Provincial Government of Quezon

Provincial Government of Quezon Welcome to the Official Page
of the Provincial Government of Quezon

Tuloy po kayo sa Kapitolyo! Its projected population for 2013 is 1,194,315.

Quezon Province, the sixth largest province in the Philippines, is located in the CALABARZON Region . It has boundaries extending as far as the province of Aurora in the North and Camarines Norte in the South. It is bounded on the north by the province of Aurora, on the west by the provinces of Rizal and Laguna, on the southwest by the province of Batangas, and on the southeast by Camarines Norte

and Camarines Sur. Tiaong, its first town via the Manila South Road is about 89 kilometers from Metro Manila, while Lucena City, the capital of the province, is about 137 kilometers by road and 133 kilometers by railroad. The total land area of Quezon is 870,660 hectares or 8,706.60 square kilometers representing the largest in the region (53.63%) and the sixth largest in the Philippines accounting for 2.96% land area share. It has forty (40) municipalities and one (1) highly urbanized city, Lucena, which is also its capital. Quezon has a total of 1,242 barangays that is administratively divided into four (4) congressional districts. It has a population density of 2.16 person per hectare or 216 persons per square kilometer thereof. The province has a population of 1,882,900 (2007 Census of Population), with a land area of 8,706.60 square kilometers. The population density is estimated at 216 persons per square kilometer. Of the forty (40) municipalities, Sariaya with about 128,248 population is considered to have the largest population (based on 2007 statistics.) Candelaria, Tiaong and Tayabas rank second, third and fourth, respectively. Lucena City, a highly urbanized area, has 236,390 population.

BayaniMay mga bayaning buong tapang na tumindig para sa kalayaan na kanilang lubos na ipinaglaban.Mga bayaning g**o, dok...
31/08/2026

Bayani

May mga bayaning buong tapang na tumindig para sa kalayaan na kanilang lubos na ipinaglaban.

Mga bayaning g**o, doktor, magsasaka, at manggagawa, na sa tahimik na paraan, bayan ay kanilang inaalagaan.

Sa simpleng paglilingkod at pagtupad sa tungkulin, pag-ibig sa bayan ay patuloy na sumisiklab at nagniningning.

Kaya ngayong National Heroes Day, ating alalahanin, ang mga bayaning noon at ngayon ay patuloy ang sakripisyo.

Sapagkat ang tunay na bayani, saanman matagpuan, ay handang maglingkod para sa kapwa at bayan.



Ngayong National Heroes Day, nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa paggunita at pagbibigay  pugay sa mga bayaning na...
30/08/2026

Ngayong National Heroes Day, nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa paggunita at pagbibigay pugay sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan, gayundin ang mga modernong bayani—mga g**o, healthcare workers, magsasaka, manggagawa, responders, at bawat Pilipinong patuloy na nagsisilbi at nagsisikap para sa kapwa at bayan.



Pormal nang binuksan sa ikaapat na distrito ang Quezon Invitational Pickleball Tournament 2026, na nilauhkan ng walong r...
30/08/2026

Pormal nang binuksan sa ikaapat na distrito ang Quezon Invitational Pickleball Tournament 2026, na nilauhkan ng walong registered pickleball clubs, ngayong Agosto 30, sa Southern Quezon Convention Center, Gumaca, Quezon.

Pinangunahan ito ng Provincial Sports Office, sa pamumuno ni Coach Aris Mercene, na dinaluhan naman nina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at ni.Gumaca Mayor Webster D. Letargo, bilang suporta sa layuning higit na pasiglahin ang larangan ng palakasan sa Quezon at bigyang pagkakataon ang mga atleta na maipakita ang kanilang husay at talento sa pickleball.

Bawat kalahok ay nagpakita ng matinding determinasyon, husay, at kumpiyansa sa bawat laro, dala ang paninindigang “We are ready to serve!” upang ipamalas ang kanilang galing at ipaglaban ang bawat puntos hanggang sa huling sandali

Ang ganitong inisyatiba ay nagbibigay ng pagkakataon upang mapalawak ang ugnayan ng mga atleta at pickleball enthusiasts, mapalakas ang sportsmanship, at higit pang mapalago ang pickleball community sa lalawigan.



May kabuuang 3,573 Quezonians mula sa bayan ng Pitogo ang nakinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan na hatid ng Pam...
30/08/2026

May kabuuang 3,573 Quezonians mula sa bayan ng Pitogo ang nakinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng programang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” ngayong Linggo, Agosto 30.

Layunin ng programa na mailapit sa bawat mamamayan, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan, ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan. Kabilang dito ang libreng konsultasyon, laboratory services, health screening, optical at dental services, ultra*ound, chest X-ray, gayundin ang pamamahagi ng libreng gamot at bitamina.

Sa patuloy na pagkalinga ng ina ng lalawigan– Governor Doktora Helen Tan, katuwang ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala, Lokal na Pamahalaan ng Pitogo, at ang buong medical team naging posible ang paghahatid ng mga serbisyong ito.

Hindi lamang kalusugan ng tao ang binigyang-pansin sa Pitogo, kundi maging ang kapakanan ng mga alagang hayop. Sa isinagawang veterinary mission, 154 na a*o at pusa ang nabigyan ng libreng serbisyong beterinaryo. 113 dito ang nakatanggap ng libreng konsultasyon habang 41 naman ang nabigyan ng anti-rabies intervention.

Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa paghahatid ng serbisyong tunay na ramdam sa bawat komunidad para sa kalusugan, kaligtasan, at kagalingan ng bawat Quezonian.


30/08/2026

Tara Pickleball Tayo!

Opening of Quezon Invitational Pickleball Tournament 2026 for 4th District

August 30, 2026 | Southern Quezon Convention Center, Gumaca, Quezon





DISCLAIMER: I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

30/08/2026

📢KAPITOLNEWS | August 30, 2026

Bringing you updates, key programs, and official news from the Provincial Government of Quezon.


30/08/2026

Tara Pickleball Tayo!

Opening of Quezon Invitational Pickleball Tournament 2026 for 4th District

August 30, 2026 | Southern Quezon Convention Center, Gumaca Quezon





DISCLAIMER: I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

TINGNAN: Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, muling inilapit ng Pamahalaang Panlalawigan ang libreng serbisyong...
30/08/2026

TINGNAN: Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, muling inilapit ng Pamahalaang Panlalawigan ang libreng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kalalawigan sa bayan ng Pitogo sa pamamagitan ng “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” ngayong Linggo, Agosto 30.

Narito ang ilan sa mga naging kaganapan sa isinagawang programa, kung saan tampok ang iba’t ibang serbisyong medikal na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan bilang patunay ng patuloy na malasakit at serbisyong para sa bawat Quezonian.


Muling umarangkada ang programang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa ikatlong distrito matapos tagumpay na makap...
30/08/2026

Muling umarangkada ang programang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa ikatlong distrito matapos tagumpay na makapaghatid ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Mulanay nitong Sabado, Agosto 29.

Umabot sa 4872 residenteng Mulanayin ang nakinabang sa libreng serbisyo medikal at gamot na dala ng nasabing programa.

𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗧𝗔𝗟𝗬𝗘: https://quezon.gov.ph/4872-mulanayin-nakinabang-sa-programang-kalinga-sa-mamamayan-libreng-gamutan/

Address

Belen Drive, Quezon Capitol Compound
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Government of Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Provincial Government of Quezon:

Shortcuts

Share