Barangay Domoit - L. C.

Call Directions Contact the organization

Barangay Domoit - L. C. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Domoit - L. C., Government Organization, Purok Sampaguita, Barangay Domoit, Lucena.

📢 PAKI-SHARE POBaka po may nakakakilala kay tatay. Siya po ay kasalukuyang nasa Quezon Medical Center (QMC).Nakita po si...
18/09/2026

📢 PAKI-SHARE PO

Baka po may nakakakilala kay tatay. Siya po ay kasalukuyang nasa Quezon Medical Center (QMC).

Nakita po siya kaninang umaga sa South Emerald at agad na dinala sa QMC. Sa ngayon, hinahanap po ang kanyang pamilya o mga kamag-anak.

Kung may nakakakilala po sa kanya o may alam kung saan siya nakatira, kung sino ang kanyang pamilya, o anumang impormasyon tungkol sa kanya, mangyaring ipagbigay-alam po agad sa kinauukulan.

🙏 Malaking tulong po ang bawat share para mas mabilis na mahanap ang kanyang pamilya.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagtulong. ❤️

Happy Birthday sa ating mahal na Punong Barangay Ruel Trinidad! 🎉🎂Nawa’y patuloy kang bigyan ng Diyos ng lakas, karunung...
09/08/2026

Happy Birthday sa ating mahal na Punong Barangay Ruel Trinidad! 🎉🎂

Nawa’y patuloy kang bigyan ng Diyos ng lakas, karunungan, at mabuting kalusugan upang magampanan ang iyong tungkulin at patuloy na mapaglingkuran ang ating Barangay. Maraming salamat sa iyong sipag, malasakit, at dedikasyon sa ating komunidad. 🙌

More blessings and more years of meaningful service, Kap!

Maraming salamat po Mayor Kuya Mark at Boss VM Dondon Alcala 🥰🥰🥰💙💙
18/05/2026

Maraming salamat po Mayor Kuya Mark at Boss VM Dondon Alcala 🥰🥰🥰💙💙

𝙏𝘼𝙊𝙎-𝙋𝙐𝙎𝙊𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙎𝘼𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏 𝙋𝙊 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝘿𝙤𝙢𝙤𝙞𝙩 kina 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗗𝗼𝗻 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗰𝗮𝗹𝗮 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗿𝗶𝗰𝗸 ...
18/05/2026

𝙏𝘼𝙊𝙎-𝙋𝙐𝙎𝙊𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙎𝘼𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏 𝙋𝙊 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝘿𝙤𝙢𝙤𝙞𝙩 kina 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗗𝗼𝗻 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗰𝗮𝗹𝗮 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗿𝗶𝗰𝗸 “𝗗𝗼𝗻𝗱𝗼𝗻” 𝗔𝗹𝗰𝗮𝗹𝗮 sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat po sa pagrarasyon ng libreng tubig para sa mga residente ng Purok Jasmin. Malaking tulong po ito lalo na sa mga pamilyang naapektuhan ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Ang inyong tapat na serbisyo at malasakit sa mamamayan ay tunay na pinahahalagahan ng buong komunidad ng Barangay Domoit.

Lubos po ang aming pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ng Oplan Galugad noong Abril 10, 2026, ganap na 12:00 ng hat...
10/04/2026

Lubos po ang aming pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ng Oplan Galugad noong Abril 10, 2026, ganap na 12:00 ng hatinggabi pataas, na pinangunahan ng Lucena CCPS sa pangunguna ni PLT Richard B. Misolas sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Ryan M. Hernandez, katuwang ang Sangguniang Barangay ng Barangay Domoit sa pamumuno ni Hon. Ruel Trinidad.

Kasama rin sa matagumpay na operasyon sina Kagawad Amfrill Jael at Kagawad May Abastillas, sa tulong ng ating masisipag na Barangay Tanod, bilang bahagi ng pinaigting na SAFE CITIES Anti-Criminality Campaign Program.

Naging pokus ng operasyon ang heightened police visibility, area domination, saturation patrols, house-to-house visits, community engagement, at information dissemination upang higit pang mapalakas ang seguridad ng ating komunidad. Nagbigay rin ng mga paalala at babala sa mga lumabag sa lokal na ordinansa gaya ng curfew, paglabas sa kalsada nang walang pang-itaas, paninigarilyo at pag-inom sa pampublikong lugar, at pagtatapon ng basura kung saan-saan.

Ang mga magkakaugnay na hakbang na ito ay patunay ng ating sama-samang layunin na maiwasan ang krimen, matukoy ang banta sa seguridad, maipatupad ang mga ordinansa, at mapanatili ang kaligtasan ng bawat residente sa pamamagitan ng whole-of-nation approach.

Maraming salamat po sa Lucena PNP, sa pamunuan ng barangay, at sa lahat ng nakiisa. Sama-sama nating panatilihing ligtas, disiplinado, at mapayapa ang Barangay Domoit.

26/03/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY DOMOIT

Magkakaroon po ng VOTERS’ SATELLITE REGISTRATION ang Commission on Elections (COMELEC) sa ating barangay.

📍 VENUE: Barangay Domoit, Lucena City
📅 DATE: March 27–28, 2026 (Friday & Saturday)
🕗 TIME: 8:00 am

⚠️ Para lamang ito sa mga residente ng Barangay Domoit.

📌 Maaaring mag-apply para sa:
• New Voter Registration
• Transfer of Registration
• Reactivation
• Correction of Entries / Change of Name
• Reinstatement / Inclusion

📌 Mga maaaring dalhing valid ID:
PhilSys/National ID, Postal ID, Driver’s License, Passport, SSS/GSIS/UMID, PRC ID, Senior Citizen ID, PWD ID, Student ID, at iba pang government-issued IDs.

👥 Qualifications:
✔️ 18 years old pataas para sa Barangay Elections
✔️ 15–30 years old para sa SK Elections
✔️ Residente ng barangay ng hindi bababa sa 6 na buwan

📢 Inaanyayahan ang lahat ng hindi pa rehistrado, nais mag transfer, o may kailangang i-update sa kanilang voter registration na makiisa sa programang ito.

Magandang araw po!Ang mga takatalang pangalan ay kabilang sa pwedeng maging karagdagang Benepisyaryo ng 4P's . Kalakip d...
25/03/2026

Magandang araw po!

Ang mga takatalang pangalan ay kabilang sa pwedeng maging karagdagang Benepisyaryo ng 4P's . Kalakip din po ang mga kakailanganin mga dokumento.
Nakatakda po ang Domoit sa:

Kelan : April 14, 2026
Oras: 8:00 ng UMAGA
Saan: 4Ps Office, Allarey St. Brgy. 5 Lucena City

Ipinaaabot po ng Sangguniang Barangay ng Domoit ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating buting Mayor Mark Don Victor ...
24/03/2026

Ipinaaabot po ng Sangguniang Barangay ng Domoit ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating buting Mayor Mark Don Victor Alcala at Vice Mayor Roderick "Dondon"' Alcala sa kanilang agarang aksyon sa pagbibigay ng rasyon ng tubig sa mga residente ng Stonegate Subdivision.

Ang inyong malasakit at mabilis na aksyon ay patunay ng tunay at tapat na paglilingkod sa mamamayan. Maraming salamat po sa patuloy ninyong dedikasyon at suporta sa aming komunidad.

PAUNAWA SA MGA LIVESTOCK FARMERSInaanyayahan po ang mga bagong nag-aalaga o mga farmer ng hayop tulad ng baka, kalabaw, ...
05/03/2026

PAUNAWA SA MGA LIVESTOCK FARMERS

Inaanyayahan po ang mga bagong nag-aalaga o mga farmer ng hayop tulad ng baka, kalabaw, kambing, manok (hindi panabong), at baboy na makadalo sa isang maikling pagpupulong bukas, 2:00 PM.

Layunin po ng pagpupulong na ma-update ang mga farmers tungkol sa mga kinakailangang dokumento, lalo na po sa pag-aalaga at paglalabas ng baboy.

Magkakaroon din po ng orientation at update bilang paghahanda sa pagdating ng City Veterinary Office sa darating na June 2026 para sa kanilang medical mission para sa ating mga livestock farmers.

📍 Inaanyayahan po ang lahat ng livestock farmers na makadalo. Maraming salamat po. 🐄🐖🐐🐓

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY DOMOITMagkakaroon po ng VOTERS’ SATELLITE REGISTRATION ang Commission on Election...
01/03/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY DOMOIT

Magkakaroon po ng VOTERS’ SATELLITE REGISTRATION ang Commission on Elections (COMELEC) sa ating barangay.

📍 VENUE: Barangay Domoit, Lucena City
📅 DATE: March 27–28, 2026 (Friday & Saturday)
🕗 TIME: 8:00 am

⚠️ Para lamang ito sa mga residente ng Barangay Domoit.

📌 Maaaring mag-apply para sa:
• New Voter Registration
• Transfer of Registration
• Reactivation
• Correction of Entries / Change of Name
• Reinstatement / Inclusion

📌 Mga maaaring dalhing valid ID:
PhilSys/National ID, Postal ID, Driver’s License, Passport, SSS/GSIS/UMID, PRC ID, Senior Citizen ID, PWD ID, Student ID, at iba pang government-issued IDs.

👥 Qualifications:
✔️ 18 years old pataas para sa Barangay Elections
✔️ 15–30 years old para sa SK Elections
✔️ Residente ng barangay ng hindi bababa sa 6 na buwan

📢 Inaanyayahan ang lahat ng hindi pa rehistrado, nais mag transfer, o may kailangang i-update sa kanilang voter registration na makiisa sa programang ito.

Address

Purok Sampaguita, Barangay Domoit
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 12pm

Telephone

+639513975702

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Domoit - L. C. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Domoit - L. C.:

Shortcuts

Share