30/05/2026
📢 ANNOUNCEMENT📢📢📢📢📢
Ang PANAGAS-DEVERA ELEMENTARY SCHOOL ay magkakaroon ng Brigada Eskwela 2026 at School Enrolment sa 📌JUNE 1-5, 2026
Sa mga Magulang, Tagapangalaga, Mag-aaral, at mga Kasama sa Komunidad ng Lutayan Proper, Lutayan, Sultan Kudarat.
Malugod namin kayong inaanyayahan na maging bahagi ng aming paghahanda para sa Taong Panuruan 2026–2027!
🧹 BRIGADA ESKWELA 2026
Tema: Bayanihan para sa Paaralan, Para sa Kinabukasan ng Kabataan.
🧹 Ano ang Brigada Eskwela?
Ito ay taunang gawain ng Kagawaran ng Edukasyon kung saan nagsasama-sama ang mga g**o, magulang, mag-aaral, mga opisyal ng barangay, at mga boluntaryo upang linisin, kumpunihin, at ayusin ang pasilidad ng paaralan. Layunin nitong tiyakin na ligtas, malinis, at maayos ang lugar para sa pagkatuto ng bawat bata.
🤝 PAANO KAYO MAKATUTULONG:
📢 Pagtulong sa Gawain: Tumulong sa paglilinis ng mga silid-aralan, pagwawalis ng bakuran, pagpipintura, pagkukumpuni ng mga upuan at mesa, at paglilinis hardin.
📢Mga Ambag o Donasyon: Mga gamit panlinis (walis, panhakot, sabon, basahan), pintura, pako, kahoy, semento, bumbilya, lalagyan ng basura, at iba pang materyales para sa pagkukumpuni.
Ang anumang tulong, maliit man o malaki, ay lubos naming pinahahalagahan!
📝 PAGPAPATALA PARA SA TAONG PANURUAN 2026–2027
🧍SINO ANG MAAARING MAGPATALA?
- Mga Lumang Mag-aaral
- Mga Bagong Mag-aaral / Kindergarten /
- Mga Lumipat mula sa ibang paaralan
- Mga mag-aaral sa ilalim ng programang Balik-Aral
📋 MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO:
🧹Para sa MGA LUMANG MAG-AARAL:
- Report Card (SF9) mula sa nakaraang taong panuruan
- Photocopy of Birth Certificate
🧹Para sa MGA BAGONG MAG-AARAL / KINDERGARTEN:
- Photocopy of Birth Certificate
- Edad: 5 taong gulang pataas bago mag ika-31 ng Oktubre 2026
🧹Para sa MGA MAG-AARAL SA BAITANG 1:
- Photocopy of Birth Certificate
- Katibayan ng pagtatapos sa Kindergarten / ECCD Checklist
🧹 Para sa MGA LUMIPAT NG PAARALAN:
- Report Card (SF9) / Katibayan ng Paglilipat
- Photocopy of Birth Certificate
📍 MGA PAALALA:
✅ Dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang hindi maantala ang pagpapatala
✅ Dapat samahan ng magulang o tagapangalaga ang bata sa pagpapatala
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtulong at suporta!
-May mga surpresang ibibigay sa mga unang estudyanteng magpapatala sa Lunes🥰🥰🥰