Barangay Balubad

Barangay Balubad Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Balubad, Government Organization, Brgy. Balubad, Lumban.

Atm...pagpipintura ng inaspaltong kalsada dito sa Barangay Balubad.
27/02/2023

Atm...pagpipintura ng inaspaltong kalsada dito sa Barangay Balubad.

Congrats konsi Mario R. Magbuhos 👋👋👋Salamat sa 13 taong pagmamahal at paglilingkod sa ating minamahal na Barangay Baluba...
24/02/2023

Congrats konsi Mario R. Magbuhos 👋👋👋
Salamat sa 13 taong pagmamahal at paglilingkod sa ating minamahal na Barangay Balubad. Salamat po sa inyong di matatawarang paglilingkod sa ating mga kabarangay at ambag sa kaunlaran ng ating Barangay Balubad. Pagpalain ka po ng ating mabuting Panginoon.




Ang atin pong Punong Barangay Charlie M. Pangilinan ay nagpapaabot ng pasasalamat sa Tanggapan ng ating Mayor Rolando G....
17/01/2023

Ang atin pong Punong Barangay Charlie M. Pangilinan ay nagpapaabot ng pasasalamat sa Tanggapan ng ating Mayor Rolando G. Ubatay, sa pagpapahakot ng mga basura na hindi agad nahakot sa kadahilanan ng mga problemang hindi inaasahang pagkasira ng mga truck ng basura na kumukuha nito.
Salamat din sa tanggapan ng Municipal Solid Waste Management sa pamumuno ni G. Efren Porcincula at sa pakikipag-ugnayan ni G. Alfredo Allan Villanueva-Community Affairs Officer at nahakot/nalinis ang mga basurang matagal na hindi nakuha.

Paalala po sa ating mga kabarangay na matutong isaayos ang ating mga basura. Ilabas ang basura sa araw at oras na ang truck ay nasa lugar na. Huwag basta basta maglabas ng mga basura upang hindi ikalat ng a*o at hindi matambak sa isang lugar na nagiging sanhi ng mabahong amoy ang mga nabubulok na itinapon doon.

"Huwag ka lang magkalat,nakatulong ka na!"


20/06/2022

1,000 PHILIPPINE PESO BILL PINAGBABAWAL NANG MA "STAPLE", ANG MAHUHULI AY MAGMUMULTA NG 20,000 PISO

On Monday, officials from the Bangko Sentral ng Pilipinas Mindanao Regional Office urged the public to treat the new polymer banknote with care as simply stapling it can be considered as “intended mutilation” penalized with a fine of up to Php20,000.

The central bank said the polymer banknote has more security features and will last significantly longer than the paper bills it has earlier issued. via PNA



Kahapon,June 9,2022  ika-3:00 ng hapon, sa pangunguna po ng inyong lingkod Charlie M. Pangilinan bilang Punong Barangay ...
09/06/2022

Kahapon,June 9,2022 ika-3:00 ng hapon, sa pangunguna po ng inyong lingkod Charlie M. Pangilinan bilang Punong Barangay ay ginanap ang Buwanang pagpupulong ng lahat ng aking itinalaga sa katungkulan at ng Sangguniang Barangay ng Balubad. Tinalakay muli ang tungkol sa kanilang responsibilidad at tungkulin kinakailangan gampanan. Simula sa Bantay Bayan, Lupon Tagapamayapa, BHW, BNS, CDW, VAW Desk Officer, Utility, Brk, Treasurer at Secretary. Nagsagawa din ng pagpifill out ng kani-kanilang Personal Data Sheet at iba pang kinakailangan dokumento para sa pag-update ng kanilang pagkakatalaga.
Maraming salamat po sa inyong walang pasubaling pagdalo sa ating buwanang gawain.
Inaasahan ko po ang inyong patuloy na pagtupad sa inyong pinanumpaan tungkulin at pakikiisa sa lahat ng ating mga gawain.
Patuloy po tayong magtulungan para maitaas at mapaunlad pa ang ating minamahal na Barangay Balubad.
Mabuhay po tayong lahat at Pagpalain ng ating mabuting Panginoon ang Barangay Balubad.






Ang Sangguniang Barangay Balubad po sa pamumuno ni Kap. Charlie M. Pangilinan ay lubos na nagpapasalamat kay konsi John ...
24/03/2022

Ang Sangguniang Barangay Balubad po sa pamumuno ni Kap. Charlie M. Pangilinan ay lubos na nagpapasalamat kay konsi John Dember Delos Reyes sa ibinigay niyang gamot para sa ating mga ka-barangay.
Malaking tulong po ang mga ito sa aming mga kabarangay.
Muli po, maraming salamat po Konsi Dember.💚💚💚 Pagpalain po kayo ng ating mabuting Panginoon💚

Pabatid:Bilang bahagi ng pag iingat pa rin po ng ating Pamahalaang Bayan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 ay nagla...
27/07/2020

Pabatid:

Bilang bahagi ng pag iingat pa rin po ng ating Pamahalaang Bayan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 ay naglabas ang Tanggapan ng Punumbayan ng mga sumusunod na Memorandum:

1. Memorandum No. 41, S. 2020 para sa lahat ng mga nagmamay-ari ng retail store, food stall/kiosk, canteen/carinderia, bar at restaurant tungkol sa pagsasara ng mga tindahan sa oras ng curfew. At pagsunod sa ilang alituntunin nakapaloob sa Executive Order No.36, S. 2020 kung saan ang pagbebenta ng alak at inuming nakalalasing ay mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika 5:00 ng hapon lamang.

2. Memorandum No. 42, S. 2020 para sa lahat ng mga nagmamay-ari ng Computer Shop na manatiling sarado at pansamantalang itigil ang operasyon sa panahong nalolooban ng community quarantine.

Inaasahan po ang inyong patuloy na pakikiisa at pagsuporta sa lahat ng mga alituntunin ipinatutupad ng lokal na pamahalaan habang tayo ay patuloy na nasa ilalim ng General Community Quarantine. Mag ingat po tayong lahat.

See attached photos for more details.

happy happy birthday po sa aming masipag na Barangay Kagawad MARIO "Maying" R. MAGBUHOS🎂🍦🍷🍻 God bless po!!!fr: Sanggunia...
22/07/2020

happy happy birthday po sa aming masipag na Barangay Kagawad MARIO "Maying" R. MAGBUHOS🎂🍦🍷🍻 God bless po!!!
fr: Sangguniang Barangay and Sangguniang Kabataan ng Balubad❤️❤️

Address

Brgy. Balubad
Lumban
4014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Balubad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share