08/05/2022
By this time, marami na siguro sa inyo ang nakahanda nang magtungo sa mga polling precincts para iboto ang inyong mga napili sa Senado at sa lokal na pamahalaan.
Kaya bago pa tuluyang i-shade ang inyong mga balota, narito ang last minute reminders:
1. Dapat kilala mo ang iyong iboboto
Hindi dahil sikat siya, napapanood sa telebisyon o sa social media at nakikita sa mga tarpaulin, at lamang sa survey, siya na agad ang nasa iyong listahan. Dapat kilala mo siyang mabuti – mapagkakatiwalaan ba siya, wala ba siyang rekord ng anu mang paninira, pananakot, pang darambong at iregularidad, may NAGAWA na ba siya para sa Bayan? May sapat na ka alaman ba siya sa panunungkulan?
2. Ihanda ang iyong listahan.
Bago pa magtungo sa presinto, dapat nakalista na ang mga pangalan ng iyong iboboto. Tandaan, hanggang 12 lang ang senador na maaaring iboto, hindi pwedeng lagpas sa 12.
3. Maagang magtungo sa presinto
Tandaan na ang botohan ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. Kaya tiyakin na hindi kayo mahuhuli sa deadline. Makabubuting bumoto nang mas maaga para iwas sa mahabang pila. Mahirap magpahuli, dahil pagtungtong ng alas-6 ng gabi, ang tanging makaboboto na lamang ay yung mga nakapila sa loob ng 30 metro mula sa presinto.
4. Habang nasa polling place:
a. Magpakilala: Hanapin ang iyong pangalan sa voters’ list. Dito mabeberipika kung saan ka registered voter, at kung saang silid ng partikular na presinto dapat bumoto.
b. Kumuha ng balota: Lumapit sa board of elections inspectors (BEI) chairperson para humingi ng balota, ballot secrecy folder, at marking pen. Hindi kailangan magdala ng sariling ballpen. Kung nasa area na merong Comelec’s fingerprint scanning machine, bibigyanka ng verification receipt.
c. Huwag ipaalam kanino man angiyong boto: Ikaw lang dapat ang makakita ng iyong boto, at mapoproteksyunan mo ito sa pamamagitan ng ballot secrecy folder. Bawal ang cellphone sa loob ng presinto at bawal pikturan ang balota mo.
d. Bumoto na naaayon sa iyong konsensiya: Bumoto nang tama ang bilang, ibig sabihin maximum na 12 na senador ang iboboto, isang kongresista, isang mayor, isang vice mayor, isang partylist. Me-ron din portion kung saan dapat punan ang boto para sa sangguniang panla-lawigan, sangguniang panglungsod, o sangguniang bayan.
e. Huwag magmadali, huwag sulatan nang kung ano-ano ang balota para matiyak na mabibilang ang boto mo.
f. Sa sandaling na-tapos mo nang i-shade ang balota, dalhin ito sa VCM, ipasok sa machine. Huwag aalis agad.
Hintayin na mapro-seso ang iyong balota. Sa sandaling matapos ito, lalagyan ng marka ang iyong hintuturo ng poll clerk gamit ang indelible ink.
Bibigyan ka rin ng voting receipt para makita mo kung tama ba ang iyong ibinoto.
Kung ang receipt ay hindi nag-match sa kung sino ang binoto mo, ipagbigay-alam ito sa BEI at ireklamo. Kung nag-match naman, ihulog ito sa voting receipt box. Bawal ilabas ang voting receipt.
TANDAAN: BOTO MO, PANGALAGAAN MO.
Ctto:
Ness B. Rondilla Andy Uy Darwin Laguador Rondilla Noel 'Jhio' Rondilla Jr. Jonathan Lorbis Igloria Wilfredo Roguel Allan Oracion Jr. Ronaldo “JAPS” Mecija JJ Romulo Armie Esperanza-Carmelo Ness B. Rondilla - Yesweken Yeswekento2022