Sangguniang Kabataan - SIETE

Sangguniang Kabataan - SIETE Sangguniang Kabataan ng Barangay Siete, Lucban, Quezon

JULY 20, 2026 | LNK 2026LINGGO NG KABATAAN 2026Different stories. Different experiences. One shared dream.This year's ce...
20/07/2026

JULY 20, 2026 | LNK 2026

LINGGO NG KABATAAN 2026

Different stories. Different experiences. One shared dream.

This year's celebration reminds us that while every young person comes from a different context, we are all connected by the same aspirationsβ€”to grow, to lead, to serve, and to build a better tomorrow.

Join the Sangguniang Kabataan Lucban Federation in partnership with LTSI Optilink as we celebrate the passion, resilience, and potential of every Lucbanin youth.

πŸ“Œ Kindly read the mechanics, guidelines, and details of each activity by clicking the images below. For further concerns or inquiries, feel free to contact this page.

Together, we move forward with unity, purpose, and hope.

Different Contexts, Common Aspirations.






Inaanyayahan ng Sangguniang Barangay Siete ang lahat ng residenteng may natatanging talento sa pag-awit at pagsayaw na l...
17/07/2026

Inaanyayahan ng Sangguniang Barangay Siete ang lahat ng residenteng may natatanging talento sa pag-awit at pagsayaw na lumahok sa ating mga nalalapit na patimpalak:

- Singing Contest
- Dance Contest

Ito ang inyong pagkakataon upang maipamalas ang inyong husay, pagkamalikhain, at pagmamahal sa sining sa harap ng ating komunidad.

Maaring maggpadala lamang ng mensahe sa opisyal na page ng Sangguniang Barangay Siete o Sangguniang Kabataan - SETE para sa pagpaparehistro, mga alituntunin, at iba pang mahahalagang detalye.

Maging isa at ipakita ang inyong tinatagong talento!

Ang buong Sangguniang Kabataan ay buong pusong bumabati  at ipinagmamalaki ang pagtatapos ng  ating masipag at dedikadon...
26/06/2026

Ang buong Sangguniang Kabataan ay buong pusong bumabati at ipinagmamalaki ang pagtatapos ng ating masipag at dedikadong SK Kagawad.

Ang iyong sipag, tiyaga, at walang sawang paglilingkod sa kabataan ay tunay na inspirasyon. Ngayon, isa na namang mahalagang yugto ang iyong matagumpay na nalampasan, at naniniwala kaming simula pa lamang ito ng mas marami pang tagumpay na iyong makakamit.Nawa'y maging gabay mo ang lahat ng iyong natutunan sa pagharap sa mga bagong hamon at oportunidad. Patuloy mong dalhin ang iyong husay, integridad, at malasakit saan ka man dalhin ng iyong mga pangarap.

Pagbati at padayon! ✊

Ang buong Sangguniang Kabataan ay buong pusong bumabati  at ipinagmamalaki ang pagtatapos ng  ating masipag at dedikadon...
23/06/2026

Ang buong Sangguniang Kabataan ay buong pusong bumabati at ipinagmamalaki ang pagtatapos ng ating masipag at dedikadong SK Secretary.

Ang iyong sipag, tiyaga, at walang sawang paglilingkod sa kabataan ay tunay na inspirasyon. Ngayon, isa na namang mahalagang yugto ang iyong matagumpay na nalampasan, at naniniwala kaming simula pa lamang ito ng mas marami pang tagumpay na iyong makakamit.Nawa'y maging gabay mo ang lahat ng iyong natutunan sa pagharap sa mga bagong hamon at oportunidad. Patuloy mong dalhin ang iyong husay, integridad, at malasakit saan ka man dalhin ng iyong mga pangarap.

Pagbati at padayon! ✊

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐀𝐚-π€πšπ›πšπ­πšπšπ§π  𝐚𝐫𝐚𝐰!Taos pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakilahok sa makabuluhang gawaing ito. Matapos a...
07/06/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐀𝐚-π€πšπ›πšπ­πšπšπ§π  𝐚𝐫𝐚𝐰!

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakilahok sa makabuluhang gawaing ito. Matapos ang masusing pagpaplano, naisakatuparan ang mga inisiyatibong nag-aangat sa antas ng kabataang makabayan, ligtas, at handa.

Hanggang sa susunod na makabuluhang gawain. Sama-sama para sa mas maunlad at mas matatag na kabataan!

Mataas na pasasalamat sa:
- BFP Lucban
- Sangguniang Barangay Siete

ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀 !Inaanyayahan  ang lahat ng kabataan na dumalo sa ating KK Assembly at Handa Kabataan: Disaster Preparedness Se...
06/06/2026

ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀 !

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na dumalo sa ating KK Assembly at Handa Kabataan: Disaster Preparedness Seminar bukas! Kasabay nito, gaganapin din ang pamamahagi ng ating Educational Assistance.

πŸ’‘ Paalala sa mga benepisyaryo ng Educational Assistance:
Huwag na huwag pong kalimutang magdala ng kahit anong uri ng ID bukas para sa inyong verification. Hindi rin makatatanggap ng Educational Assistance ang hindi makakadalo sa ating seminar at assembly. Mahigpit ding ipinapagbawal ang pagpapadala ng representatib sa pagkuha.

Magkita-kita po tayo bukas, 8:00 AM sa Brgy. 7 Hall . Ang kaalaman ay proteksyon, at ang edukasyon ay pundasyon ng ating kinabukasan!πŸŽ’β›‘

FIRST COME FIRST SERVE BASIS.

πŠπ€π“πˆππ”ππ€π 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π π€π’π’π„πŒππ‹π˜ πŸπŸŽπŸπŸ” Kabataan, panahon na para magkaisa, makiisa, at makilahok! Inaanyayahan namin ang la...
31/05/2026

πŠπ€π“πˆππ”ππ€π 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π π€π’π’π„πŒππ‹π˜ πŸπŸŽπŸπŸ”

Kabataan, panahon na para magkaisa, makiisa, at makilahok!
Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan ng ating barangay na dumalo sa ating KK Assemblyβ€”isang pagtitipon para sa mahahalagang usapin, mga programa, at mga oportunidad para sa kabataan.

Ang inyong presensya at boses ay mahalaga sa patuloy nating pagbuo ng mas aktibo, mas matatag, at mas maunlad na komunidad.

Makilahok. Makiisa. Makibahagi.
Kita-kits, Kabataan! 🌱

⚠️ πŠπ€ππ€π“π€π€ππ† 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀, πŠπŽπŒπ”ππˆπƒπ€πƒ 𝐍𝐀 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀!Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kahandaan ng kabataan sa ...
31/05/2026

⚠️ πŠπ€ππ€π“π€π€ππ† 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀, πŠπŽπŒπ”ππˆπƒπ€πƒ 𝐍𝐀 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀!

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kahandaan ng kabataan sa ating barangay, inaanyayahan ang lahat na dumalo sa HANDA KABATAAN: Disaster Preparedness Seminar.

Ang seminar na ito ay naglalayong magbigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa tamang paghahanda, pag-iingat, at mabilis na pagtugon sa oras ng sakuna at emergency. Sa pamamagitan ng programang ito, layunin nating mapalakas ang kamalayan ng bawat kabataan at mahikayat ang aktibong pakikilahok tungo sa mas ligtas at mas handang komunidad.

Sama-sama tayong matuto at maging handa.οΏ½ Ang kahandaan ng kabataan ay susi sa kaligtasan ng barangay.

Address

Barangay 7
Lucban
4328

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - SIETE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan - SIETE:

Shortcuts

Share