Project Barkadahan

Project Barkadahan Kabarkada niyo sa paglilingkod!

Maligayang Pagbati sa ating  !πŸŽ‰Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng Project Barkadahan ang ikatlong taong anibersaryo ng pa...
21/08/2025

Maligayang Pagbati sa ating !πŸŽ‰

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng Project Barkadahan ang ikatlong taong anibersaryo ng pagkakagawad kay Hon. Juan Gabriel "Biboy" Cada ng pagkilala bilang isa sa tatlumpung 'NATATANGING LIDER-KABATAAN NG LALAWIGAN NG QUEZON'.

Dahil dito sumilang ang grupong pang-kabataan, ang Project Barkadahan noong taong 2022, na layong isulong ang mabuti at mahusay na paggogobyerno ng mga kabataan sa paaralan, barangay at bayan.

Tuloy lang ang ating trabaho, mga kabarkada sa paglilingkod! Tuloy lang ang ating barkadahan! At sa panibagong taong ito, nawa ay lumawig pa ang ating barkadahan ng mga lider-kabataang nagnanais ng mahusay at mabuting uri ng paggogobyerno na sa kabataan mismo magmumula.

Mabuhay ang bawat kabarkada natin sa paglilingkod!✊



π˜πŽπ”π“π‡ π‚πŽπƒπ„ 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŸ’, ππ€π’π€πƒπŽ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π‘π€ππ†π€π˜!Matapos ang ilang buwan na pagsusulong sa plenaryo ng ating ...
16/01/2025

π˜πŽπ”π“π‡ π‚πŽπƒπ„ 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŸ’, ππ€π’π€πƒπŽ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π‘π€ππ†π€π˜!

Matapos ang ilang buwan na pagsusulong sa plenaryo ng ating kabarkada sa paglilingkod na si SK Chairman Biboy Cada at bilang Chairman ng Comm. on Sports and Youth Development, tagumpay na naipasa natin ang isang Barangay Ordinance na layong mapalakas pa ang karapatan at kahusayan ng kabataan sa Barangay 4.

Mula rito ay mas magiging malinaw ang responsibilidad at gampanin ng isang kabataan at maging ng SK sa ating barangay gayundin ang kanilang mga karapatan na dapat nilang natatamasa at inilalaan sa kanila ng pamahalaang Barangay at Sangguniang Kabataan.

Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang ating mga masisipag na kabarkada sa Sangguniang Barangay 4 na mga kapwa kagawad at Punong Barangay. Buong pasasalamat po ang ating ipinahahayon sa kanilang palagiang pagsuporta sa Sangguniang Kabataan at Katipunan ng Kabataan ng ating Barangay.

Patuloy po nating isusulong ang isang progresibong paglilingkuran sa ating barangay at sa bayan kasama ang ating mga kabarkada sa mahusay na pagggogobyerno mula sa Model SK. Ang aming buong pasasalamat po sa inyong paggabay sa paglikha ng Youth Code at pagtataguyod ng mabuting pamamahala't halimbawa sa aming mga lider kabataan sa buong Pilipinas.

πŸ‘‰Ang pinal na kopya ng ating Youth Code of Barangay 4 ay mababasa sa ating SKloud.



~malayo pa... pero malayo-layo na rin ang ating narating...Bunga ng patuloy na pagpupunyagi ng Project Barkadahan sa mga...
15/10/2024

~malayo pa... pero malayo-layo na rin ang ating narating...

Bunga ng patuloy na pagpupunyagi ng Project Barkadahan sa mga nagdaang panahon, narito tayo ngayon at unti-unti nating natutupad ang ating AGENDA BARKADAHAN sa ating barangay para sa mga kapwa kabataanπŸ§‘β€οΈπŸ’™




Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 2nd Barangay Assembly sa Barangay 4 Hall sa pangunguna ni Punong Barangay Josep...
15/10/2024

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 2nd Barangay Assembly sa Barangay 4 Hall sa pangunguna ni Punong Barangay Josephine A. Juacalla at mga Kagawad ng Sangguniang Barangay 4.

Kaalinsabay nito ay ang pagpapahayon rin ng ating kabarkada sa paglilingkod, SK Chairman Juan Gabriel "Biboy" Cada ng mga nagawang proyekto at programa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 4 sa loob ng mga nagdaang buwan.

Kaya naman narito ang ilan sa mga 'highlights' ng SK Barangay 4 Report na pinamagatang "State of the Sangguniang Kabataan Address sa Barangay" na nakasentro sa pagtupad sa 4 Point Agenda Barkadahan ng administrasyon.




Maligayang kaarawan sa ating kabarCADA sa paglilingkod, SK Chairperson Juan Gabriel "Biboy" P. Cada!πŸŽ‰Hangad namin ang iy...
09/08/2024

Maligayang kaarawan sa ating kabarCADA sa paglilingkod, SK Chairperson Juan Gabriel "Biboy" P. Cada!πŸŽ‰

Hangad namin ang iyong patuloy na tagumpay sa pagtataguyod ng mabuti at mahusay na pamamahala sa ating kapwa kabataan sa bayan ng Lucban. Kasihan nawa ka palagi ng Panginoon!



OCTOBER 30, 2023 | Bilang pagtalima sa umiiral na batas kaugnay ng BSKE 2023, ang buong Project Barkadahan po ay nagtung...
01/11/2023

OCTOBER 30, 2023 | Bilang pagtalima sa umiiral na batas kaugnay ng BSKE 2023, ang buong Project Barkadahan po ay nagtungo sa bawat area ng kanilang barangay para linisin at magtanggal ng kanilang mga campaign paraphernalia.

Mula po sa aming mga puso, Maraming Salamat po sa inyong suporta sa barkadahan!πŸ’™πŸ§‘β€οΈ
31/10/2023

Mula po sa aming mga puso, Maraming Salamat po sa inyong suporta sa barkadahan!πŸ’™πŸ§‘β€οΈ


SAMA-SAMA NATIN BUOIN ANG BARANGAY NA PANGARAP NATIN πŸ’™πŸ€πŸ§‘πŸŸ  SK Chairperson: BIBOY CADASK Councilors:🟠 ELI ABULAR 🟠 KURTNEY...
28/10/2023

SAMA-SAMA NATIN BUOIN ANG BARANGAY NA PANGARAP NATIN πŸ’™πŸ€πŸ§‘

🟠 SK Chairperson: BIBOY CADA

SK Councilors:
🟠 ELI ABULAR
🟠 KURTNEY BAUTISTA
🟠 BEVERLY BOΓ‘ON
🟠 GAB BUCAD
🟠 JAIMIE ELLA
🟠 NEDINE OBLEFIAS
🟠 JEFF VILLAVERDE





πŸ“£ PAANO NGA BA ANG PAGBOTO NGAYONG BSKE 2023?Narito ang mga ilang detalye sa tamang pagboto sa tamang balota.
27/10/2023

πŸ“£ PAANO NGA BA ANG PAGBOTO NGAYONG BSKE 2023?

Narito ang mga ilang detalye sa tamang pagboto sa tamang balota.




The COMELEC Precinct Finder is now back online!You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Baranga...
27/10/2023

The COMELEC Precinct Finder is now back online!

You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.

Scan the QR code or click this link:

πŸ”— https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct



πŸ“£Sa pagpili ng kandidato para sa Sangguniang Kabataan, DAPAT SIGURADO KA! ALAMIN AT KILALANIN!Kaya naman kilalanin natin...
27/10/2023

πŸ“£Sa pagpili ng kandidato para sa Sangguniang Kabataan, DAPAT SIGURADO KA! ALAMIN AT KILALANIN!

Kaya naman kilalanin natin ang susunod na magpapaunlad ng Trabaho, Edukasyon, Aktibong Partisipasyon, at Makabagong Pamamahala si SK Chairman BIBOY CADA ng Sangguniang Kabataan Barangay 4 - Lucban.



πŸ“£Sa pagpili ng kandidato para sa Sangguniang Kabataan, DAPAT SIGURADO KA! ALAMIN AT KILALANIN!Kaya naman kilalanin natin...
27/10/2023

πŸ“£Sa pagpili ng kandidato para sa Sangguniang Kabataan, DAPAT SIGURADO KA! ALAMIN AT KILALANIN!

Kaya naman kilalanin natin ang susunod na magpapaunlad ng Committee on Youth Livelihood & Employment si SK Kagawad GAB BUCAD ng Sangguniang Kabataan Barangay 4 - Lucban.



Address

Barangay 4
Lucban
4328

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project Barkadahan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Project Barkadahan:

Share

Category