17/09/2026
𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄𝐇𝐎𝐋𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐕𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐂𝐎𝐑𝐄𝐂𝐀𝐑𝐃 (𝐇𝐂𝐒𝐂) 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐋 𝐕𝐄𝐑𝐈𝐅𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 - 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐁𝐀𝐒𝐄𝐃 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐓 (𝐏𝐁𝐆) 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄 𝟑
Dinalaw ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP) – Regional Project Management Office (RPMO) CALABARZON ang tanggapan ng ating Punong Bayan, Atty. Ramon A. Orfanel, upang ilahad ang resulta ng isinagawang Internal Verification ng Household Convergence Scorecard (HCSC) sa sampung barangay ng Catanauan. Kasama rin sa pagpupulong si 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 𝐁. 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐨.
Bago ang paglalahad ng resulta, nagsagawa ang RPMO team ng house-to-house validation sa mga nabanggit na barangay upang matiyak ang katumpakan ng mga datos na nakalap ng Community Volunteer Workers (CVWs), na binubuo ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHWs).
Kabilang sa mga barangay na isinailalim sa validation ang 𝐏𝐨𝐛. 𝟏, 𝐏𝐨𝐛. 𝟗, 𝐏𝐨𝐛. 𝟏𝟎, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐧𝐝𝐢𝐢𝐬𝐨𝐧, 𝐂𝐚𝐰𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐧 𝐈𝐛𝐚𝐛𝐚, 𝐃𝐨𝐨𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐈𝐛𝐚𝐛𝐚, 𝐃𝐨𝐨𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐈𝐥𝐚𝐲𝐚, 𝐌𝐚𝐝𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨, 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐀𝐧𝐲𝐚𝐨.
Layunin nito na malaman kung ang mga datos tungkol sa bawat household ay tumutugma sa aktuwal na kalagayan ng mga pamilya, kabilang na ang kanilang access sa iba't ibang serbisyo at programa mula sa pamahalaan at lokal na pamahalaan. Partikular na binibigyang-pansin ang kalagayan ng mga buntis, mga nagpapasusong ina, at mga batang limang taong gulang pababa.
Maganda ang naging resulta ng pagsusuri sa Bayan ng Catanauan. Dahil dito, kabilang ang Catanauan sa mga mabibigyan ng PBG Tranche 3 mula sa PMNP.
Ayon din sa ulat ng RPMO CALABARZON, nangunguna ang Catanauan sa 𝐇𝐂𝐒𝐂 𝐕𝐞𝐫𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐚𝐠𝐞 para sa 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝟑 𝐃𝐚𝐭𝐚 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧.
Patunay ito sa patuloy na pagtutulungan ng ating mga barangay, CVWs, BNS, BHWs, at ng lokal na pamahalaan upang masubaybayan ang kalagayan ng ating mga pamilya at masiguro na nakararating sa kanila ang mga serbisyong kanilang kailangan.