19/11/2025
Upang mapanatili ang kahandaan ng mga Quezonians sa panahon ng sakuna at kalamidad, isinagawa nitong Nobyembre 17 sa St. Jude Multipurpose Cooperative Hotel, Brgy. Isabang, Tayabas City ang Serbisyong Tunay at Natural sa DRRM: Una sa Pag-iwas, Paghahanda, Pagtugon at Pagbangon ang Quezon (STAND UPPPP ANG QUEZON).
Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Youth Development Office sa pamumuno ni Executive Assistant IV John Carlo Villasin, katuwang sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Quezon Provincial Director Abigail Andres, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Dr. Melchor Avenilla, at Sangguniang Kabataan Provincial Federation (SKPF) President at Ex-Officio Board Member Jackelyn Delimos. Habang dinaluhan naman ito ng mga kinatawan mula sa Red Cross YouthโQuezon Province, PPSK Presidents, SK Officials, at mga Local Youth Development Officers mula sa ibaโt ibang bayan at lungsod ng lalawigan.
Layunin ng aktibidad na lalo pang patibayin ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataang lider sa pag-iwas, pagtugon, at pagresponde sa panahon ng kalamidad, na isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas handang komunidad.
Samantala, nananatiling buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan at Sangguniang Panlalawigan sa mga ganitong programang nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman, kasanayan at kahandaan ng bawat kabataang Quezonians lalo't higit sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad, at mga hindi inaasahang pangyayari sa komunidad.