24/07/2026
Tick-tock! It’s WASH o’ Clock! Kailan nga ba dapat maghugas ng kamay? ⏰🧼
Ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon ay simpleng pero epektibong paraan para makaiwas sa sakit at mapanatili ang kalinisan. Ugaliin ito lalo na:
🫧 Bago at pagkatapos magluto o maghanda ng pagkain
🫧 Bago at pagkatapos magpasuso o magpakain kay baby
🫧 Pagkatapos magpalit ng diaper, linisin ang dumi ni baby, o gumamit ng palikuran
🫧 Pagkatapos magtanim o magdilig ng halaman
🫧 Pagkatapos humawak ng alagang hayop at humawak ng pera
Simpleng gawain, malaking proteksyon para sa pamilya. Nakikiisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Sa PPAN, sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat!