Market View - Health and Nutrition

Market View - Health and Nutrition To access efficient and line free barangay certificates/clearances. DM only

Kaisa ang Barangay Nutrition Council ng Market View sa pangunguna ni Chairman Janinne S. Napule, committee on health and...
04/08/2023

Kaisa ang Barangay Nutrition Council ng Market View sa pangunguna ni Chairman Janinne S. Napule, committee on health and sanitation sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month bilang tugon sa RA 10028 o Expanded Breastfeeding Act of 2009.

Sa pamamagitan ng BREASTFRIENDS, isang support group ng mga nanay sa barangay, hinikayat natin ang lahat ng ilaw ng tahanan sa pagpapasuso sapagakt nagbibigay ito ng kalusugan para sa paglaki ng bata.

09/19/23.BOOMerang: Balik Kalinga kay Lolo at Lola 3rd BatchNew BLGU Facility, Greenhills Phase 2 -Parang
19/06/2023

09/19/23.
BOOMerang: Balik Kalinga kay Lolo at Lola
3rd Batch

New BLGU Facility, Greenhills Phase 2 -Parang

As of May 31, 2023, mayroon ng 1,021 na batang may edad 0-59 buwan ang nabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa Tigda...
01/06/2023

As of May 31, 2023, mayroon ng 1,021 na batang may edad 0-59 buwan ang nabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa Tigdas at Polio.

May pagkakataon pa para matiyak ang kaligtasan ng ating mga Chikiting dahil extended hanggang June 15, 2023 ang Chikiting Ligtas.

Makipag-ugnayan lamang kay Chairman on Health and Sanitation Janinne "J9" S. Napule o magtungo sa Barangay Health Center upang makakuha ng libre, ligtas, at epektibong bakuna.

05/29/23 | Mainit na sinalubong nina Chairman on Health and Sanitation Janinne "J9" S. Napule, Nurse Mart Mareden V. Fan...
29/05/2023

05/29/23 | Mainit na sinalubong nina Chairman on Health and Sanitation Janinne "J9" S. Napule, Nurse Mart Mareden V. Fangon, at mga kasapi ng Barangay Health Alliance ang mga kawani ng Department of Health (DOH) Regional Office sa barangay para sa pagsasagawa ng Chikiting Ligtas Rapid Convenience Monitoring (RCM).

Layunin nito na matiyak na ang lahat ng batang may edad 0-59 months ay nabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa Tigdas at Polio.

Nakikiisa at sumusuporta ang Pamahalaang Pambarangay ng Market View sa pamamagitan ng Committee on Health and Sanitation...
18/05/2023

Nakikiisa at sumusuporta ang Pamahalaang Pambarangay ng Market View sa pamamagitan ng Committee on Health and Sanitation na pinamumunuan ni Chairman Janinne S. Napule sa Chikiting Ligtas Campaign upang maprotektahan ang mga bata laban sa sakit na Measles, Rubella at Polio.

Katuwang ang Barangay Health Alliance sa pangunguna ni Nurse Mart Mareden V. Fangon, bumibista sa bawat Purok ang tanggapan upang mabakunahan ang mga batang edad 0-59 buwang gulang.

Ang Chikiting Ligtas o Supplemental Immunization Activity ay isang malawakang pagbabakuna na isinasagawa para agad na ma...
17/04/2023

Ang Chikiting Ligtas o Supplemental Immunization Activity ay isang malawakang pagbabakuna na isinasagawa para agad na mapigilan ang banta ng measles outbreak, pagkalat ng rubella (tigdas hangin) at masugpo ang kasalukuyang polio outbreak. Ang mga bakunang ibibigay sa dagdag sa mga bakunang ibinibigay sa mga bata bilang bahagi ng routine immunization.

Target ng Department of Health na mabakunahan laban sa Polio, Rubella, at tigdas ang 95% sa kabuuang populasyon ng mga batang may edad 5 taong gulang pababa sa buong bansa.

Source: Presidential Communications Office

Isinusulong ng Pamahalaang Pambarangay ng Market View ang sa pamamagitan ng Barangay Health and Nutrition Council ang 10...
11/10/2022

Isinusulong ng Pamahalaang Pambarangay ng Market View ang sa pamamagitan ng Barangay Health and Nutrition Council ang 10 Kumainments.

Sa pamamagitan nito, kahit mga ordinaryong Pilipino ay magkakaroon ng kakayahan na mas maiangat ang antas ng kanilang nutrisyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan na ito.

Narito po ang schedule ng ating Barangay Health Center.
03/10/2022

Narito po ang schedule ng ating Barangay Health Center.

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Pambarangay ng Market View sa pamamagitan ng Barangay Health and Nutrition Council sa “M...
30/09/2022

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Pambarangay ng Market View sa pamamagitan ng Barangay Health and Nutrition Council sa “Movement Against Malnutrition” (MAMA) Program ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa pamamagitan naman ng City Health Office, patuloy na minomonitor ni Barangay Nutrition Scholar Elenor Lobusta ang 7 bata na benepisyaryo ng nasabing programa.

Buwanang isinasagawa ang pagtitimbang at Mid-Upper Circumference (MUAC) para sa monitoring nito.

Tumatanggap naman ng vitamins at ready to use supplementary food (RUSF) ang mga benepisyaryo mula sa pamahalaang lokal.

BAKUNA DAY | 26 na bata na edad 0-59 buwan ang nabakunahan sa Barangay Health Center sa pangunguna ni Nurse Mart Mareden...
30/09/2022

BAKUNA DAY | 26 na bata na edad 0-59 buwan ang nabakunahan sa Barangay Health Center sa pangunguna ni Nurse Mart Mareden V. Fangon katuwang si Barangay Nutrition Scholar Elenor Lobusta kasama ang Barangay Health Alliance sa pag-alalay ni Committee Chairperson – Health and Sanitation Kgd. Janinne S. Napule.

18 rito ang nakatanggap ng Penta, 3 na MMR, 3 kontra sa measles, 10 na PCV, 18 OPV, at 7 IPV.

09/26/2022| Nakiisa ang ating Barangay Nutrition Scholar na si Gng. Elenor Lobusta sa pagdiriwang ng 30th National Famil...
28/09/2022

09/26/2022| Nakiisa ang ating Barangay Nutrition Scholar na si Gng. Elenor Lobusta sa pagdiriwang ng 30th National Family Week. Tinalakay ng nasabing BNS ang kahalagahan ng 10 KumainMents at ang paghihikayat na makiisa ang mga nagpapasusong ina na maging kasapi sa Breast Friends Market View a Breast Feeding Support Group.

Address

Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Market View - Health and Nutrition posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share