23/09/2026
๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ถ๐ญ๐พ ๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐
Matagumpay na nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at mga Local Government Unit (LGU) ng ikatlong distrito ng Quezon noong Setyembre 16, 2026. Ginanap ang aktibidad sa Conference Hall na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Capitol Building, Lucena City. Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (PESO), ang pagbibigay ng suporta upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad.
Matatandaan na noong Hulyo 2025 ay nagsagawa rin ng katulad na aktibidad na labis na sinuportahan ng ina ng lalawigan na si Governor Angelina โDoktora Helenโ D.L. Tan bilang pagtugon sa kapakanan ng bawat Overseas Filipino Workers (OFW) sa lalawigan. Patuloy na isinagawa ang gawaing ito upang matiyak ang tuluy-tuloy na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo, mapalawak ang tulong-pangkabuhayan, at higit pang mapagtibay ang proteksyon at seguridad ng mga migranteng manggagawa at ng kanilang mga pamilya sa buong lalawigan.
Samantala, dumalo sa katatapos lamang na MOA signing sina Vice Governor Anacleto โThirdโ Alcala at 2nd District Board Member Keith Mikhal โDoc Kimโ Tan bilang mga opisyal na kinatawan ng ina ng lalawigan na si Governor Angelina โDoktora Helenโ D.L. Tan. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga alkalde at PESO manager mula sa ibaโt ibang munisipalidad ng ikatlong distrito upang ipakita ang kanilang buong suporta sa programa.
Inilahad ni Provincial PESO Manager, Bb. Genecille P. Aguirre ang pambungad na pananalita sa pagsisimula ng programa. Kasunod nito, pinangunahan ni DMW IV-A Assistant Regional Director, Bb. Karen Quilao ang paglalahad ng panimula ng kasunduan at pagpapakilala sa mga panig na nagkasundo. Nagpaabot naman ng kanilang mensahe ng inspirasyon sina TESDA Quezon Provincial Director, G. Marlon Daclis, DOLE IV-A Quezon Provincial Director, Bb. Cristina H. Barayang, at OWWA IV-A Regional Director, Bb. Rosario C. Burayag.Samantala, pormal na tinapos ni DMW IV-A Regional Director Atty. April R. Casabuena ang programa sa pamamagitan ng kanyang pangwakas na mensahe.
Nakatuon ang kasunduan sa limang pangunahing aspeto: ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan; pampublikong impormasyon at edukasyon ukol sa overseas employment kasama ang buong proseso ng reintegration ng mga OFW; pagtatatag ng mga OFW help desk; mga programa at suporta para sa buong proseso ng reintegration ng mga migranteng manggagawa at ng kanilang pamilya; at mga libreng programang pang-empleyo at pangkabuhayan.
Kaugnay nito, agarang isinagawa ang Capacity Enhancement Training for OFW Help Desk Officers ng DMW noong Setyembre 17, 2026, sa St. Jude Coop Hotel and Event Center sa Lucena Diversion Road, Brgy. Isabang, Tayabas City. Nakiisa sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa PESO, Philippine National Police (PNP), at iba pang katuwang na ahensya at tanggapan.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang ibaโt ibang programa at serbisyo ng DMW para sa kapakanan ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya. Ang mga hakbang namang ito ang nagsisilbing patunay sa pagkakaisa ng pambansa at lokal na pamahalaan upang mas mailapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga kababayang nasa ibayong-dagat at kanilang mga mahal sa buhay.