17/08/2026
Labintatlong Legislative Proposals ang naipasa sa isinagawang 54th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ngayong August 17.
Kabilang dito ang dalawang Resolutions, tatlong Ordinances, at Supplemental Budget No. 1 ng mga SK at Barangay ng Silangang Mayao, 10, 7, Marketview, Ilayang Iyam at Mayao Kanluran.
Naging matagumpay ang sesyon sa pangunguna ng buong konseho, sa pamumuno ni Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Presiding Officer, na patuloy na nagsusulong ng mga panukalang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayang Lucenahin.