30/03/2026
Ipinababatid sa lahat ng aplikante na ang Provincial Scholarship Competitive Examination ay gaganapin sa Abril 1, 2026 (Miyerkules) sa kani-kanilang itinakdang lugar ayon sa distrito: para sa Distrito 1 ay sa 2nd Floor, Mega Market, Midsayap, Cotabato; para sa Distrito 2 ay sa The Basket, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City; at para sa Distrito 3 ay sa Municipal Gymnasium ng Kabacan, Cotabato.
Ang lahat ng mga aplikanteng nagsumite ng kanilang requirements offline o face-to-face ay kinakailangang kumuha ng kanilang examinee number sa araw ng pagsusulit sa registration area bago pumasok sa examination venue. Ang pagsusulit ay magsisimula nang ganap na 8:00 ng umaga, kaya’t hinihikayat ang lahat na dumating nang mas maaga upang maiwasan ang abala at magkaroon ng sapat na oras para sa registration at pag-aayos sa loob ng examination area.
Pinapaalalahanan ang lahat na magdala ng itim na bolpen, sariling tumbler, at opisyal na school ID. Mahigpit na ipatutupad ang mga alituntunin sa loob ng examination venue, kabilang ang pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at katahimikan, at ang sinumang lalabag ay maaaring ma-disqualify. Ang programang ito ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng ating minamahal na Gobernadora, Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza, na patuloy na nagtataguyod ng edukasyon para sa mga Iskolar ng Cotabato.