07/10/2026
Taos-pusong pasasalamat po sa ating Mayora Esmeralda Pineda, Vice Mayor Jay Montemayor, SB Jayson Pineda-Victorino, at Mr. Jovy Matias sa patuloy na pagbibigay ng mga supplies at kinakailangang gamit para sa ating mga kabarangay na bedridden.
Ngayong buwan, nakatanggap ng tulong ang dalawang bedridden residents mula sa Purok 8 at Purok 5A, Barangay Concepcion.
Ang tulong na ito ay ipinagkakaloob buwan-buwan at salit-salitan (alternate) sa ating mga bedridden na kabarangay upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit, suporta, at serbisyo para sa ating mga kabarangay. Malaking bagay po ang inyong tulong sa ating mga pamilyang nangangailangan.