11/09/2026
PAUNAWA SA PUBLIKO:
Para sa kaalaman at gabay ng ating mga kababayan, narito ang mahalagang paalala kaugnay ng mga itinakdang sakayan at alituntunin para sa mga pampasaherong jeep na bumibiyahe patungong Sta. Cruz, Laguna, alinsunod sa Pambayang Ordinansa Bilang 2014-03.
Para sa karagdagang impormasyon, hinihikayat ang lahat na panoorin ang buong video upang malaman ang mga itinakdang lugar ng sakayan, mga lugar na pinahihintulutan lamang ang pagbababa ng mga pasahero, at iba pang mahahalagang alituntunin.
Ang inyong pakikiisa at pagsunod ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, disiplina, at maayos na daloy ng pampublikong transportasyon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.