Edward's spoken word poetry

Edward's spoken word poetry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Edward's spoken word poetry, Library, lourdes lubao pampanga, Lubao.

Kung mahal mo ipaglaban mo.
26/02/2019

Kung mahal mo ipaglaban mo.

13/01/2019

Handa kitang ipaglaban maging sino kaman.

Nuon lagi akong nagdarasal kay bathala .
Na sana ibigay na yung tamang tao na saakin ay magpapaligaya .
Para kahit anumang pagsubok ang aking harapin.
Nandyan sya para akoy kanyang yakapin.
Na kahit ako man ay mag- ngawa sa pag-iyak
Nandyan sya upang pumanasan ang mga luhang pumapatak .
At pigilin ang mga luhang bumabagsak.

Hindi naman sa pagyayabang at mas lalong hindi sa kayabangan.
Na kahit anomang suliranin
Ay aking susuungin .
At aking tatanggapin
Basta nandyan lang sya saaking piling .
Upang mapawi ang aking lungkot
Sa twing ako ay nagbubugnot .
Tila kasi akoy nababagot
Kaya akoy laging nakasimangot.

Isang araw ako nalang ay nagising .
Di ko namalayan nandyan kana pala saakin piling .
Sa oras na yun akoy nagpapasalamat
Dahil tinupad mo na aking pangarap .
Sa araw na yun akoy lumigaya .
Sa sobrang aligaga
hindi ko maipalawanag ang aking nadarama .
Sa sobrang saya
Kulang nalang lumundag ako sa tuwa.

Ngunit ng maikwento mo na
Ang iyong istorya.
sa bawat banggit mo ng mga letra .
Na lumabas sa iyong bunganga .
Tila parang ang tuhod ko ata ay nanghihina.
Bakit sa pitong letra na iyong nabanggit ?
Bakit ang puso ko ay parang ginugupit.
Sa sobrang sakit parang napupunit .
Sabay napatanong .
Kung bakit ganito nanaman ang aking sinapit .
Bakit tila kay pait
Ganito na lang ba talaga lagi
Nagsasawa na akong paulit ulit .

Ayokong maging kabit !!!!

Ngunit kahit ganun paman .
Kinuha mo ako sa pakiusapan .
Kaya ikaw ay aking pinagbigyan .
Tama ba o mali ang ating pagiibigan ??
Oo tama.
Tama dahil tayo ay nagmamahalan
At oo mali .
Mali pero handa kitang ipaglaban .

Mali man sa mata nang iba pero tama
Sa ating dalawa .
Kung kasalanan man ang ating pag-iibigan.
Gabi gabi akong magkukumpisal at magdarasal sa poong maykapal .
Upang matanggal ang ating kasalanan .

Kung ako man ay muling hihiling .
Isa lang ang aking sasabihin .
Bigyan mo po ako ng taong aking makakapiling .
Hindi yung meron nang kapiling .

26/12/2018

Kapag Nasira Mo Ang salitang Tiwala
Hindi Mo Maibabalik Ng Basta Basta .

Nung bago ko simulan ang istorya ng kasama ka .
Wala akong bukang bibig sayo
kung di ang salitang tiwala sa isat isa .
Na magpapatibay ito ng pundasyon sa magiging relasyon nating dalawa .

Ngunit hindi na nakakapagtaka at
Mas lalong hindi na katakataka .
Wala ka din palang pinagkaiba sakanila.
Isa kadin palang manlolokong hayop ka .

Ano bang gusto nyo sa iba .
na gustong gusto nyo sakanila .
bakit ang hilig nyong kumaliwa.
Ano bang meron sa iba
Na wala ako pero meron sya .
Pero pagkakaalam ko kung anong meron ako meron din sya .
Pero sa pagkakadiskubre ko .
baka nga hindi kalang marunong makuntento sa isa.
Sa maikling madaling salita .
Hindi ka lang makuntento kung anong meron ka.!!!

Tapos makalipas ang ilang araw babalik ka .
Sabay tanong kung galit ako .
So anong ineexpext mo!!?
Magpapaka anghel demonyo ako sayo .
Para sabihin na welcome na welcome ka ulit sa buhay ko .
Hindi ako isang laro na pampalipas oras mo lang .
Kung gusto mo ng pampalipas oras .
Mag mobile legend kanalang .

Nasambit kona nuon sayo.
Na wag na wag mong sisirain ang tiwala ko.
Dahil hinding hindi ako magpapaka mega sardines sayo .
At hindi mo din ito mababalik ng basta basta .
Dahil sa una palang nagpakatao na ako sayo at sinabing .
Kung seryoso ka manatili ka .
Pero kung hindi lumayas ka .

Maging positibo para umasenso 😄💪💪💪💪💪💪💪
17/12/2018

Maging positibo para umasenso 😄💪💪💪💪💪💪💪

17/12/2018

Title: hindi ako natatakot na mawala ka.
Sa relasyon na pinamumunuan nating dalawa .

Distansya ng layo nating dalawa .
Wag mong hintayin na maubos ang aking pasensya .
Sa twing pakiramdam ko ako`y iyong dinededma.
Dahil sa twing chinachat kita seenzone lang ang madalas na kinalalabasan .
Sana man lang wag mo akong abusuhin.
Dahil kung ang sigarilyo nga nauupos .
Pasensya na .
tao lang ako nauubos .!!

Pero sana kahit minsan lang bigyan mo naman ako ng prayoridad .
Pero hindi naman ako umaasa na masusunod ang aking hangad .
Pero alalahanin mo bilang syota mo meron kang responsibilidad.
Na kailangan mo akong bigyan ng prayoridad dahil ang pagmamahal ko sayo ay merong dekalidad .
At nangangako na punong puno eto ng kalidad .

Alam kong marami kanang nakarelasyon dito sa mundo.
Pero heto lang ang itatatak mo sa isip mo .!
Na wala kang makikitang katulad ko .!
Pero kung wala kanang gana .
Libre lang naman ang magsalita .
Dahil hindi namn ako natatakot na mawala ka .
Ang tanging kinatatakot ko lang ay baka hindi ko na namamalayan .
Na pinagmumukha mo na lang pala akong tanga !!!!

17/12/2018

(Nagising na ako, sa pangaabuso mo )

Naging choice mo lang ako sa mga panahon na nagiisa ka ,
Na ang totoo lang namn pinagmukha mo lang akong tanga .
Tanga na paulit ulit akong naging tanga at nagpakatanga ,
Sa mga matatamis mong salita .
At naiisip mo lang namn ako sa twing malungkot ka ,
Sa twing nagiisa ka .
At sa twing nasasaktan ka .
Na sa twing nadadapa ka,
Ako naman heto si tanga,
Pilit kang isinasalba .

Pilit kitang itinatayo at pinapasaya ,
Sa lupang kinasusubsuban mong magisa ,
Ngunit ang isusukli mo lang pala ,
Sakit lang pala ang iyong dala.
Ako hetong nananahimik magisa ,
Bakit ako pa ang iyong inabala,
At sa kalokohan mo dinamay mo pa

Sa twing lumalapit ka ,tinatanggap kita.
Sa twing nalulungkot ka pinapasaya kita .
Na Sa twing iniiwanan ka nila
Ako agad ang iyong maaalala .
Bakit ako pa ??
Bakit ako pa ang iyong pinaasa .
Sa kabila ng mga kasiyahan kong dala.
Hindi pa ba sapat na binuo kita .
Bakit sa huli ako parin ang naisip mong pagmukain tanga .

Hindi lahat ng lalaki makakakita ka ng seryoso
Wag mong sabhin na kasing ganda mo si bea alonzo .
Hindi basihan ang ganda ng isang tao.
O ang ganda mo .
Para mahalin ka ng taong gusto mo .

Makakahanap ka ng katapat mo .
Kapag nakita mo na ang tinutukoy ko .
Kapag sya na ang nakita mo ,
Yun ang tinatawag nilang karma mo .

Address

Lourdes Lubao Pampanga
Lubao
2005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Edward's spoken word poetry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category