Barangay San Francisco Lubao, Pampanga

Barangay San Francisco Lubao, Pampanga This is the Official Facebook Community Page of Barangay San Francisco Lubao, Pampanga.

🚨 PAALALA PO SA ATING MGA KA-BARANGAY May nagtangkang magnakaw po sa isang bahay sa Sitio Mangga. Pag-uwi po ng may-ari,...
05/09/2026

🚨 PAALALA PO SA ATING MGA KA-BARANGAY

May nagtangkang magnakaw po sa isang bahay sa Sitio Mangga. Pag-uwi po ng may-ari, nakita nilang sinira ang kanilang pinto.

Sa kakamadali po ng nagtangkang magnakaw, naiwan ang mga sumusunod na gamit:
2 Chargers
1 Tripod with Flashlight
1 Flashlight
1 Set Headset

Kung mayroon pong nakakita o nakakakilala sa mga gamit na ito, o may anumang impormasyon tungkol sa insidente, mangyari pong mag-message sa ating page o ipagbigay-alam sa barangay.

Maging mapagmatyag at alerto po tayong lahat. I-check po ang inyong mga bahay at agad ipagbigay-alam sa barangay ang anumang kahina-hinalang kilos.

04/09/2026
FOUND PLATE NUMBER | PAALALA Kung sino man po ang may-ari ng plaka na UBK-365, nakita po ito sa harap ng ating Chapel, B...
31/08/2026

FOUND PLATE NUMBER | PAALALA

Kung sino man po ang may-ari ng plaka na UBK-365, nakita po ito sa harap ng ating Chapel, Barangay San Francisco.

Pakimessage po ang page ng ating Barangay San Francisco upang maibigay sa may-ari.

Paki-share na rin po para makatulong na mahanap ang may-ari. Maraming salamat po! 🙏

PATANGUE DAM | ON-SITE INSPECTION & MONITORINGPersonal po na nagtungo sa Patangue Dam sina Mayor Hon. Esmie Pineda at Vi...
31/08/2026

PATANGUE DAM | ON-SITE INSPECTION & MONITORING

Personal po na nagtungo sa Patangue Dam sina Mayor Hon. Esmie Pineda at Vice Mayor Hon. Jay Montemayor upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon dulot ng patuloy na pag-ulan at pagbaha. Layunin po ng pag-iinspeksyon na masuri ang nasirang bahagi ng dam, ang kalagayan ng mga kabahayang malapit sa ilog na maaaring nasa panganib dahil sa pagguho ng lupa, at ang kaligtasan ng mga residenteng posibleng maapektuhan.

Kasama rin po sa isinagawang inspeksyon sina Punong Bayan Hon. Jayson Pineda, Hon. Edgar Dabu, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at kinatawan ng National Irrigation Administration (NIA).

Sa pangunguna po ng ating Punong Barangay, katuwang ang Punong Barangay ng Sto. Domingo, Hon. June Miguel, at Punong Barangay ng San Miguel, Hon. Angelito Bansil, ay patuloy ang pagtutulungan at pagbabantay sa kalagayan ng ating dam at mga kabarangay.

Kasalukuyan pa rin pong isinasagawa ang backhoe operation upang alisin ang mga water lily, kahoy at iba pang debris na nakaharang sa daluyan ng tubig at makatulong sa pagpapaluwag ng agos.

⚠️ ROAD ADVISORY:
Hindi parin po muna maaaring daanan ng anumang uri ng sasakyan ang bahaging malapit sa Patangue Dam dahil sa kasalukuyang kondisyon ng lugar at isinasagawang clearing operation. Hinihiling po ang pakikiisa ng lahat para sa kaligtasan ng bawat isa.
Minomonitor din po ang mga kabahayang malapit sa ilog, lalo na ang mga lugar na posibleng makaranas ng pagguho ng lupa o landslide.

Patuloy po tayong mag-ingat, manatiling alerto, at sumunod sa mga abiso ng mga kinauukulan.

ROAD ADVISORY | SITIO SANTOL–STO. DOMINGO ROAD HINDI PO MUNA MADARAANAN NG LAHAT NG URI NG SASAKYAN Dahil po sa patuloy ...
30/08/2026

ROAD ADVISORY | SITIO SANTOL–STO. DOMINGO ROAD

HINDI PO MUNA MADARAANAN NG LAHAT NG URI NG SASAKYAN

Dahil po sa patuloy na malakas na pag-ulan at sa isinasagawang clearing operation sa Patangue Dam, pansamantala pong hindi muna madaraanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Sitio Santol – Sto. Domingo Road.
Ginagawa po ang clearing operation upang maalis ang mga nakaharang at makatulong sa maayos na daloy ng tubig.

Pakiusap po sa lahat na iwasan muna ang nasabing lugar at gumamit ng alternatibong ruta kung maaari.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Mag-ingat po tayong lahat! 🙏

ROAD ADVISORY | SITIO SANTOL–STO. DOMINGO ROADHINDI PO MADARAANAN NG LAHAT NG URI NG SASAKYAN (Single na motor lamang po...
30/08/2026

ROAD ADVISORY | SITIO SANTOL–STO. DOMINGO ROAD

HINDI PO MADARAANAN NG LAHAT NG URI NG SASAKYAN (Single na motor lamang po ang pansamantalang makakadaan)

Dahil po sa patuloy na malakas na pag-ulan at sa isinasagawang clearing operation sa Patangue Dam, pansamantala pong hindi muna madaraanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Sitio Santol – Sto. Domingo Road.
Ginagawa po ang clearing operation upang maalis ang mga nakaharang at makatulong sa maayos na daloy ng tubig.

Pakiusap po sa lahat na iwasan muna ang nasabing lugar at gumamit ng alternatibong ruta kung maaari.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Mag-ingat po tayong lahat! 🙏

BANTAY PATANGUE DAM | AS OF 3:00 AMPatuloy po ang clearing operation sa Patangue Dam. Dahil sa dami ng water lily na nak...
29/08/2026

BANTAY PATANGUE DAM | AS OF 3:00 AM

Patuloy po ang clearing operation sa Patangue Dam. Dahil sa dami ng water lily na nakaharang at patuloy na pagtaas ng tubig, ginamitan na po ng backhoe upang mapabilis ang pagtanggal ng mga bara at makatulong sa maayos na daloy ng tubig.

Patuloy po ang monitoring. Manatiling alerto at mag-ingat po tayong lahat.

BANTAY PATANGUE DAM | WATER MONITORING AS OF 1:30 AMPatuloy po ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Patangue Dam (Sitio Sant...
29/08/2026

BANTAY PATANGUE DAM | WATER MONITORING AS OF 1:30 AM

Patuloy po ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Patangue Dam (Sitio Santol). Kasalukuyan din pong mino-monitor ang maraming water lily na naipon at nakaharang sa daluyan ng tubig.

Patuloy po ang ating monitoring sa sitwasyon upang mabantayan ang daloy ng tubig at ang posibleng epekto nito sa ating mga kabarangay.

Bilang pag-iingat, pinalikas na rin po ang mga kabahayan na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig.

Patuloy po ang ating 24/7 monitoring para sa kaligtasan ng lahat. 🙏

Manatili pong alerto at updated sa mga susunod na abiso.

ANNOUNCEMENT | EVACUATION ASSISTANCESa mga kabarangay po nating nais lumikas at magtungo sa evacuation center, kasalukuy...
29/08/2026

ANNOUNCEMENT | EVACUATION ASSISTANCE

Sa mga kabarangay po nating nais lumikas at magtungo sa evacuation center, kasalukuyan pong umiikot at nagmo-monitor ang ating mga Barangay Officials, Purok Leader, Bantay Bayan, kasama po ang ating Punong Barangay, upang agad na makaresponde sa mga nangangailangan ng tulong.

May Barangay Patrol na magseservice po upang sunduin at ihatid ang mga nais lumikas papunta sa ating Evacuation Center.

Para sa agarang assistance, tumawag sa ating Emergency Hotline.

Huwag po tayong mag-atubiling humingi ng tulong kung kinakailangan. Ang kaligtasan ng bawat kabarangay ang ating pangunahing prayoridad.

Address

San Francisco
Lubao
2005

Telephone

+639610978620

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Francisco Lubao, Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay San Francisco Lubao, Pampanga:

Shortcuts

Share