19/04/2026
Tiniyak ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza na patuloy na isusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang kapakanan at karapatan ng bawat katutubo sa lalawigan.
Ito ay kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng Council of Elders sa bayan ng Makilala ngayong hapon, Abril 7, 2026, kasama si Vice Mayor Ryan Tabanay, kung saan inilatag ng grupo ang ilang mahahalagang usapin na kinakailangang tugunan, partikular na ang may kaugnayan sa pangagalaga sa karapatan ng mga ito.
Kasabay nito, nag-courtesy visit din sa tanggapan ni Gov. Taliño-Mendoza sina M’lang Municipal Mayor Emmanuel Abonado, Tulunan Mayor Lee Roy Villasor, Antipas Municipal Councilor Fediz Madeleine Cadungon, DILG Provincial Director Inecita Kionisala at iba pang panauhin .//idcd-pgo-sotto//