16/04/2026
Kamakailan ay napabalita ang ilang insidente ng pagkakakita ng ahas partikular ang cobra sa ilan lugar sa ating bayan. Bilang tugon sa sitwasyong ito, nagsagawa tayo ng Snakebite Orientation sa Brgy. Wawa Ibayo upang mapalawak ang kaalaman ng ating mga kababayan sa tamang pag-iwas at paunang lunas sa kagat ng ahas.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Dra. Monica De Robles, katuwang ang ating Municipal Agriculturist na si Catherine Ranoco, sa inisyatibo ng ating Punumbayan Mayor Belen Raga.
Layunin ng gawaing ito na masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng bawat isa sa harap ng ganitong uri ng panganib. Narito po ang ilang hotlines na maaari ninyong tawagan upang agarang madala sa ospital ang biktima.
• 📞 Lumban RHU: 09512468199
• 📞 LDRRMO-09653951431
Manitili po tayong ligtas mga kababayan.