Calabarzon - LTO Lucena Licensing Center

Calabarzon - LTO Lucena Licensing Center Official page of the LTO Lucena Licensing Center. Dedicated to providing fast, efficient, and transparent licensing services for the motoring public.

Serving with integrity and commitment to road safety.

31/07/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Kaugnay ng mga naging sunod-sunod na isyu na nakaapekto sa Land Transportation Management System (LTMS), at upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyo at mabigyan ang publiko ng sapat na pagkakataong makapagproseso ng kanilang mga transaksyon nang walang karagdagang bayarin, ipinatutupad ang Memorandum Circular No. MVL-2026-5271.

Pinalalawig hanggang sa susunod na abiso ang bisa ng mga sumusunod na mag-e-expire simula Hulyo 1, 2026:

โ€ข Motor Vehicle Registration
โ€ข Driver's License
โ€ข Conductor's License
โ€ข Student Permit
โ€ข Medical Certificate

Walang sisingiling late fees o penalties para sa lahat ng renewal na sakop ng nasabing extension habang epektibo ang Memorandum Circular.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.

24/07/2026

๐‘๐„-๐๐Ž๐’๐“: ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐“๐Ž ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ
โ€Ž
โ€Ž๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ! Muli pong ipinababatid ng ๐‹๐“๐Ž ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ para sa mga hindi pa nakakabasa nito at ganun din para sa kaalaman ng lahat, na ang Driverโ€™s License Cards para sa taong (2023-2024) ay handa na at available for release. Ang lahat ng mga pending na physical cards na nag-transact sa aming tanggapan ay maaari na pong kunin sa mga sumusunod na araw at oras:

๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž ๐‡๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ:
Monday to Friday
8:00 AM โ€“ 5:00 PM
(Closed on Holidays)

โ€ŽMangyaring dalhin ang inyong ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‘๐ž๐œ๐ž๐ข๐ฉ๐ญ (๐Ž๐‘) at kasalukuyang temporary driver's license para sa verification at releasing.
โ€Ž
โ€Ž๐Œ๐ ๐š ๐‡๐š๐ค๐›๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ก๐š:

โ€Ž1. Tiyakin na ang nakalagay sa field office sa iyong Official Receipt (OR) ay ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ o ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ
โ€Ž2. Pumunta sa aming tanggapan.
โ€Ž3. Ipakita ang inyong orihinal na Official Receipt (OR) at Temporary Driverโ€™s License.
โ€Ž4. Kinakailangan ang iyong ๐›๐ข๐จ๐ฆ๐ž๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ฌ upang ang pending transaction ay ma card finalized sa system.
5. Lagdaan ang tapat ng pangalan sa record book, katunayang natanggap mo na ang iyong Driver's License.

๐Ÿ“๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ ๐œ๐ญ๐ข ๐๐ฅ๐๐ ., ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š ๐†๐ซ๐š๐ง๐ ๐“๐ž๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฅ, ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ, ๐‚๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ซ๐ณ๐จ๐ง ๐Ÿ’๐Ÿ‘๐ŸŽ๐Ÿ, ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ
โ€Ž
โ€ŽNagpapasalamat po kami sa inyong pag-unawa at suporta habang patuloy naming pinapabuti ang aming serbisyo. Kung may karagdagang katanungan maaari ka pong magpadala ng mensahe dito sa aming Official page.
โ€Ž

โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

23/07/2026
23/07/2026

๐๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž ๐›๐ž ๐š๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐ž๐ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐‹๐“๐Ž ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ฌ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐š๐ซ๐ž ๐œ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐จ๐›๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐š๐ง๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐š๐›๐ข๐ง๐ข ๐ƒ๐š๐ฒ.

20/07/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa CALABARZON.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.




18/07/2026

๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐๐€ ๐“๐‘๐”๐‚๐Š, ๐๐€๐’๐€๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐ˆร‘๐€๐, ๐‹๐€๐†๐”๐๐€

Bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ R. Marcos Jr., at sa gabay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na panatilihing ligtas, maayos, at disiplinado ang paggamit ng mga kalsada, patuloy na pinapalakas ng LTO CALABARZON ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyong pangtransportasyon.

Sa pamumuno ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, mas pinaigting ng rehiyon ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan at iba pang paglabag sa mga umiiral na batas at alituntunin sa transportasyon.

Ngayong araw, apat na colorum na closed van truck ang nahuli sa isinagawang law enforcement operation ng LTO CALABARZON kaninang madaling araw sa Mamplasan, Biรฑan City, Laguna.

Pinangunahan ng LTO Cabuyao District Office sa pamumuno ni Officer-In-Charge Cloyd Deo Librea ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Regional Law Enforcement Service (RLES), kung saan natuklasan ang iba't ibang paglabag ng mga nahuling sasakyan.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ang pagpapatakbo ng colorum na sasakyan, paggamit ng hindi rehistradong sasakyan, pagpapakita ng pinaghihinalaang pekeng Official Receipt (OR), pagmamaneho nang walang balidong driverโ€™s license, paggamit ng improvised na plaka na walang kaukulang awtorisasyon, at mga depektong may kaugnayan sa kaligtasan gaya ng sirang headlight at pudpod na mga gulong.

Bunsod nito, agad na nag-isyu ang mga enforcer ng kaukulang Temporary Operatorโ€™s Permit (TOP) at ipina-impound ang apat na closed van truck. Isasailalim ang mga ito sa tamang proseso bago iendorso sa LTO Central Office para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay RD Decena, magpapatuloy ang LTO CALABARZON sa mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga colorum at iba pang lumalabag sa mga regulasyon.

โ€œPatuloy nating palalakasin ang ating mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas. Ang mga colorum na sasakyan ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa kanilang mga pasahero kundi pati na rin sa iba pang gumagamit ng kalsada. Mahigpit naming hinihikayat ang lahat ng operator at motorista na sumunod sa mga umiiral na batas at tiyaking ligtas at legal ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.โ€

Muli ring pinaaalalahanan ng LTO CALABARZON ang lahat ng may-ari at operator ng sasakyan na tiyaking sumusunod sa mga umiiral na batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at kaayusan sa mga lansangan.



16/07/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa buong bansa.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang online transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.

16/07/2026
12/07/2026

๐Ÿ๐Ÿ•๐Ÿ– ๐€๐‚๐‚๐‘๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐„๐ƒ ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐‚๐˜๐‚๐‹๐„ ๐€๐๐ƒ ๐‚๐€๐‘ ๐ƒ๐„๐€๐‹๐„๐‘๐’, ๐๐€๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐† ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐”๐Œ๐ˆ๐ˆ๐‘๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐“๐€๐’ ๐€๐“ ๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐“๐”๐๐†๐Š๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐“๐ˆ๐€๐‹ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐

Mula nang pamunuan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang LTO, sinimulan ng ahensya ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa mga accredited dealers na lumalabag sa proseso ng initial registration ng mga bagong sasakyan. Bilang bahagi ng kampanyang ito, 178 accredited dealers sa buong bansa ang naisyuhan ng Show Cause Orders (SCOs) mula Enero hanggang Hunyo 2026 dahil sa iba't ibang paglabag, kabilang ang hindi pagsunod sa itinakdang processing period sa pagproseso ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR), at plaka.

Isinagawa ang hakbang kasunod ng mga reklamong natanggap ng LTO mula sa mga may-ari ng sasakyan na hindi naibibigay sa itinakdang panahon ang kanilang OR, CR, at plaka na nagiging hadlang sa legal na paggamit ng kanilang mga bagong sasakyan.

Samantala, kabilang sa mga dealer na nakapagtala ng pinakamaraming reklamong natanggap ng LTO ay ang mga sumusunod:

Motorcycle Dealers
1. Rizal Autozone, Inc.
2. Motoxpress Sales Corp.
3. Motortrade
4. Wheeltek Motor Sales Corporation
5. Keymotors Incorporated

Car Dealers
1. Shaw Automotive Resources, Inc.
2. Gateway Motors (Cebu) Inc.
3. MG Gateway Mantrade Corp.
4. Vesuvius Motor Corporation

โ€œPanahon na upang managot ang mga dealer na patuloy na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon. Hindi ko rin hahayaan na patuloy na maantala ang serbisyo na dapat natatanggap ng publiko, dahil pagpapahirap ito sa ating mga motorista. Hindi natin ito kukunsintihin. Ang mga dealer na hindi sumusunod sa itinakda na regulasyon ng LTO ay papatawan ko ng preventive suspension, at kung kinakailangan, papatigilin ko ang kanilang operasyon,โ€ dagdag ni Asec. Lacanilao.

Nilinaw ng LTO na patuloy itong nag-iisyu ng SCO laban sa mga accredited dealer company na mapatutunayang lumalabag sa mga umiiral na batas at regulasyon, bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa interes ng publiko.

10/07/2026

๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐“๐€๐๐†๐†๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐’๐€ ๐๐”๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐’๐€

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2026-0004 dated June 22, 2026, ipinapaalala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan na maaari nang i-download at gamitin ang mga opisyal na:

โœ… "Bawal ang Red Tape" Poster (Updated version)
โœ… Client Satisfaction Measurement (CSM) Poster

Ang mga poster na ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Law na naglalayong isulong ang mahusay, mabilis, at transparent na paghahatid ng serbisyo publiko.

I-download ang mga opisyal na poster dito:
๐Ÿ”— https://arta.gov.ph/bawal-ang-red-tape/

Basahin ang Memorandum Circular No. 2026-0004 dito:
๐Ÿ”—https://arta.gov.ph/wp-content/uploads/2026/07/ARTA-Memorandum-Circular-No.-2026-0004.pdf

๐๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ

Kapag kayo ay nakipagtransaksyon sa alinmang tanggapan ng pamahalaan, hinihikayat namin kayong sagutan ang Client Satisfaction Measurement (CSM) Form o survey matapos ang inyong transaksyon.

Ang inyong feedback ay mahalagang batayan sa pagpapabuti ng kalidad ng serbisyo ng gobyerno at sa pagpapaigting ng transparency, accountability, at ease of doing business sa bansa.

Sama-sama nating isulong ang isang gobyernong mabilis, maayos, at tunay na naglilingkod sa bawat Pilipino.

ng

Address

Lucena Grand Central Terminal, Ilayang Dupay
Lucena

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calabarzon - LTO Lucena Licensing Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share