21/11/2025
KABATAANG LUCENAHIN UNITED SYNERGY FOR CLIMATE ACTION (KLUSCA) & TOBACCOFF MOVEMENT
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Day for Youth in Climate Action at Drug Abuse Prevention and Control Week, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Talao-Talao katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO) Lucena at mga karatig na SK units sa coastal barangays, ay pangugunahan ang paglulunsad ng Kabataang Lucenahin United Synergy for Climate Action (KLUSCA) at TobaccoOff Movement.
Ang programang ito ay bunga ng pagkakaisa, determinasyon, at malasakit ng Kabataang Lucenahin upang palakasin ang aksyon para sa pangangalaga ng kalikasan at kalusugan ng komunidad. Hindi lang ito isang programaโito ay kilusan ng kabataan na handang kumilos, mag-inspire, at magdala ng tunay na pagbabago. Sama-sama nating itaguyod ang kinabukasan kung saan ang kabataan ang nangunguna sa tunay na climate action at tobacco-free na henerasyon.
Kita-kits at maging bahagi ng kilusan para sa pagbabago!