Lucena Satellite STAN

Lucena Satellite STAN Official page of Provincial Government Satellite Office - Lucena City

18/03/2026
03/02/2026
29/01/2026
22/01/2026

DOKTORA HELEN TAN, NILINAW ANG MAPANLINLANG NA BALITA NG BILYONARYO NEWS CHANNEL TUNGKOL SA SOUTHERN LUZON MULTI-SPECIALTY MEDICAL CENTER

Hindi pinalampas ni Governor Doktora Helen Tan ang isang mapanlinlang at malisyosong ulat ng Bilyonaryo News Channel na pinalalabas na umano’y isang ghost project at napabayaan na ang Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center, kalakip pa ang tahasang pagsisi sa kanya.

Sa paglilinaw ni Doktora Helen Tan, iginiit niya na bagama’t matatagpuan sa lalawigan ng Quezon ang proyekto, hindi ang Pamahalaang Panlalawigan ang namamahala rito. Ang tanging naging papel niya, aniya, ay ang masigasig na pagsusulong at pagtataguyod ng Republic Act No. 11702 noong siya ay Kinatawan pa lamang ng Mababang Kapulungan. Ibig sabihin, ang proyekto ay nasa ilalim ng Pambansang Pamahalaan, partikular ng DOH at DPWH, isang mahalagang detalye na tila sadyang hindi binigyang-diin ng naturang ulat.

Lalong ikinabahala ang paraan ng presentasyon ng balita: isang malaking larawan ng Gobernadora na may kalakip na salitang “Ghost” Health Center, isang malinaw na pagtatangkang magtanim ng maling impresyon sa publiko. Sa halip na maglatag ng buo at balanseng konteksto, pinili ng nasabing news outlet ang isang sensational na anggulo na naglalayo sa katotohanan.

Bagama’t hindi pa malinaw ang tunay na intensyon ng Bilyonaryo News Channel, hindi rin ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang naturang news outlet sa pagpapakalat ng kulang-kulang at mapanlinlang na impormasyon laban kay Doktora Helen Tan at sa kanyang pamilya. Sa panahong ang impormasyon ay mabilis kumalat at madaling paniwalaan, ang malinaw, tapat, at buong impormasyon ang nararapat ihain sa publiko, hindi ang mga balitang nagdudulot lamang ng kalituhan at pagkakahati.





03/10/2025

ANNOUNCEMENT‼️

Ngayong darating na October 9, magkakaroon po tayo ng AV FISTULA SCREENING para sa mga kababayan nating nais magpalagay ng Fistula o magpalit ng line sa QPHN-Quezon Medical Center (QMC).

Para sa mga nais magpa-AV Fistula, maaaring magpalista sa STAN Satellite Office ng bawat bayan at sa Governor's Help Desk sa lahat ng district hospitals, o tumawag sa mga numerong ito: 09171655850 | 09171176683





Happy Birthday, Governor Doktora Helen Tan 🥳
01/10/2025

Happy Birthday, Governor Doktora Helen Tan 🥳

Happiest Birthday, Governor Doktora Helen Tan! 💞🎂

Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong pagiging Ina, Doktora, at Gobernadora ng ating lalawigan. Higit pa sa tungkulin, palagi kang nandiyan upang umagapay at magbigay ng lakas ng loob sa bawat Quezonian.

Tunay kang biyaya ng Panginoon dahil sa iyong malasakit, serbisyo, at pusong handang maglingkod.

Mahal na mahal ka namin, Gov. Doktora Helen Tan! 🤗

As of 0700HOctober 22, 2024stranded passengersmarinduque -89masbate -27romblon -9Trucking - 45Private - 32MPTI - 55Total...
22/10/2024

As of 0700H
October 22, 2024
stranded passengers

marinduque -89
masbate -27
romblon -9
Trucking - 45
Private - 32
MPTI - 55

Total: 257

Sa direktiba ng ating Gobernadora Doktora Helen Tan maaga po ang STAN Lucena Satellite na nagdala ng makakain para sa ating mga stranded passengers sa Dalahican Port, Lucena City.

Pasasalamat at hindi gaano malakas ang ulan at hangin dumaan sa ating siyudad ng Lucena. Kasabay naman ang ating dasal para sa mga labis na naapektuhan.

Patuloy na mag-ingat mga kababayan.

Address

Bonifacio Street , Cor Magallanes Brgy. 7
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lucena Satellite STAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category