25/08/2026
One Day Volleyball Tournament 2026 β Linggo ng Kabataan 2026 π
Matagumpay na naisagawa noong Agosto 22, 2026 sa ATV Gymnasium, Barangay Tinamnan, Lucban, Quezon, ang paligsahang nagbigay sigla, pagkakaisa, at inspirasyon sa ating mga kabataan at pamayanan.
Lubos ang pasasalamat kay Mayor Agustin M. Villaverde, 4K President Mayora Ana Liza S.J. Villaverde at sa bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Lucban sa pangunguna ni Vice Mayor Marvin Loui C. VillaseΓ±or, sa kanilang walang sawang suporta at tulong sa mga programa ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Lucban at LYDO.
Taos-puso ring pasasalamat sa ating mga katuwang na kompanya at tanggapan gaya ng ATV Sports, Mdrrmo Lucban at LTSI Optilink na naging kabalikat sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programa.
Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, nagpapasalamat din tayo sa ating Local Youth Development Officer (LYDO), Gng. Jennlyn V. Grimaldo, at sa masisipag na MSWD Staff, sa kanilang patuloy na paggabay at suporta para sa kapakanan ng kabataan.
Higit sa lahat, isang malaking pasasalamat sa lahat ng kabataang nakibahagi at nakiisa sa programang ito. Ang inyong presensya at pakikiisa ay patunay ng masiglang diwa ng kabataang Lucbanin na patuloy na nag-aambag sa laranagan ng isports, kultura, sining, at kaunlaran ng pamayanan.
Mabuhay ang Kabataang Lucbanin! β¨