DepEd-Doña Juana Chioco National High School- 300802

DepEd-Doña Juana Chioco National High School- 300802 Welcome to Doña Juana Chioco National High School-Dreaming Bigger, Soaring Higher Altogether
(1)

21/08/2026

May pinagdaraanan o concern tungkol sa kaligtasan? Hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa.

Sa Learners TeleSafe Contact Center Helpline, mas madaling makahingi ng tulong ang mga mag-aaral at magulang. Pinalalakas din ng DepEd ang counseling, tamang referral, at propesyonal na tulong, katuwang ang National Center for Mental Health.

May malalapitan ka. May makikinig. At may handang tumulong.

19/08/2026

#𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐇𝐔𝐑𝐒𝐃𝐀𝐘)

Ayon sa Memorandum Circular No. 131 ng Office of the President, 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐨𝐩 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐚𝐫𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐝𝐞𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat).

Ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

Ang nasabing kautusan ay ipatutupad maliban kung may ibang direktiba mula sa mga kinauukulang Local Chief Executives. Para sa pribadong sektor, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay nasa pagpapasya ng management.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na abiso, at laging unahin ang kaligtasan.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! 💙

17/08/2026

#𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐀𝐑𝐓𝐄𝐒)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, at alinsunod sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ipinatutupad ang Executive Order No. 24, Series of 2026, na 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐬𝐩𝐢𝐧𝐝𝐞 𝐧𝐠 𝐟𝐚𝐜𝐞-𝐭𝐨-𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐞𝐬, 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Alinsunod sa umiiral na mga memorandum at patakaran ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), ang bawat paaralan at higher education institution ay hinihikayat na gumamit ng naaangkop na Alternative Delivery Modes (ADM), online classes, modular learning, asynchronous learning, o iba pang alternatibong pamamaraan ng pagkatuto, kung kinakailangan at naaayon sa kanilang sariling assessment, kapasidad, at umiiral na guidelines, upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o.

Ayon sa DOST-PAGASA Weather Advisory No. 64, na inilabas ngayong Agosto 17, 2026, alas-5:00 ng hapon, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na may inaasahang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan hanggang hapon ng Agosto 18 dahil sa Southwest Monsoon (Habagat).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PDRRMO, DepEd, CHED, kani-kanilang paaralan, at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! 💙

10/08/2026

Ating hilingin ang gabay at pagpapala sa bawat hakbang at gawain ngayong linggo. Happy Monday, Ka-DepEd! 🙏✨

09/08/2026

Ngayong Pandaigdigan at Pambansang Araw ng mga Katutubo, nakikiisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pagbibigay-pugay sa mga katutubong hilot (midwives) na nangangalaga sa buhay at kapakanan ng bawat sinisilang na bata sa pamayanan.

Katulad nila, ang DepEd ay naninindigan para sa kagalingan ng bawat batang Pilipino, sa pagtaguyod ng dekalidad at ingklusibong edukasyon na nagpapahalaga sa pangkulturang pagkakalinlan ng lahat.

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊!Alinsunod sa opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗮𝗻𝗴 𝗳𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗳𝗮𝗰𝗲 𝗰𝗹𝗮...
09/08/2026

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊!

Alinsunod sa opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗮𝗻𝗴 𝗳𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗳𝗮𝗰𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀, 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲.
Ang suspensyon ay bunsod ng patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).

Bilang pagpapatuloy ng pagkatuto ang HINAY Learning Modality - Learning Activity Sheets (LAS) ay ipapadala sa mga class group chats (GCs) upang magabayan ang ating mga mag-aaral sa pagsasagawa ng kanilang mga gawain sa bahay.

#𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐎𝐍𝐃𝐀𝐘)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝𝐢𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬, 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Ang suspensyon, na ipinatutupad sa ilalim ng Executive Order No. 22, Series of 2026, ay isang hakbang na pangkaligtasan bunsod ng patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat at ng inaasahang pagpapatuloy ng malalakas na pag-ulan sa lalawigan.

Batay sa mga Heavy Rainfall Warning na inilabas ng DOST-PAGASA mula Agosto 8 hanggang ngayong Agosto 9, ang iba’t ibang bahagi ng Nueva Ecija ay isinailalim sa 𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰, 𝐎𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞, 𝐚𝐭 𝐑𝐞𝐝 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐯𝐞𝐥𝐬. Sa pinakahuling Heavy Rainfall Warning No. 34 na inilabas ngayong 11:00 AM, Agosto 9, ang mga bahagi ng lalawigan ay nasa Red, Orange, at Yellow Warning Levels.

Dagdag pa rito, sa konsultasyon sa Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center (PRFFWC) ngayong Agosto 9, ipinaabot na ang inaasahang lagay ng pag-ulan sa Nueva Ecija bukas, Agosto 10, ay maaaring magpatuloy sa kaparehong trend na naranasan noong Agosto 8 at 9, kabilang ang Yellow, Orange, at Red rainfall conditions.

Bilang pag-iingat, minarapat ng Pamahalaang Panlalawigan na suspendihin ang mga klase upang mabawasan ang panganib dulot ng malakas na pag-ulan, posibleng pagbaha, at mapanganib na kondisyon sa pagbiyahe, at higit sa lahat upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad.

Hinihikayat ang lahat ng Novo Ecijanos na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbiyahe, iwasan ang pagtawid o pagdaan sa mga lugar na binabaha, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PRFFWC, PDRRMO, at mga lokal na awtoridad.

Para sa mga lehitimong anunsyo at impormasyon, i-like at i-follow ang official page ng Provincial Government of Nueva Ecija (PGNE).

𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬, 𝐍𝐨𝐯𝐨 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚𝐧𝐨𝐬! 💙

Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Doña Juana Chioco ay buong pagmamalaking nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ...
07/08/2026

Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Doña Juana Chioco ay buong pagmamalaking nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto! Ang selebrasyong ito ay taunang idinaraos bilang pagtugon sa Proklamasyon Blg. 1041 (s. 1997) upang pahalagahan ang ating pagkakakilanlan.

Ngayong 2026, nakasentro ang ating pagdiriwang sa napapanahon at makabuluhang tema:
✨ “𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐀𝐈: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧.” ✨

Kinikilala natin ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) sa pagpapalawak ng ating kaalaman at gawaing pananaliksik.

Isa itong panawagan na gamitin ang makabagong teknolohiya nang may pananagutan, kritikal na pag-iisip, at tamang etika.

Sinisig**o nating ang ating Wikang Pambansa ay may matibay na espasyo at hindi napag-iiwanan sa gitna ng pag-usbong ng iba't ibang teknolohiya.

Sama-sama nating patunayan na ang ating wika ay kasabay natin sa pag-unlad! 💻📖

05/08/2026

📌 Official Reminders to All DJCNHS Students!

The DJCNHS logo is a symbol of our school’s identity, values, and integrity. As such, it should be treated with the utmost respect and used only for official purposes—such as school-related documents, projects, programs, and activities that have been approved or recognized by the school administration.

We have observed instances where the school logo has been used in entertainment content, memes, personal edits, or other unofficial platforms. Please be advised that such use is strictly discouraged. Misuse of the logo can damage the image of the institution and may lead to misunderstandings or misrepresentation of the school.

All students are therefore reminded to refrain from using the DJCNHS logo for any unnecessary or non-academic purposes, especially those intended for fun, humor, or social media entertainment. Any unauthorized use may be subject to disciplinary action.

Let us all be responsible and respectful representatives of DJCNHS, both within and beyond the school campus.

Thank you for your cooperation.

Address

Poblacion West
Lupao
3122

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639274574938

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd-Doña Juana Chioco National High School- 300802 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd-Doña Juana Chioco National High School- 300802:

Shortcuts

Share