27/08/2026
TINGNAN | LGU Mabinay Lumahok sa 3-Day Magna Carta of the Poor – Local Poverty Reduction Action Plan (MCP-LPRAP) Planning-Workshop
Aktibong lumahok ang LGU Mabinay sa tatlong araw na Magna Carta of the Poor – Local Poverty Reduction Action Plan (MCP-LPRAP) Planning-Workshop na ginanap noong Agosto 25–27, 2026 sa GSP Building, Dumaguete City. Ang aktibidad ay pinangunahan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Layunin ng aktibidad na tipunin at bigyang-kakayahan ang mga miyembro ng Local Poverty Reduction Action Committee (LPRAC) upang mas mapalalim ang kanilang kaalaman sa proseso ng MCP-LPRAP at mapadali ang pagbubuo ng kani-kanilang Local Poverty Reduction Action Plans (LPRAPs).
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga MPRAC members ng LGU Mabinay, kasama ang DILG-Mabinay, bilang pakikiisa at suporta sa pagsusulong ng mga programa at hakbang na naglalayong mabawasan ang kahirapan at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.
Sama-sama tungo sa mas inklusibo, makabuluhan, at pangmatagalang pag-unlad para sa bawat Mabinayanon!