20/08/2026
MCJ PRESS RELEASE
2026-06-08
=================
ππ πππππππ | Bilang bahagi ng Values Restoration Program, tinalakay ni JO1 Edmond C Buendia , Unit SAO, ang paksang "Pagpapatawad " sa ilalim ng pamumuno ni Acting City Jail Warden JINSP ERLU T ALVAREZ at sa pangangasiwa ni JSSUPT RILL F SONON , DSC, JD, Panrehiyong Direktor ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya (BJMP) Region VIII. Binigyang-diin ni JO1 Buendia na ang pagpapatawad ay kusang-loob at taos-pusong pagpapalaya sa sarili mula sa galit, p**t, at sama ng loob laban sa taong nakagawa ng pagkakamali o nakapanakit. Hindi ito nangangahulugang kinakalimutan o pinapayagan ang maling ginawa, kundi ang pagpili na magpatuloy nang may kapayapaan sa puso at isipan. Ang pagpapatawad ay nagpapakita ng pagmamahal, habag, kababaang-loob, at emosyonal na katatagan. Ito ay nakatutulong sa pagpapanumbalik ng mabuting relasyon, pagpapalakas ng pagkakaisa, at paglinang ng isang mapayapa at maunlad na pamayanan. Sa huli, ang pagpapatawad ay isang dakilang pagpapahalaga na nagbibigay ng pag-asa, pagkakasundo, at panibagong pagkakataon para sa pagbabago at paghilom.