SK Barangay 2 Lucena City

SK Barangay 2 Lucena City Ang Barangay 2 ay itinuturing isa sa maliliit na barangay sa Lungsod ng Lucena base sa sukat ng lupa at populasyon.

Layunin ng Sangguniang Kabataan Barangay 2 Lucena City na makapaghatid ng epektibo at progresibong pagseserbisyo.

TINGNAN | HERStory ng mga kababaihang Dos, namayani ngayong National Heroes Day!Ngayong araw ay nagtipon-tipon ang mga a...
31/08/2026

TINGNAN | HERStory ng mga kababaihang Dos, namayani ngayong National Heroes Day!

Ngayong araw ay nagtipon-tipon ang mga ang mga kababaihang kabataan ng Barangay 2 sa Tayabas City upang pag-usapan ang mga social norms na humahadlang sa potensyal ng mga kababaihan na mamayagpag sa isang patriyarkal na lipunan.

Bawat kababaihan ay nagbahagi patungkol sa mga expectations na sinasabi ng lipunan patungkol sa kanila.

Nariyan ang pagsasabi na dapat nasa bahay lang ang babae, dapat sila ay mahinhin, dapat sila ay sumusunod lamang sa mga lalaki at iba pa.

Gayundin, ipinahayag nila ang mga salita at saloobin kung papaano nila itatama ang mga expectations na ito.

Sa pagtatapos ng naturang gawain ay nagbigay ng words of affirmation ang bawat isa para sa kanilang sarili bilang isang babae at sa kanilang kapwa babae.

Sa buong aktibidad, ang diin ng bawat isa ay: HINDI KA BABAE LANG, BABAE KA!

Abante babae! 💅

31/08/2026

Empowering youth to stand against to***co and va**ng! 🚭✨

Get to know the inspiring Project YOSI (Youth Opposing Smoking Influence) of the Sangguniang Kabataan – Brgy. 2, Lucena City! 💪

Catch this featured project as part of the 7th Philippine Sangguniang Kabataan Awards (PSKA) SK Projects Exhibit! 🌟

📅 September 12, 2026
🕐 1:00–4:00 PM
📍 The Heritage Hotel Manila, Pasay City
🤩 OPEN TO EVERYONE!
🎟️ REGISTER HERE: https://forms.gle/ZTEvxUfRJdGc5R9h7

Come and discover the stories, creativity, and impact behind the youth-centered initiatives of our SKs! ✨

25/08/2026
❌ History✅ HERstoryNgayong darating na linggo, handa na ang mga kabataang kababaihan ng Barangay 2 para pag-usapan ang m...
24/08/2026

❌ History
✅ HERstory

Ngayong darating na linggo, handa na ang mga kabataang kababaihan ng Barangay 2 para pag-usapan ang mga problemang kinakaharap nila bilang babae sa isang lipunang patriyarkal at kung paano natin bubuwagin ang mga ito! 💅

Who else are excited to hear from these DIVAS? It’s time for HERstory to shine ✨

TINGNAN | Blood Pressure Taking, itinuro sa mga kabataan ni SK Member Nurse Kian JimenezAgosto 23, 2026 — Isinagawa ang ...
23/08/2026

TINGNAN | Blood Pressure Taking, itinuro sa mga kabataan ni SK Member Nurse Kian Jimenez

Agosto 23, 2026 — Isinagawa ang Blood Pressure Taking Tutorial para sa mga kabataan ng Barangay 2 sa pangunguna ni SK Member Nurse Kian C. Jimenez.

Sa naturang sesyon, itinuro sa mga kabataan ang tamang paraan ng pagkuha at pagsukat ng blood pressure, bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan sa pangangalaga ng kalusugan.

Layunin ng programa na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat purok at mahikayat ang mga kabataan na maging bahagi ng pagsusulong ng adbokasiya sa kalusugan.

Katuwang ito ng mga programa ng Health Center, kung saan kabilang ang non communicable disease gaya ng hypertension bilang isa sa mga pangunahing prayoridad ng Barangay 2.

Kabataan para sa kalusugan—kaalaman ang unang hakbang sa pangangalaga sa sarili at komunidad!

WE REMAIN CONSISTENT TO OUR SERVICE IN YOUTH DEVELOPMENT!Congratulations, Sangguniang Kabataan of Barangay 2, for being ...
21/08/2026

WE REMAIN CONSISTENT TO OUR SERVICE IN YOUTH DEVELOPMENT!

Congratulations, Sangguniang Kabataan of Barangay 2, for being recognized as TOP 1 – Best Performing Sangguniang Kabataan under the 2026 Gawad Husay Balangay Program.

We humbly receive this recognition with gratitude. More than an award, it reminds us of the responsibility we carry to continue serving our youth and community with sincerity, accountability, and dedication.

Our rating of 10 reflects not only our efforts as a council, but also the support, trust, and participation of our young people, partners, and the entire Barangay 2 community. This achievement would not have been possible without the people who continue to believe in and work alongside us.

This recognition inspires us to do better, listen more, and continue creating meaningful opportunities and programs for the youth.

Maraming salamat po sa tiwala. Para sa kabataan, para sa Barangay 2.

TINGNAN | Pangalwang araw ng aplikasyon para sa educational financial assistance, isinagawa kahapon, August 19. Samantal...
20/08/2026

TINGNAN | Pangalwang araw ng aplikasyon para sa educational financial assistance, isinagawa kahapon, August 19.

Samantala, ngayong araw ay sarado muna ang aplikasyon bilang pagbibigay daan sa selebrasyon ng Araw ng Lucena.

Magpapatuloy ang aplikasyon bukas, August 21 sa Tanggapan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 2.

Para sa detalye, bisitahin ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1991tGNKsp/?mibextid=wwXIfr

Be a Community Heart Responder! Sa bawat tibok ng puso, buhay ang simbolo nito. Ikaw ba ay health advocate, health-relat...
18/08/2026

Be a Community Heart Responder! Sa bawat tibok ng puso, buhay ang simbolo nito.

Ikaw ba ay health advocate, health-related student, or nais makatulong sa komunidad? Nako, sakto para sa iyo ito! Tara na't matuto tungkol sa Blood Pressure Taking upang makatulong sa ating community.

Nais mo bang sumali? Magpahatid lang ng menshae sa Facebook ng SK Barangay 2 Lucena City.

TINGNAN | Educational Financial Assistance Application, nagsimula na ngayong arawIsinagawa na muli ang pagbubukas ng apl...
18/08/2026

TINGNAN | Educational Financial Assistance Application, nagsimula na ngayong araw

Isinagawa na muli ang pagbubukas ng aplikasyon para sa Educational Financial Assistance ng SK Barangay 2. Layunin nito maghatid ng tulong pangpinansyal para sa mga kabataan na nag-aaral.

Ang programang ito ay hango sa Barangay Ordinance 001 s. 2024 ng Barangay 2 na isinulong ng Sangguniang Kabataan na ipinasa ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Panlungsod.

Para sa detalye, bisitahin ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1991tGNKsp/?mibextid=wwXIfr

Address

37 Trinidad Street Santolan Barangay 2, Lucena City
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Barangay 2 Lucena City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share