Sangguniang Panlalawigan Quezon

Sangguniang Panlalawigan Quezon Official page of the Sangguniang Panlalawigan of Quezon Province

03/09/2026

🎓✨ YOUR PISAY DREAM STARTS HERE! ✨🎓

📣 ISA KA BA SA MGA NANGANGARAP MAKAPAG-ARAL SA PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL? 👀

Kung matagal mo nang pangarap maging bahagi ng Pisay, this might be your chance to turn that DREAM into REALITY! 🌟

📚🔬 BE THE NEXT PISAY SCHOLAR! 🎓✨

Huwag palampasin ang pagkakataong ipakita ang iyong galing, talino, at potensyal! 🧪🔬

Bukas na ang aplikasyon para sa mga batang Quezonian na handang hamunin ang kanilang sarili at tahakin ang landas tungo sa isang dekalidad na edukasyong nakatuon sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).

📝 PSHS 2027 National Competitive Examination
📅 Examination Date: January 30, 2027
⏰ Deadline of Application: November 7, 2026
📝Application Link: nce.pshs.edu.ph

Kung ikaw ay isang mag-aaral na may pangarap, sipag, at determinasyong matuto, ito na ang iyong pagkakataon! Maghanda, mag-apply, at patunayan na kaya mong maging susunod na Pisay Scholar!


02/09/2026
02/09/2026

‼️HAZE ALERT‼️
DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA HAZE AT MARUMING HANGIN!🚨

Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Department of Environment and Natural Resources - Environmental Management Bureau (DENR-EMB), kasalukuyang binabantayan ang kalagayan ng hangin dahil sa haze na nakakaapekto sa mga lugar sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.

Ang naobserbahang haze ay maaaring dulot ng usok at transboundary haze mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia, na maaaring nadadala patungo sa Pilipinas ng hanging habagat.

Paalala sa mga pampublikong drayber, delivery riders, street vendors, field workers, at iba pang madalas nasa labas o kalsada, makiisa sa mga health guidelines at paalala ng DOH upang maprotektahan ang sarili laban sa epekto ng haze.

Mag-ingat mga Kalalawigan!




Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa Beyond Mandala: Celebrating Quezon’s Creative Spirit, ang 5th solo exhi...
01/09/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa Beyond Mandala: Celebrating Quezon’s Creative Spirit, ang 5th solo exhibit ni Agatha Brenica! 🎨✨

Ang tagumpay ng pagtatanghal na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng sining, kundi isang malaking papuri sa makulay at buhay na 'Sining Panlalawigan' ng Quezon. Sa bawat bisita, kolektor, at tagapagtangkilik na dumaan at nagpaabot ng suporta, maraming salamat sa pagpaparamdam na buhay na buhay ang lokal na sining. Patuloy nating itaguyod ang lokal na sining! ❤️




31/08/2026
28/08/2026

📣ANUNSYO: Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan

Magkakaroon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Libreng Medical Mission sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

📍 Mulanay, Quezon
(Mulanay Central Elementary School)
🗓️ Agosto 29, 2026 (Sabado)

📍 Pitogo, Quezon
(Pitogo Poctol Elementary School)
🗓️ Agosto 30, 2026 (Linggo)

Inaanyayahan ang lahat ng residente na samantalahin ang iba't ibang libreng serbisyong medikal na ihahatid para sa nasabing bayan.


24/08/2026
22/08/2026
21/08/2026

📣ANUNSYO: Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan

Magkakaroon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Libreng Medical Mission sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

📍 Dolores, Quezon
(Don Severo Felismino Elementary School)
Brgy. Santa Lucia
🗓️ Agosto 22, 2026 (Sabado)

📍 Sariaya, Quezon
(Manggalang Kiling Elementary School)
Brgy. Manggalang Kiling
🗓️ Agosto 23, 2026 (Linggo)

Inaanyayahan ang lahat ng residente na samantalahin ang iba't ibang libreng serbisyong medikal na ihahatid para sa nasabing bayan.

19/08/2026

Pagpupugay sa ika-148 na anibersaryo ng kapanganakan ni Manuel Luis Quezon!

Sa araw na ito, ating ginugunita ang kanyang mga naging ambag sa pagtataguyod ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino lalo na ang kanyang mahalagang papel sa pagsusulong at pagtatatag ng pambansang wika ✍🏻🇵🇭


Address

Governor's Mansion Compound, Barangay 8
Lucena
4301

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Panlalawigan Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Panlalawigan Quezon:

Shortcuts

Share