01/09/2026
๐ก ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ฆ ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ (๐๐๐ฆ) ๐ข๐ก ๐ข๐๐-๐ฆ๐๐๐ฆ๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐จ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐จ๐๐๐ฌ ๐๐๐ ๐๐ง ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ | Lesson ๐ฒ & ๐ณ
Matagumpay na isinagawa ng Office of the City Agriculturist ang Lesson 6: Integrated Pest and Disease Management at Lesson 7: Harvesting and Post-Harvest Management ng Farmers Field School (FFS) on Off-Season Production of Vegetables Using Grafted Seedlings sa Ouanโs Worth Farm, Lucena City.
Sa Lesson 6, tinalakay ang Basic Entomology and Integrated Pest Management (IPM), kabilang ang pagkilala sa mga karaniwang peste at ang wastong pamamaraan ng kanilang pamamahala. Tinalakay rin ang Integrated Pest Management for Common Diseases of Lowland Vegetables, na naglalayong matulungan ang mga magsasaka na maiwasan, matukoy, at mapamahalaan ang mga peste at sakit sa kanilang mga taniman gamit ang angkop at napapanatiling pamamaraan.
Samantala, sa Lesson 7: Harvesting and Post-Harvest Management, binigyang-diin ang Importance of Timely Harvesting o kahalagahan ng napapanahong pag-aani. Tinalakay kung paano nakatutulong ang tamang oras at wastong pamamaraan ng pag-aani sa pagpapanatili ng kalidad at kasariwaan ng mga gulay, pagbabawas ng post-harvest losses, at pagpapataas ng marketability at halaga ng ani.
Sa pamamagitan ng mga araling ito, higit na napalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasakaโmula sa pangangalaga at proteksyon ng mga pananim hanggang sa wastong pag-aani at pangangasiwa ng kanilang produkto. Ang mga natutuhang teknolohiya at pamamaraan ay makatutulong sa pagpapataas ng produktibidad, pagbawas ng pagkalugi, at pagtaas ng kita ng mga magsasaka.
Patuloy na isinusulong ng Office of the City Agriculturist ang mga programang nagbibigay ng makabagong teknolohiya at praktikal na kaalaman upang mapalakas ang kakayahan ng ating mga magsasaka at maisulong ang isang mas produktibo, matatag, at napapanatiling sektor ng agrikultura sa Lungsod ng Lucena.
Mula sa malusog na pananim hanggang sa de-kalidad na aniโbawat kaalaman ay hakbang tungo sa mas masaganang kabuhayan ng ating mga magsasaka! ๐ฑ๐ฅฌ
๐
August 27, 2026 | Ouanโs Worth Farm | Lucena City
๐จ Ms. Diana Nicole Laguerta
โ๏ธ๐ธ Ms. Rosette M. Marasigan
2026-082