23/11/2025
Para sa mga minamahal naming Business Tax Payer na mag rerenew ngayong January 2026.
Mahalagang Anunsyo : Pagpaparehistro sa Bagong Electronic Business Permits & Licensing System (eBPLS) gamit ang eGovPH App.
Ang Tanggapan ng Business Permits & Licensing Office (BPLO) ng Luisiana, Laguna ay malugod na nagpapaabot ng mahalagang impormasyon hinggil sa ating patuloy na pagpapabuti ng serbisyo para sa inyong mga negosyo. Bilang bahagi ng ating paghahanda para sa isang ganap na automated na sistema, ipinakikilala po namin ang ating bagong Electronic Business Permits & Licensing System (eBPLS) na ginagamit sa pamamagitan ng eGovPH app.
Ang programang ito ay alinsunod sa RA 11032 or Ease of Doing Business. Ang system na ito ay mula sa Department of Information Communication & Technology (DICT), at buong pusong sinusuportahan ng ating minamahal na Punong Bayan Kgg. Jomapher U. Alvarez na may layuning gawing mas mabilis, madali at transparent ang inyong pagaasikaso ng Business Permit.
Mga dapat gawin ng mga magrerenew:
1. Gamit ang inyong cellphone mag Download ng eGovPH app sa Google play Store/ Apple Apps Store.
2. Gumawa ng Account gamit ang inyong active email address at contact number at e verify ito.
3. Matapos na madownload, masagutan ang lahat ng personal information at maverify, pwede na po magsadya sa tanggapan ng BPLO, Negosyo Center, Luisiana, Laguna, para po ma assign sa system ang inyong account.
4. Para naman po sa mga minamahal naming Senior Citizens at Person with Disability na walang kakayahang magrehistro sa pamamagitan ng kanilang cellphone buong puso po kaming humihikayat na matulungan sila ng kanilang anak, apo, kapatid at iba pang kamag-anak na magamit sa system ang kanilang cellphone na may active na email address at contact number nito.
Umaasa po ang tanggapang ito na ang lahat na magrerenew ng kanilang Business Permit para sa taong 2026, ay makapag rehistro na ngayon simula November 15, 2025 hanggang December 15, 2025, bukas po ang aming tanggapan sa araw ng Lunes Hanggang Biyernes sa ganap na ika 8:00 ng umaga hanggang ika 5:00 ng hapon. Maraming Salamat po.
BPLO