31/08/2026
IN PHOTOS | DSPC ROUND 2 QUALIFIERS
Pasok sa Round 2 ang dalawang mamahayag ng Kablacan IS na sina Paul Jake S. Balbuena, MOJO – Secondary English, at Best Joice A. Salandron, Feature Writing – English Elementary, sa gaganaping DSPC Round 2 ngayong September 5-6, 2026 sa Kiamba, Sarangani. Ito ay matapos nilang matagumpay na naitawid ang Round 1 na ginanap naman sa Colon National High School noong September 1.
Malugod namang nagpapasalamat ang kanilang mga coach na sina Teacher Jenevev A. Ambil at Teacher Riza O. Fronteras sa kanilang matagumpay na paglahok at pagkapanalo sa unang sabak.
Ang kanilang pagkapanalo ay magiging inspirasyon sa lahat ng mamamahayag ng Kablacan IS na patuloy na linangin ang talento at sumabak pang muli sa susunod na mga kabanata.
Hangga’t may tinta pa ang panulat, may papel pang paghahatiran ng ideya, patuloy pa rin sa pagsulat at pagguhit, batang mamamahayag ng KIS.
Once again, Congratulations, winners! 🌟✨🤗