22/01/2026
"Construction of Community Center"
Brgy. Dalahican Lucena, City
Pormal nang naisagawa ang Inaguration at Turn-Over Ceremony ng natapos na Sub-Project sa ilalim ng DSWD KALAHI CIDSS PAG-ABOT PROGRAM na magsisilbing "Health Center" at "Community Hall" na pakikinabangan ng lahat ng mamamayan at karatig barangay ng Barangay Dalahican. Masiglang dumalo ang mga panauhin mula sa ibat-ibang Tanggapan ng Pamahalaaan, mula sa DSWD KALAHI CIDSS National at Regional, PAG-ABOT Program, mga Dept.Head at kawani mula sa ibat-ibang Tanggapan sa City Local Government of Lucena, BLGU, Community Volunteers, O&M Group, Other Stakeholders and ACT-Lucena.
Ang proyektong ito ay magsisilbing mahalagang pasilidad para sa serbisyong pangkalusugan,pagpupulong at iba pang aktibidad na magpapalakas sa pagkakaisa at kaunlaran ng komunidad