Romano Talaga

Romano Talaga Tapat sa Serbisyo Publiko dahil MANO ang taumbayan!

Solido ang KARANASAN,
napatunayan na ang KAKAYAHAN, tiyak na may KAALAMAN; ang inyong Lingkod-bayan - Romano Talaga.

Mangrove Day 2026 Nakiisa tayo sa ginanap na mangrove planting activity dito sa Gumaca, Quezon, sa pangunguna ni Governo...
12/08/2026

Mangrove Day 2026

Nakiisa tayo sa ginanap na mangrove planting activity dito sa Gumaca, Quezon, sa pangunguna ni Governor Helen Tan.

Sama-sama nating alagaan ang kalikasan at palakasin ang ating mga baybayin para sa mas ligtas at luntiang kinabukasan.

Stronger Roots, Safer Shores!

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong Ika-112 Taong Anib...
27/07/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong Ika-112 Taong Anibersaryo.

Nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Diyos sa inyong pananampalataya, paglilingkod, at pagkakaisa. Hangad namin ang higit pang mga taon ng tagumpay at patuloy na pagiging ilaw at inspirasyon sa inyong komunidad.

Maligayang Anibersaryo!

24/07/2026

Four decades of courage. One mission. Endless dedication.

Happy 40th Founding Anniversary to the 202nd Infantry "Unifier" Brigade. Salute to our Unifier Soldiers for their faithful service to the nation.

15/07/2026

"Mahirap Ipagtanggol ang Hindi Mo Nauunawaan" — EA Romano Talaga Nanawagan ng Tamang Impormasyon para sa West Philippine Sea "Only the Truth Will Unite Us as One Nation"

QUEZON PROVINCE — Kinatawan ni Executive Assistant Romano Franco C. Talaga si Governor Doktora Helen Tan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award sa isinagawang "West Philippine Sea: Himig ng Kalayaan Advocacy Concert."

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Talaga ang kahalagahan ng tamang impormasyon at pagkakaisa ng bawat Pilipino sa usapin ng West Philippine Sea. Ayon sa kanya, hindi maipagtatanggol ng mamamayan ang isang bagay na hindi nila lubos na nauunawaan, kaya't mahalagang maiparating sa publiko ang tama, malinaw, at makatotohanang impormasyon.

Aniya, ang maling impormasyon ay nagdudulot ng kalituhan at pagkakahati-hati ng mamamayan, samantalang ang katotohanan ang nagsisilbing matibay na pundasyon ng pambansang pagkakaisa.

Ipinaalala rin ni Talaga na ang West Philippine Sea ay hindi lamang isang usaping heograpikal, kundi bahagi ng kasaysayan, pambansang pagkakakilanlan, at mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng libu-libong Pilipino, lalo na ng mga mangingisda. Dagdag pa niya, isa rin itong likas na yaman na nararapat pangalagaan para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.

Nanawagan din siya sa pamahalaan at iba't ibang stakeholder na higit pang paigtingin ang mga programa sa public awareness upang mapalawak ang kaalaman ng mamamayan hinggil sa soberanya, sovereign rights, at maritime entitlements ng Pilipinas. Ayon kay Talaga, ang pagpapalawak ng kamalayang ito ay hindi lamang isang gawaing pang-edukasyon kundi isang mahalagang pamumuhunan para sa seguridad, katatagan, at kinabukasan ng bansa.

Binigyang-diin din niya na ang tunay na lakas ng isang bansa ay hindi lamang nasusukat sa lawak ng teritoryong pinangangalagaan nito, kundi sa lalim ng pagmamahal ng mamamayan sa katotohanan, batas, at kapayapaan. Aniya, sa pamamagitan ng pagkakaisa ng sambayanan ay higit na napatatatag ang soberanya at pambansang interes ng Pilipinas.

Ipinahayag din ni Talaga ang kanyang karangalan na katawanin si Governor Doktora Helen Tan sa makasaysayang pagdiriwang bilang pakikiisa sa paggunita ng isang dekada ng 2016 South China Sea Arbitral Award.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, binati niya ang 2nd Civil Relations Group (2CRG), Civil-Military Operations Center (CMOC), Armed Forces of the Philippines (AFP), katuwang ang Realtalk Philippines, sa matagumpay na pagsasagawa ng West Philippine Sea: Himig ng Kalayaan Advocacy Concert na naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa West Philippine Sea, itaguyod ang paggalang sa pandaigdigang batas, at higit pang pagtibayin ang pagkakaisa at soberanya ng bansang Pilipinas.

14/07/2026

Isang dekada ng tagumpay. Isang himig ng kalayaan. Isang bayan na nagkakaisa.

Ipinagmamalaki naming maging bahagi ng paggunita sa Historic 2016 Arbitral Ruling on the West Philippine Sea sa “Dekada ng Batas, Hindi Dahas: Himig ng Kalayaan Advocacy Concert.”

Isang malaking karangalan ang maging bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Historic 2016 Arbitral Ruling on the W...
13/07/2026

Isang malaking karangalan ang maging bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Historic 2016 Arbitral Ruling on the West Philippine Sea sa pamamagitan ng "Dekada ng Batas, Hindi Dahas: Himig ng Kalayaan Advocacy Concert."

Taos-pusong pagbati sa 2nd Civil Relations Group, Civil Military Operations Command, Armed Forces of the Philippines, at Realtalk Philippines sa matagumpay na pagsasagawa ng makabuluhang adbokasiyang ito na nagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at paggalang sa pandaigdigang batas.

Mabuhay ang West Philippine Sea.
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas!

Happy Birthday, Ma'am Shiela Talaga! Wishing you good health, happiness, and abundant blessings. Thank you for your dedi...
08/07/2026

Happy Birthday, Ma'am Shiela Talaga!

Wishing you good health, happiness, and abundant blessings. Thank you for your dedicated leadership and commitment to promoting Quezon Province tourism. May God continue to guide and bless you always.

Enjoy your special day!

20/06/2026

Happy Father's Day!

Saludo po kami sa lahat ng sakripisyo ng bawat haligi ng tahanan💪

Address

Lucena City
Lucena

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Romano Talaga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Romano Talaga:

Shortcuts

Share

Category