22/06/2026
Puno ng Buhay, Puso ng Quezon: Niyog na nagbibigay-lakas sa ating komunidad!๐ด๐ฅฅ
Sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) - Quezon Provincial Office, sa pangunguna ng Provincial Head na si Cristina H. Barayang, Philippine Coconut Authority (PCA), Quezon Coconut Industry Tripartite Council (QCITC), at iba pang pribadong sektor, matagumpay na naisagawa ang TUPAD PAYOUT nitong June 18, 2026 sa RESMA Unisan, Quezon at Brgy. Ibabang Burgos Covered Court, Pitogo, Quezon para sa 470 coconut farmers mula sa mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Unisan at Pitogo. Ang bawat isa ay nakatanggap ng halagang Php 6,000 na nagkakahalaga ng kabuuang Php 2,820,000.
Para sa mga Quezonian, ang niyog ay hindi lang basta tanim โ ito ay buhay, kultura, at pag-asa ng bawat pamilya. Mula sa ugat, katawan, dahon at bunga na nagbibigay ng produkto at pang araw-araw na kabuhayan, ang "Tree of Life" ang siyang sumasalamin sa katatagan ng probinsya ng Quezon.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa bilang bahagi ng mga programa ng Coconut Industry Tripartite sa Quezon, sa ilalim ng pamumuno ni DOLE RO IV-A Regional Director Atty. Erwin N. Aquino katuwang ang ibaโt ibang ahensya upang higit pang mapalakas ang suporta sa ating mga masisipag na coconut farmers.
Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa bisyon ni DOLE Secretary Francis TOLentino na bigyang proteksyon at itaguyod ang kapakanan ng mga nasa impormal na sektor, lalo na ang mga bayani ng industriya ng niyog.
Bilang leading producer ng coconut products, binibigyang-pagkilala natin ang walang kapantay na ambag ng ating coconut farmers sa ekonomiya. Ang matagumpay na implementasyon ng TUPAD ay patunay lamang na patuloy ang pagkakaisa ng pamahalaan at pribadong sektor upang itaguyod ang kanilang kabuhayan at mapangalagaan ang pamana ng agrikultura sa Quezon.