Barangay Calamias PIO

Directions

Barangay Calamias PIO Calamias, Mabini, Batangas Public Information Office

Taos-Pusong Pagbabahagi ❤️Sa gitna ng ulan, patuloy ang malasakit at pagtutulungan para sa ating mga kabarangay. Taos-pu...
21/08/2026

Taos-Pusong Pagbabahagi ❤️

Sa gitna ng ulan, patuloy ang malasakit at pagtutulungan para sa ating mga kabarangay. Taos-pusong pasasalamat kay Former Deputy Speaker Raneo Abu at sa kanyang anak na si Bokala Reina Abu - Reyes sa pagbabahagi ng mga food packs para sa ating mga kababayan. Ang mga nasabing food packs ay matagumpay na naibahagi sa mahigit dalawang daang household noong Agosto 19, 2026 sa pangunguna ng butihing Pangulo ng ating Barangay Hon.Modesto Magboo katulong ang mga konsehal at iba pang mga kawani nito.

Ang simpleng pagtulong ay nagiging malaking bagay para sa mga pamilyang nangangailangan. Maraming salamat sa inyong kabutihan, malasakit at bukas-palad na pagtulong sa aming komunidad. 🙏❤️

Mula sa Barangay Calamias, maraming salamat po! Patuloy nating pairalin ang diwa ng bayanihan at malasakit sa isa’t isa. 🤝




🌿 BAYANIHAN PARA SA MALINIS AT LIGTAS NA PAMAYANAN! 🧹💚Isang matagumpay na pagsasagawa ng Barangay Kalinisan Day (BARKADA...
16/08/2026

🌿 BAYANIHAN PARA SA MALINIS AT LIGTAS NA PAMAYANAN! 🧹💚

Isang matagumpay na pagsasagawa ng Barangay Kalinisan Day (BARKADA) na nilahukan ng mga masisipag na mamamayan at ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ng ating Barangay Captain Modesto C. Magboo. Sama-samang nilinis ang mga kalsada, gilid ng daan at mga lugar na nangangailangan ng agarang paglilinis.

Ang gawaing ito ay patunay na sa bayanihan, pagkakaisa at malasakit sa kapaligiran, mas nagiging malinis, maayos at ligtas ang ating barangay. 🌱✨

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas para sa ikagaganda ng ating pamayanan. Tuloy-tuloy ang pagkilos para sa isang malinis, ligtas at maunlad na Barangay Calamias! 💚




15/08/2026

Magandang hapon po mga kabarangay.
Baka po sa inyo ay may gusto mag pa hearing aid magkakaroon po tau ng second batch. Mangyaring magpalista na lamang po sa mga duty bukas sa ating barangay hall. Maraming salamat po.

📚✨ Pag-asa ng Bayan, Ipinagmamalaki ng Barangay! ✨📚Taos-pusong pagbati sa mga benepisyaryo ng Bawat Barangay Makinabang ...
14/08/2026

📚✨ Pag-asa ng Bayan, Ipinagmamalaki ng Barangay! ✨📚

Taos-pusong pagbati sa mga benepisyaryo ng Bawat Barangay Makinabang Scholars Program na matagumpay na nakatanggap ng kanilang educational assistance na nagkakahalaga ng ₱20,000.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap na mabigyan ng pagkakataon ang bawat kabataan na makapag-aral at maabot ang kanilang mga pangarap. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang pag-aaral at maging huwaran sa ating komunidad.

Ang inyong tagumpay ay tagumpay rin ng ating barangay. Patuloy tayong magtulungan upang makamit ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat kabataan.

🎓 Edukasyon ang susi sa pag-unlad, at ang bawat iskolar ay pag-asa ng ating bayan.




"Hangga't may magagawa at kaya ay pilit na gagawin, huwag lang mapabayaang maging madilim ang Barangay sa buong magdamag...
09/08/2026

"Hangga't may magagawa at kaya ay pilit na gagawin, huwag lang mapabayaang maging madilim ang Barangay sa buong magdamag."

Maraming salamat sa inyong lahat.

09/08/2026

Magandang gabi po sa ating lahat..mga kabarangay,pasuyo po sa lahat ng sumasakay sa motor na dumadaan sa PNOC, wag po ninyong alisin ang inyong helmet habang kayo ay nadaan sa loob ng PNOC..wag po ninyong hintayin n ipag bawal ang pag daan ng motor tayo po ay nakikiusap lng kaya tayo po ay sumunod sa patakaran na ibinigay nila..pakiusap na po..ang daan natin ai hindi pa pwedeng daanan tayo po ay sumunod..Maraming salamat po

08/08/2026

Pausap po mga taga Brgy. Calamias ang bundok po ay pansamantalang hindi muna madadaanan at delikado po. Pumayag na po ang PNOC na dun muna pansamantalang dumaan ang lahat ng sasakyan habang hindi pa ayos ang ating daan..Ang nakamotor po ay kailangan mghelmet..Ang curfew hour po ay simula 10pm hanggang 4am..kapag emergency po ay pwede din dun dumaan. Maraming salamat po.

Sa atin pong mga opisyal ng Barangay maraming salamat po sa agarang aksyon ganun din sa iba pang mga tumulong lalo't hig...
08/08/2026

Sa atin pong mga opisyal ng Barangay maraming salamat po sa agarang aksyon ganun din sa iba pang mga tumulong lalo't higit sa tulong ng taga BDRRMO sa pagpapadala ng backhoe para mabawasan ang guho sa daan..harinawa ay tumigil na ang pag-ulan at marami-rami na rin ang naapektuhan at binaha🙏
Mag-ingat po tayong lahat.



"Busog ang tiyan, Saya ang Puso"💚Isang matagumpay na pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 ang naganap noong ika - 31 ng H...
01/08/2026

"Busog ang tiyan, Saya ang Puso"💚

Isang matagumpay na pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 ang naganap noong ika - 31 ng Hulyo, 2026 sa Barangay Calamias na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan".

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa nasabing selebrasyon sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Modesto Magboo at mga kagawad nito, sa Committee on Health, BNS, BHW, VAWC, CDW, at sa iba pang mga volunteers at magulang na naging abala para maisakatuparan ng maayos at masaya ang nasabing selebrasyon.

Nawa'y patuloy nating isabuhay ang tamang nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa mas malakas, mas malusog, at mas masayang komunidad dahil ang bawat masustansyang pagkain ay hakbang tungo sa malusog na kinabukasan.🥬🥦🍓🍎




Address

Calamias Mabini Batangas
Mabini
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Calamias PIO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category