Barangay Health Station Ibabang Iyam

Barangay Health Station Ibabang Iyam Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Health Station Ibabang Iyam, Government Organization, ibabang iyam, Lucena.

DOH: HINDI LAHAT NG NARARAMDAMAN PAGKATAPOS MABAKUNAHAN AY DULOT NG BAKUNAMaraming posibleng dahilan kung bakit maaaring...
03/09/2026

DOH: HINDI LAHAT NG NARARAMDAMAN PAGKATAPOS MABAKUNAHAN AY DULOT NG BAKUNA

Maraming posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng sintomas o kondisyon ang isang bata. Mahalagang masuri nang maayos ang mga naiulat na kondisyon upang malaman kung may kaugnayan nga ito sa bakuna at matukoy ang posibleng sanhi.

Magtanong at kumuha ng tamang impormasyon mula sa healthcare workers.

Protektahan ang inyong anak laban sa tigdas at tigdas-hangin. Magpabakuna na!



28/08/2026
27/08/2026

Nilinaw ng Department of Health CALABARZON na ligtas ang ibinibigay nilang Measles-Rubella Vaccine sa mga batang nasa edad 6 hanggang 59 na buwan sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Rosa Maria Balisnomo-Rempillo, MCHM, CESE ang Assistant Regional Director DOH-CHD CALABARZON, ang bakuna ay karagdagang proteksyon para sa mga bata kaya't maganda raw na nababakunahan ang bata.

Normal din aniya na may agam-agam ang mga magulang kapag papabakunahan ang mga anak, ngunit 50 taon na raw na ginagamit ang vaccine na ito sa bansa na ginagamit din sa routine immunization.

Samantala, payo naman ni Dr. Rempillo na kung may history ng allergy ang anak, ay importante na sabihin ito sa health worker upang mapayuhan sa kung anong dapat gawin.

26/08/2026

MAY MGA TANONG KA BA TUNGKOL SA BAKUNA?

Kapag kalusugan ng anak ang pinag-uusapan, natural lang na magtanong, mag-ingat, at maghanap ng mga kasagutan.

May mga karaniwang reaksyon ba pagkatapos ng bakuna? Oo. Maaaring magkaroon ng pananakit, pamumula o pamamaga sa pinagturukan, banayad na lagnat, o banayad na pantal—na karaniwan ay panandalian lamang.

May tanong o pangamba? Manood at alamin ang sagot.
Magtanong. Makinig. Mag-verify.




Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

Mommy, palakasin ang katawan ninyo ni baby! Maging Wais Buntis! 🤰💖Detalye sa Comment Section
26/08/2026

Mommy, palakasin ang katawan ninyo ni baby! Maging Wais Buntis! 🤰💖

Detalye sa Comment Section

💗 WEDNESDAY = MRSIA DAY! 💉✨Barangay Ibabang Iyam Ngayong AUGUST lang ito, Mommy & Daddy! 👶💗Hindi lang NIP (Routine Immun...
25/08/2026

💗 WEDNESDAY = MRSIA DAY! 💉✨

Barangay Ibabang Iyam

Ngayong AUGUST lang ito, Mommy & Daddy! 👶💗
Hindi lang NIP (Routine Immunization) ang ganap tuwing Miyerkules—MRSIA DAY din! 🎉

👶 May anak na 6–59 months?
Tara na, pabakuna na!
💉 Turok ngayon, proteksyon pangmatagalan!

🗓️ EVERY WEDNESDAY — BUONG AUGUST
🕗 Starting 8:00 AM

📍 Ibabang Iyam 1 – Talabis
📍 Ibabang Iyam 2 – Damayan
📍 Ibabang Iyam 3 – Villa San Pablo

💗 MRSIA tuwing Miyerkules, ngayong August lang!
Huwag palampasin—Wednesday ang vaccine day! 😍💉

Pabakunahan na si baby, para mas kampante si Mommy! 👶💗










25/08/2026

MR SIA: HINDI LANG BAKUNA, MAY KUMPLETONG ALAGA! 💉

Akala ng iba, “turok at alis” lang ang MR SIA. Pero hindi!
Hindi rin waiver ang pinipirmahan, kundi consent form ito, bilang bahagi ng maayos at ligtas na proseso ng pagbabakuna.

Bawat bata ay dumaraan sa apat na hakbang:

1. Registration & Assessment – Sinusuri ang vaccination status at kalagayan ng bata.
2. Guardian Consultation & Consent – Ipinapaliwanag ang ng detalyado ang mahahalagang impormasyon at kumukuha ng consent mula sa magulang o guardian.
3. Vaccination Proper – Isinasagawa ang pagbabakuna ng trained health workers.
4. Observation & Health Education – Minomonitor ang bata pagkatapos at nagbibigay ng health education sa guardian.

Hindi lang basta bakuna—may tamang proseso, pag-aalaga, at pagprotekta. 🩷

Kaya sa mga parents and guardians na hindi pa nakapagpabakuna ng mga anak, wag na mag-alinlangan pa! Sama-sama nating protektahan ang bawat bata laban sa measles at rubella!

Bakit mas madaling mahawa ng TB ang mga bata?Detalye sa comment section.
25/08/2026

Bakit mas madaling mahawa ng TB ang mga bata?

Detalye sa comment section.





Address

Ibabang Iyam
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Health Station Ibabang Iyam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share