06/05/2022
PASADO. Ito ang markang tinanggap mula sa isa sa mga SGLG evaluator na si Bb. Odessa L. Tan, MLGOO VI ng DILG-Laguna, matapos ang isinagawang assessment sa mga documentary requirements para sa core area na "Youth Development" na isinumite ni G. Darryl B. Garcia, YDO designate ng Lumban. Ang nasabing evaluation para sa prestihiyosong Seal of Good Local Governance ay isinagawa noong May 5, 2022 sa Benigno Aquino Hall.