 𝘁𝗼 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗜𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻 (𝗕𝗜𝗗𝗣) 𝗛𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, na pinangunahan nina Ms. Jaidee P. Agne, PNEA Project Leader; at Ms. Pamela A. Gonzales, BIDA Project Leader. Nakatuon ang bahaging ito sa pagtutugma ng mga programa, aktibidad, at panukalang interbensyon sa nutrisyon sa mga prayoridad at investment ng barangay, na sinundan ng workshop at presentation of outputs ng BIDANI staff. Nagtapos ang programa sa closing remarks ni Nutrition Consultant Dr. Maria D. Cerezo, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng maayos na pagpaplano at koordinasyon para sa mas sistematiko at magkakaugnay na mga hakbangin. Sa patuloy na pagtutulungan ng mga katuwang sa nutrisyon, pinagtibay ang mga planong nakatuon sa mas maayos at sustenableng pagtugon sa pangangailangan ng bawat barangay.